“‘Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo’—Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“‘Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo”
“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo”
Buod
Ang “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” ay isang pahayag ng propeta upang tulungan tayong maunawaan ang mga turo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo tungkol sa kasal at pamilya. Inihayag ng Diyos sa pagpapahayag na ito kung paano makakamit ang kapayapaan at kaligayahan bilang mga indibiduwal at pamilya.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Ang Pagpapahayag tungkol sa Mag-anak, Bahagi 1
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang mahalagang tungkuling ginagampanan ng mga pamilya sa plano ng Ama sa Langit.
-
Paghahanda ng mga estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na basahin ang pagpapahayag tungkol sa mag-anak at markahan ang kanilang mga ideya o isulat ang mga tanong na maaaring mayroon sila.
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Mga digital o naka-print na kopya ng “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo”; mga naka-print na kopya ng lesson 7 ng institute manual na Materyal para sa Paghahanda sa Klaseng Ang Walang Hanggang Pamilya para sa mga estudyanteng walang access sa Gospel Library
-
Mga Video: “Stand Strong against the Wiles of the World” (27:49; panoorin mula sa time code na 19:31 hanggang 20:20); “Plan of Salvation—We’re Still a Family” (4:47)
Ang Pagpapahayag tungkol sa Mag-anak, Bahagi 2
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon at pag-aalaga ng mga anak sa plano ng Ama sa Langit.
-
Paghahanda ng mga estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pakinggan o basahin ang mga titik ng himnong ”Ako ay Anak ng Diyos” (Mga Himno, blg. 189). Hikayatin silang isipin ang kahalagahan ng mga anak sa plano ng Ama sa Langit.
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Mga digital o naka-print na kopya ng “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo”; ilang naka-print na kopya ng mga sumusunod na mensahe na ibabahagi sa mga estudyanteng walang access sa Gospel Library: Dallin H. Oaks, “Mga Magulang at mga Anak,” Liahona, Nob. 2018, 61–67; David A. Bednar, “Naniniwala Kami sa Pagiging Malinis,” Liahona, Mayo 2013, 41–44; Neil L. Andersen, “Mga Anak,” Liahona, Nob. 2011, 28–31
-
Video: “Banal na Pagmamahal sa Plano ng Ama” (14:46; panoorin mula sa time code na 8:13 hanggang 8:47)
Ang Pagpapahayag tungkol sa Mag-anak, Bahagi 3
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maipamuhay ang mga turo ni Jesucristo sa kanilang pamilya.
-
Paghahanda ng mga estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga sandali na naranasan nila ang kaligayahan kasama ang kanilang pamilya.
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Mga digital o naka-print na kopya ng “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo”
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 10
Layunin ng lesson: Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong ibahagi ang mga doctrinal mastery passage na makabuluhan sa kanilang buhay at tulungan silang matutuhan at maipamuhay ang mga banal na alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
-
Paghahanda ng mga estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na maghandang magbahagi sa klase ng doctrinal mastery passage na naging makabuluhan sa kanilang buhay at bakit.
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Sapat na kopya ng pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland na pagsasaluhan ng magkakapartner (Jeffrey R. Holland, “Narito, ang Iyong Ina,” Liahona, Nob. 2015, 49)