“Lesson 158—Ang Pagpapahayag tungkol sa Mag-anak, Bahagi 1: ‘Ang Mag-anak ang Sentro ng Plano ng Tagapaglikha,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Ang Pagpapahayag tungkol sa Mag-anak, Bahagi 1,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 158: Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo
“Ang Mag-anak ang Sentro ng Plano ng Tagapaglikha”
Ang “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo ” ay isang pahayag ng propeta na isinulat upang tulungan tayong maunawaan ang mga turo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo tungkol sa kasal at pamilya. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang mahalagang tungkuling ginagampanan ng mga pamilya sa plano ng Ama sa Langit.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Bago magklase, tiyaking magkakaroon ang bawat isa sa mga estudyante ng access sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo ” sa digital na format o sa naka-print na kopya. Maaaring may kopya na nito sa study journal ng mga estudyante.
“Ang mag-anak ang sentro ng plano ng Tagapaglikha para sa walang hanggang tadhana ng Kanyang mga anak.”
Maaari mong ipakita sa pisara ang mga salita mula sa naunang heading nang hindi sunod-sunod. Bigyan ng isang minuto ang mga estudyante upang subukang ayusin ang mga ito sa kanilang isipan. Pagkatapos ay anyayahan silang hanapin at markahan ang mga salitang ito sa dulo ng unang talata ng “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo.”
Pagkatapos ay magsimula ng talakayan gamit ang mga tanong na tulad ng sumusunod:
Bakit ang pamilya ang sentro ng plano ng Diyos para sa walang hanggang tadhana ng Kanyang mga anak?
Batid na ang bawat pamilya ay nahaharap sa mga pagsubok at tayong lahat ay hindi perpekto, ano ang maibabahagi ninyo tungkol sa Ama sa Langit, Pagbabayad-sala ni Jesucristo, at sa plano ng kaligtasan na makatutulong sa mga tinedyer na nag-aalala tungkol sa sitwasyon ng kanilang pamilya?
Maaari mong ilista sa pisara ang mga sumusunod na salita at parirala bago magklase. Ipabasa sa mga estudyante ang listahan.
Ang kahalagahan ng kasal
Diborsyo
Pang-aabuso
Kinikilalang kasarian
Kasal ng dalawang magkapareho ang kasarian
Pagkakaroon ng mga anak
Mga pagtatalik ng hindi mag-asawa
Aborsiyon o Pagpapalaglag
Kaligayahan sa buhay ng mga mag-anak o pamilya
Tandaan: Sa pagtuturo mo ng lesson ngayon, tandaang sensitibo ang mga paksang tatalakayin. Maaari mong ipaalala sa mga estudyante na sikaping magkaroon ng pagmamahal, pagkasensitibo, at pag-unawa na tulad ng kay Cristo habang tinatalakay nila ang mga paksang ito.
Sa alin sa mga paksang ito may mga tanong o alalahanin ang mga tao ngayon?
Sa inyong palagay, saan madalas pumupunta ang mga tao para maghanap ng mga sagot tungkol sa mga isyung ito?
Maaari mong bigyan ng oras ang mga estudyante na isipin ang nauunawaan nila sa mga isyung ito at ang mga posible nilang tanong tungkol dito.
Bakit mahalagang malaman kung ano ang itinuro ng Diyos tungkol sa mga paksang ito?
Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makahanap ng mga sagot sa ilan sa kanilang mga tanong at alalahanin. Sabihin sa kanila na humingi ng paghahayag mula sa Espiritu Santo para gabayan sila habang pinag-aaralan nila ang “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo ” ngayon at sa buong linggo.
Ang pagpapahayag tungkol sa mag-anak
Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang ilang dahilan kung bakit binigyang-inspirasyon ng Panginoon ang pagsusulat ng pagpapahayag tungkol sa mag-anak, maaari mong ibahagi ang sumusunod na pahayag na inilabas noong ipabatid ang pagpapahayag.
Ipinahayag ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008):
2:3
Dahil sa dami ng maling ideya na pinagmumukhang katotohanan, sa dami ng panlilinlang na may kinalaman sa mga pamantayan at pagpapahalaga, sa dami ng pang-aakit at panggaganyak na gawin ang mga kasalanang unti-unting lumalaganap sa mundo, nadama namin na kailangan kayong bigyang-babala. Bilang karagdagan dito, kami ng Unang Panguluhan at ng Konseho ng Labindalawang Apostol ay maglalabas ngayon ng isang pagpapahayag sa Simbahan at sa daigdig bilang pahayag at muling pagpapatibay ng mga pamantayan, doktrina, at gawaing nauugnay sa pamilya na paulit-ulit na binabanggit ng mga propeta, tagakita, at tagapaghayag ng simbahang ito sa buong kasaysayan nito. (Gordon B. Hinckley, “Stand Strong against the Wiles of the World ,” Ensign , Nob. 1995, 100)
Basahin ang talata 1–3 ng pagpapahayag tungkol sa mag-anak, at alamin ang itinuro ng Diyos tungkol sa ilan sa mga paksa sa pisara.
