“Ang Proklamasyon ng Pagpapanumbalik: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Ang Proklamasyon ng Pagpapanumbalik,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Ang Proklamasyon ng Pagpapanumbalik
Ang Proklamasyon ng Pagpapanumbalik
Buod
Noong Kanyang mortal na ministeryo, itinatag ng Tagapagligtas ang Kanyang Simbahan sa lupa at tinawag Niya ang Kanyang mga Apostol para pamunuan ito. Ang mga Apostol ay pinatay kalaunan, na humantong sa panahong nakilala bilang Malawakang Apostasiya. Sinimulan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang proseso ng pagpapanumbalik ng ebanghelyo sa lupa sa pamamagitan ng pagpapakita kay Propetang Joseph Smith noong 1820. Ginunita ang ika-200 anibersaryo ng Unang Pangitain noong 2020 sa “Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo: Isang Proklamasyon sa Mundo para sa Ika-200 Taong Anibersaryo.” Itinala ni Joseph Smith ang mga paghahayag na natanggap niya mula sa Panginoon, at marami sa mga ito ay matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan, na nagsisilbing saksi na nangungusap si Jesucristo sa ating panahon.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.
Ang Malawakang Apostasiya
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maunawaan na kailangan ang pagpapanumbalik ng totoong Simbahan ni Jesucristo sa mga huling araw.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na hanapin ang kahulugan ng apostasiya gamit ang Gospel Library app o iba pang resources na makukuha nila. Hikayatin sila na pumasok sa klase na handang ibahagi ang natutuhan nila.
“Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo: Isang Proklamasyon sa Mundo para sa Ika-200 Taong Anibersaryo”
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na madama ang katotohanan at kahalagahan ng nagpapatuloy na Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na dumating sa klase na handang magbahagi ng mga pagpapala ng ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo na pinakamakabuluhan sa kanila.
-
Video: “Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo: Isang Proklamasyon sa Mundo para sa Ika-200 Taong Anibersaryo” (9:24; manood mula sa time code na 0:00 hanggang 2:21)
Pambungad sa Doktrina at mga Tipan
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maghandang makilala nang mas mabuti ang Tagapagligtas habang sinisimulan nila ang kanilang pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na tukuyin ang ilan sa mga paborito nilang talata mula sa Doktrina at mga Tipan at maghandang ipaliwanag kung bakit makabuluhan sa kanila ang mga talatang iyon.