“Pahina ng Katuwaan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2021, 26–27.
Pahina ng Katuwaan
Mga Musikal na Pagtatanghal
Noong nagsisimula pa lang ang Simbahan, inutusan si Emma Smith na gumawa ng koleksyon ng mga himno (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 25). Ilang himno ang isinama sa unang himnaryo? Para malaman, gawin ang math sa ibaba.
-
Kunin ang taon nang maorganisa ang Simbahan at hatiin ito sa bilang ng mga saksi ng Aklat ni Mormon na pinakitaan ng isang anghel ng mga laminang ginto (tingnan sa Eter 5:4).
-
Hatiin ang resulta ng A sa bilang ng mga aklat sa Lumang Tipan na tinatawag na Samuel.
-
Kunin ang resulta ng B at ibawas ang bilang ng mga bahagi sa Doktrina at mga Tipan.
-
Kunin ang resulta ng C at idagdag ang pinakabatang edad na maaaring mabinyagan ang isang tao (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 68:25).
-
Hatiin ang resulta ng D sa bilang ng mga Aklat ni Moises sa Lumang Tipan (tingnan sa 1 Nephi 5:11).
-
Kunin ang resulta ng E at idagdag ang bilang ng mga araw sa isang linggo.
-
Hatiin ang resulta ng F sa bilang ng mga “araw” na nilikha ng Diyos ang mundo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 77:12).
-
I-multiply ang resulta ng G sa bilang ng mga dalaga sa talinghaga ng Tagapagligtas (tingnan sa Mateo 25:1).
-
Kunin ang resulta ng H at idagdag ang bilang ng mga tinapay na ginamit ng Tagapagligtas para pakainin ang apat na libong tao (tingnan sa Mateo 15:34–38).
-
Kunin ang resulta ng I at idagdag ang bilang ng mga saligan ng pananampalataya na mayroon tayo.
Sa Iyong Bahagi ng Mundo
Kadalasang hindi makapili ng pabotirong anak ang mga magulang (maliban kung iisa lamang ang anak nila) dahil napakahirap nitong gawin. Ang tanong na ito ay halos kasing-hirap, pero kaya mo itong sagutin!
Ano ang paborito mong aktibidad ng mga kabataan sa Simbahan na ginawa mo? Sumulat ka sa amin (at isama ang isang larawan mula sa aktibidad kung maaari) at sabihin sa amin kung bakit napakaganda nito.
Ipadala ang iyong retrato at deskripsyon sa ftsoy@ChurchofJesusChrist.org. Ilalathala namin ang mga sagot sa isang isyu sa hinaharap para maibahagi ang mga ito sa mga kabataan sa iba’t ibang panig ng mundo.
Caber Toss Quiz
Isang paboritong isport sa Scotland ang caber toss. Ang caber ay isang mahabang kahoy (na ang isang dulo ay mas maliit) na inihahagis ng isang atleta sa ere. Para manalo, kailangang buhatin ang caber sa mas maliit na dulo, ihagis ito nang paikot, at pabagsakin ito na ang pinaliit na dulo ay nakaturo palayo sa naghagis sa 12:00 na posisyon sa isang orasan.
Matutukoy mo ba kung sino sa mga kabataang Scottish na ito ang pinakamagaling maghagis sa kanilang aktibidad ngayon? Hint: Ang mga caber na ang mas maliit na bahagi ay nakaturo palayo sa mag-iitsa (na ang ibig sabihin ay nakaisang buong pag-ikot ang caber) ang may pinakamataas na puntos.
Bonus Quiz
Ang isa sa mga lider ay ama ng isa sa mga kabataang lalaki. Matutukoy mo ba kung sino sila sa pamamagitan ng kanilang magkatulad na family kilt?