Lesson 2—Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo: Isang Proklamasyon sa Mundo para sa Ika-200 Taong Anibersaryo
“Lesson 2—Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo: Isang Proklamasyon sa Mundo para sa Ika-200 Taong Anibersaryo,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 2: Proklamasyon ng Pagpapanumbalik
“Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo: Isang Proklamasyon sa Mundo para sa Ika-200 Taong Anibersaryo”
Noong Abril 5, 2020, binasa ni Pangulong Russell M. Nelson ang “mga taimtim at sagradong salita ng proklamasyon” (“Pakinggan Siya,” Liahona, Mayo 2020, 90) upang gunitain ang ika-200 anibersaryo ng Unang Pangitain. Ang pahayag na ito ay nakatala sa “Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo: Isang Proklamasyon sa Mundo para sa Ika-200 Taong Anibersaryo” (ChurchofJesusChrist.org). Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang katotohanan at kahalagahan ng nagpapatuloy na Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Paggunita sa mga dakilang tao o pangyayari
Ang ibig sabihin ng paggunita sa isang tao o isang pangyayari ay magpakita ng pasasalamat, magbigay-parangal, at paggalang. Madalas itong gawin sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay na makatutulong sa atin na maalala ang tao o pangyayari.
Alalahanin na matapos ang pagkamatay ng mga Apostol ni Jesucristo, nagkaroon ng panahon na kilala bilang Malawakang Apostasiya. Ito ay isang panahon kung kailan wala sa mundo ang ebanghelyo at awtoridad ng priesthood ni Jesucristo. Noong tagsibol ng 1820, pinasimulan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang Pagpapanumbalik ng ebanghelyo sa lupa nang magpakita Sila kay Joseph Smith.
Pinag-isipan namin kung dapat bang magtayo ng isang monumento. Ngunit habang pinag-iisipan namin ang natatanging epekto ng makasaysayang Unang Pangitain sa ibang bansa—nagkaroon kami ng inspirasyon na lumikha ng isang monumento na hindi gawa sa bato kundi sa mga salita—mga taimtim at sagradong salita ng proklamasyon—isinulat, hindi upang iukit sa mga “tipak ng bato” kundi mga salitang maaaring iukit sa “bawat himaymay” ng ating mga puso. (Russell M. Nelson, “Pakinggan Siya,” Liahona, Mayo 2020, 90)
Pag-aralan ang proklamasyon ng Pagpapanumbalik
Ang isang paraan para makita ang mga pagpapalang ibinigay sa inyo ng Diyos ay sa pamamagitan ng paggawa ng listahan. Maaari kayong maglista ng mga salita o parirala na naglalarawan kung ano ang ipinanumbalik. Pagkatapos ay isipin kung anong mga pagpapala ang tinatamasa ninyo ngayon, o matatamasa ninyo sa hinaharap, dahil sa ipinanumbalik ng Diyos.
Anong mga salita o parirala ang tumutulong sa inyo na malaman kung ano ang ipinanumbalik ng Diyos?
Alin sa mga ipinanumbalik na pagpapalang ito ang pinakamakabuluhan sa inyo? Bakit?
Pag-isipan sandali kung ano ang naunawaan ninyo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa tulong ng mga ipinanumbalik na pagpapalang ito.
Ano ang ilang katotohanan na natukoy ninyo tungkol sa Kanila sa tulong ng proklamasyong ito?
Gunitain ang mga pagpapala ng Pagpapanumbalik
Pumili ng isang elemento ng Pagpapanumbalik na partikular ninyong ipinagpapasalamat. Isipin kung ano ang magagawa ninyo para gunitain ang pagpapalang ito mula sa Diyos o ibahagi ito sa iba. Tandaan na ang ibig sabihin ng gunitain ay magpakita ng pasasalamat, magbigay-parangal, at paggalang.
Simulang isaulo ang isang bahagi ng proklamasyon ng Pagpapanumbalik.
Sumulat ng maikling espirituwal na ideya tungkol sa isang aspeto ng Pagpapanumbalik na ibabahagi sa inyong pamilya.
Gumawa ng social media post para ibahagi ang inyong pasasalamat para sa pagpapala ng Pagpapanumbalik.
Isulat ang inyong patotoo tungkol sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo. Maaari ninyong ibahagi ang inyong patotoo sa darating na miting ng Simbahan.