Magtuon sa mga katotohanang humahantong sa pagbabalik-loob at nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo: Ang aktibidad sa ibaba ay nagmumungkahi ng isang paraan para maipahayag ng mga estudyante ang mga alituntunin ng pagbabalik-loob na natukoy nila. Para matulungan sa pagtuturo nito, tingnan ang training na may pamagat na “Magtuon sa mga katotohanang humahantong sa pagbabalik-loob at nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo ” sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Ituro ang Doktrina . Maaari mong praktisin ang kasanayang “Magtanong ng mga bagay na makatutulong sa mga estudyante na matukoy at maipahayag ang mga alituntuning nagpapabalik-loob.”
Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na isulat ang mga katotohanang mahahanap nila sa susunod na nauugnay na paksa sa pisara. Maaari din nilang ibahagi kung paano makatutulong ang katotohanang isinulat nila na tugunan ang nauugnay na paksa.
Ang sumusunod ay ilang katotohanan na maaaring banggitin ng mga estudyante:
Ang mag-anak ang sentro ng plano ng Ama sa Langit para sa Kanyang mga anak.
Ang kasarian ay mahalagang katangian ng pagkakakilanlan at layunin ng isang tao.
Sa tulong ng plano ng Diyos, nagpapatuloy ang mga ugnayan ng pamilya pagkatapos ng kamatayan .
Maaaring magandang pagkakataon ito para magbahagi ang mga estudyante ng mga ideya o magtanong.
Tatalakayin ng sumusunod na tatlong bahagi ng lesson ang bawat isa sa mga katotohanan sa itaas. Depende sa magagamit na oras at sa mga pangangailangan ng iyong mga estudyante, pumili ng isa o mahigit pa sa mga katotohanang ito na pagtutuunan ng pansin. O maaari kang mag-aral ng iba pang katotohanan na mas makatutugon sa mga tanong at pangangailangan ng mga estudyante.
1. Ang mag-anak ang sentro ng plano ng Ama sa Langit para sa Kanyang mga anak.
Maaari mong pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Sabihin sa mga magkakapartner na magsalitan sa pagbabahagi ng lahat ng alam nila tungkol sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit sa loob ng isang minuto. Hikayatin ang mga estudyante na isipin ang buhay bago tayo isinilang [premortal], ang buhay sa mundo [mortal], at kabilang-buhay [postmortal] na bahagi ng plano.
Paano naging sentro sa plano ng Ama sa Langit ang mag-anak sa premortal na buhay? Sa mortalidad? Sa kabilang buhay o postmortal na buhay?
Sa inyong palagay, kung batid ito ni Satanas tungkol sa mag-anak, paano kaya siya tutugon sa mga katotohanan tungkol sa mag-anak?
Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung bakit mag-anak ang sentro sa plano ng Diyos, sabihin sa kanila na maghanap ng mga banal na kasulatan sa ilalim ng “Mag-anak” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan. Bukod pa rito, maaari mong ipamahagi ang sumusunod na pahayag para basahin ng mga estudyante nang mag-isa. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na markahan ang mga bahagi ng pahayag na pinakamahalaga para sa kanila.
Itinuro ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Dahil alam natin kung bakit natin nilisan ang presensya ng ating Ama sa Langit at kung ano ang kailangang gawin para makabalik at mapadakilang kasama Niya, napakalinaw na ngayon na walang anumang may kinalaman sa ating buhay sa lupa na mas mahalaga kaysa pisikal na pagsilang at espirituwal na muling pagsilang, ang dalawang kailangan para sa buhay na walang hanggan. …
Ang pamilyang binuo ng isang lalaki at isang babae ikinasal ang pinakaakmang kalagayan upang magtagumpay ang plano ng Diyos—ang kalagayan para sa pagsilang ng mga anak, na darating na dalisay at walang-malay mula sa Diyos, at ang kapaligiran para sa pag-aaral at paghahandang kailangan nila para sa isang matagumpay na buhay sa mundo at buhay na walang hanggan sa daigdig na darating. (D. Todd Christofferson, “Bakit Dapat Mag-asawa at Bumuo ng Pamilya ,” Liahona , Mayo 2015, 51–52)
Pagkatapos ng oras nila sa paghahanap ng mga banal na kasulatan at pahayag, maaaring talakayin ng mga estudyante ang mga sumusunod na tanong nang magkakapartner o sa maliliit na grupo.
Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa kung bakit mag-anak ang sentro sa plano ng Ama sa Langit?
