Seminary
Lesson 161—Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 10: Ipamuhay ang mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman


“Lesson 161—Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 10: Ipamuhay ang mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 10,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 161: “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo“

Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 10

Ipamuhay ang mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman

mga estudyanteng nakikibahagi sa klase

Ang doctrinal mastery ay makatutulong sa mga estudyante na maitayo ang pundasyon ng kanilang buhay kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong ibahagi ang mga doctrinal mastery passage na makabuluhan sa kanilang buhay at makatutulong sa kanila na matutuhan at maipamuhay ang mga banal na alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagrerebyu ng doctrinal mastery: Ibahagi

Upang matulungan ang mga estudyante na marebyu sandali ang natutuhan nila sa taon na ito at maihanda sila na magbahagi ng mga doctrinal mastery passage na nakaapekto sa kanilang buhay, maaari mong isulat sa pisara ang hindi kumpletong parirala na Ang isa sa paborito ko ay ….

Maaari mong tapusin ang parirala sa ilang iba’t ibang paraan, tulad ng mga tao sa kasaysayan ng Simbahan, mga kuwentong natutuhan natin sa taon na ito, o mga bagay na natutuhan ko mula sa isa kong kaklase. Para sa bawat paraan ng pagkumpleto sa parirala, hayaan ang mga estudyante na ibahagi sandali sa kapartner ang kanilang mga sagot at kung bakit ito ang napili nila.

Sa huli, kumpletuhin ang parirala gamit ang mga doctrinal mastery passage. Bigyan ng oras ang mga estudyante na rebyuhin ang listahan ng mga doctrinal mastery passage sa Doctrinal Mastery Core Document (2023). Sabihin sa kanila na ibahagi sa kapartner ang passage na napili nila at ang kahulugan nito para sa kanila. Tiyaking magtitira ng sapat na oras para sa susunod na aktibidad sa pagsasanay ng pagsasabuhay.

Alamin at ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman

Bago ipabatid ang sumusunod na salaysay, makatutulong kung hahayaan ang mga estudyante na rebyuhin sandali ang mga alituntunin sa talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document. (Ang mga iminumungkahing aktibidad para sa pagrerebyu ay kasama sa “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery” sa apendiks ng manwal na ito.)

Tandaan: Ang iminumungkahing paksa sa lesson na ito ay maaaring napaka sensitibo at napakapersonal sa maraming estudyante. Habang tinatalakay ng klase ang sumusunod na salaysay, ipaalala sa kanila ang pagmamahal ng Diyos para sa lahat ng Kanyang anak at ang Kanyang hangaring pakitunguhan natin ang lahat ng tao nang may paggalang at pagmamahal.

Tingnan ang bahaging “Alternatibong sitwasyon” sa “Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral” kung sa palagay mo ay mas makabubuting magsanay ang mga estudyante na gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa ibang sitwasyon.

Inilarawan ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol ang isang binatilyong naharap sa napakahirap na hamon. Habang binabasa mo ang sitwasyon ng binatang ito, isipin kung bakit mahalaga para sa kanya ang ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Elder Jeffrey R. Holland

Tinutukoy ko ang isang binatang nagmisyon nang marapat ngunit piniling umuwi nang maaga dahil sa atraksiyon sa kapwa lalaki at dumanas ng trauma na may kinalaman dito. Karapat-dapat pa rin siya, ngunit nawalan siya ng pananampalataya, lalong bumigat ang kanyang pakiramdam, at lalong tumindi ang kanyang espirituwal na pagdurusa. Nariyang masaktan siya, malito, magalit, at mamanglaw. (Jeffrey R. Holland, “Narito, ang Iyong Ina,” Liahona, Nob. 2015, 49)

Matutulungan mo ang mga estudyante na maghandang makita ang pagkakaugnay sa lesson na ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkakataong iproseso ang kanilang mga naunawaan at nadama na nauugnay sa mga sitwasyong tulad nito. Maaari mong hikayatin ang mga estudyante na isulat ang kanilang mga saloobin sa kanilang study journal sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga pahiwatig na tulad ng sumusunod:

  • Sa iyong palagay, ano ang maaaring mga tanong o alalahanin ng binatang ito tungkol sa plano ng Ama sa Langit o tungkol sa Simbahan?

  • Paano maaaring maapektuhan ng mga tanong o alalahaning ito ang ugnayan niya sa Ama sa Langit?

  • Bakit mahalagang maunawaan at maipamuhay ng mga tao na nasa parehong mga sitwasyon ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman? Bakit mahalaga na ipamuhay rin ng kanilang mga kaibigan at pamilya ang mga alituntuning iyon?

Tandaan na hindi masasagot ng lesson na ito ang bawat tanong ng mga estudyante. Hindi pa inihahayag ng Diyos ang lahat ng sagot. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maging mas matatapat na disipulo ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman habang hinaharap nila ang mga tanong at alalahanin sa kanilang buhay.

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa klase ang natutuhan nila tungkol sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman na sa palagay nila ay lubos na makatutulong sa binatang ito, sa kanyang mga kaibigan, o sa kanyang pamilya. Maglaan ng maraming oras para sa talakayang ito.

Depende sa oras na magagamit pagkatapos ng talakayan, maaari kang pumili sa natitirang materyal ng lesson para tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang mga alituntuning ito.

Ano ang ginawa ng binata?

Maaari mong sabihin sa mga miyembro ng klase na maghanap ng kapartner at bigyan ang bawat magkapartner ng kopya ng natitirang bahagi ng kuwentong isinalaysay ni Elder Holland. Sabihin sa kanila na salungguhitan ang katibayan kung paano isinabuhay ng binatang ito at ng iba pa ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Pagkatapos ay maaari mong ipakita ang mga tanong sa ibaba para talakayin ng magkakapartner.

Elder Jeffrey R. Holland

Maraming oras na nagsaliksik at umiyak ang kanyang mission president, stake president, at bishop at binasbasan nila siya habang tinutulungan siya. … Ipinarating [ng kanyang ina] sa kanyang anak … ang kanyang patotoo sa kapangyarihan ng Diyos, sa Kanyang Simbahan, at lalo na sa Kanyang pagmamahal sa anak na ito. Kasabay nito pinatotohanan din niya ang kanyang matibay at walang-kupas na pagmamahal sa kanya. …

Ang seksuwal na oryentasyon ng [binata] na ito ay hindi mahimalang nagbago—walang nag-isip nang gayon. Ngunit unti-unti, nagbago ang kanyang damdamin.

Nagsimula siyang bumalik sa simbahan. Pinili niyang tumanggap ng sakramento nang handa at karapat-dapat. Muli siyang kumuha ng temple recommend at tumanggap ng tawag na maglingkod bilang early-morning seminary teacher, kung saan siya naging matagumpay. At ngayon, pagkaraan ng limang taon, sa kahilingan na rin niya at sa malaking tulong ng Simbahan bumalik siya sa misyon, upang kumpletuhin ang paglilingkod niya sa Panginoon. Tinangisan ko ang tapang, integridad, at determinasyon ng binatang ito. (Jeffrey R. Holland, “Narito, ang Iyong Ina,” Liahona, Nob. 2015, 49)

  • Paano naipapakita ng mga pagpili ng binata ang kanyang pananampalataya kay Jesucristo? Sa inyong palagay, paano nakaapekto ang mga pagpili niya sa kanyang ugnayan sa Ama sa Langit?

  • Sa inyong palagay, bakit mahalaga na pinili ng kanyang ina na patotohanan sa kanya ang pagmamahal ng Diyos para sa kanya?

  • Anong katibayan ang nakikita ninyo na bumaling siya sa sources na itinalaga ng Diyos? Sa inyong palagay, paano maaaring nakaimpluwensya ang napili niyang sources sa kanyang pananampalataya kay Jesucristo?

  • Ipagpalagay na hindi mahanap ng binatang ito ang mga sagot sa ilan sa kanyang mga tanong o alalahanin. Ano ang nalalaman ninyo tungkol sa Ama sa Langit at sa Kanyang plano na makatutulong na maalala niya?

Punan ang patlang

Para sa aktibidad na ito, maaari mong isulat sa pisara ang tatlong hindi kumpletong pahayag sa ibaba.

Pumili ng isa sa mga sumusunod na pahayag mula sa Doctrinal Mastery Core Document at subukang kumpletuhin ito ayon sa natatandaan ninyo. Pagkatapos ay tingnan kung tama ang inyong sagot gamit ang talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman.”

  1. “Sa mga oras na maaaring hindi natin agad mahanap ang mga sagot sa ating mga tanong …”

  2. “Hinahangad natin ang tulong ng Espiritu Santo para …”

  3. “Ang matutong matukoy at maiwasan ang di-mapagkakatiwalaang sources ay …”

Isipin kung bakit mahalagang maunawaan ng binata at ng kanyang mga kaibigan at pamilya ang mga alituntunin sa pahayag na napili ninyo.

Sabihin sa mga estudyante na lumibot sa silid at magbahagi ng mga ideya sa isa’t isa. Maaari mo silang hikayatin na patuloy na maghanap ng mga bagong kapartner hanggang sa maibahagi nila ang kanilang mga ideya sa kahit sa isang taong pumili ng opsiyon 1, isang taong pumili ng opsiyon 2, at isang pumili ng opsiyon 3.

Sources na itinalaga ng Diyos

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tanong. Pagkatapos ay bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante na maghanap ng mga banal na kasulatan at pahayag bago sila anyayahan na sumagot nang malakas.

Kung kinakailangan, maaari mong ibigay sa mga estudyante ang iminumungkahing resources sa bahaging “Karagdagang Resources.”

  • Aling mga doctrinal mastery passage mula sa Doktrina at mga Tipan (o iba pang aklat ng banal na kasulatan) ang sa palagay mo ay makatutulong sa binatang ito?

  • Anong mga pahayag ng mga lider ng Simbahan ang makatutulong sa kanya o sa kanyang mga mahal sa buhay na pag-aralan?