Paano ninyo nakitang natutulungan ng mga pamilya ang mga indibidwal na maghanda “para sa isang matagumpay na buhay sa mundo at buhay na walang hanggan sa daigdig na darating”?
Paano makatutulong sa inyo ang mga turong ito para masagot ang mga tanong at alalahanin tungkol sa kasal at pamilya?
2. Ang kasarian ay mahalagang katangian ng pagkakakilanlan at layunin ng isang tao.
Maaari mong bigyan ng oras ang mga estudyante para pag-aralan nang mag-isa ang ilan sa sources sa ibaba. Ang mga sumusunod na tanong ay maaaring magsilbing gabay nila habang nag-aaral sila:
Bakit mahalagang katangian ng pagkakakilanlan at layunin ng isang tao ang kasarian?
Paano natin maituturo ang mga katotohanan tungkol sa kasarian nang may pananalig habang iniiwasan na makasakit o maging walang galang sa iba?
“Ang Walang-Hanggang Likas na Katangian at Layunin ng Kasarian “ (Materyal para sa Paghahanda sa Klaseng Ang Walang Hanggang Pamilya [2022], 29–33) (Tingnan ang tatlong bahagi ng resource na ito na nagsisimula sa mga tanong.)
“Transgender: Understanding Yourself ” sa bahaging “Life Help” ng Gospel Library
“Transgender: Supporting Others ” sa bahaging “Life Help” ng Gospel Library
Kung walang access ang mga estudyante sa resources na ito, maaari kang gumawa ng mga kopya ng lesson 7 ng institute manual na Materyal para sa Paghahanda sa Klaseng Ang Walang Hanggang Pamilya para pag-aralan ng mga estudyante sa klase.
Kapag nagkaroon na ang mga estudyante ng sapat na oras para mag-aral, maaaring ibahagi ng mga boluntaryo ang mga kaalamang natamo nila.
Bilang bahagi ng talakayang ito, maaari mong ibahagi ang pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson sa “Karagdagang Resources” at anyayahan ang mga estudyante na ibahagi kung ano ang kahulugan nito para sa kanila.
Maaari mong ibahagi kung paano napagpala ang buhay mo ng pagkakaroon ng walang hanggang pananaw tungkol sa iyong pagkakakilanlan at layunin.
3. Sa tulong ng plano ng Diyos, nagpapatuloy ang mga ugnayan ng pamilya pagkatapos ng kamatayan.
Bago basahin ng mga estudyante ang mga sumusunod na scripture passage, maaari mong ikuwento sa kanila ang tungkol sa isang taong kilala mo na nahirapan dahil sa pagpanaw ng isang kapamilya. O maaari mong anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng isang kakilala nila na nakayanan ang pagpanaw ng isang kapamilya.
Basahin ang 1 Corinto 15:22 at Doktrina at mga Tipan 130:2 , at alamin ang pag-asa na matatagpuan kay Jesucristo kapag namatay ang isang mahal sa buhay.
Paano makapagbibigay ng lakas ang mga katotohanan ng plano ng Diyos sa mga talatang ito sa isang taong namatayan ng mahal sa buhay?
Paano makakaapekto sa isang taong nahihirapan sa pagpanaw ng isang mahal sa buhay ang mga turo sa ikatlong talata ng pagpapahayag tungkol sa mag-anak?
Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang walang hanggang katangian ng mga mag-anak o pamilya sa plano ng Diyos, maaari mong ipanood ang video na “Plan of Salvation—We’re Still a Family ” (4:47), na makukuha sa ChurchofJesusChrist.org . Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na isipin kung paano nakaapekto sa binatilyong ito ang mga turo ng Tagapagligtas tungkol sa pamilya.
4:46
Para tapusin ang lesson, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na tahimik na pag-isipan at isulat ang kanilang mga sagot sa mga sumusunod na tanong. Maaaring ibahagi ng mga boluntaryo ang kanilang isinulat.
Tingnan ang mga bahagi sa ilalim ng “President Oaks on LGBTQ Issues” at “Elder Gilbert on LGBTQ Issues” sa Dallin H. Oaks at Clark C. Gilbert, “Stand Fast with Love in Proclaiming Truth ” (Ensign College devotional, Mayo 17, 2022), ensign.edu .
Panoorin sina Dallin H. Oaks at Kristen M. Oaks, “Panindigan ang Katotohanan ” (pandaigdigang debosyonal para sa mga young adult, Mayo 21, 2023), ChurchofJesusChrist.org , mula sa time code na 36:02 hanggang 38:34.
38:47
Ibinahagi ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:
Malamang na sabihin ng ilan sa mga nakikinig sa mensaheng ito, “Pero paano ako?” Alam natin na maraming karapat-dapat at mabubuting Banal sa mga Huling Araw ang kasalukuyang walang magandang pagkakataon at mga bagay na kinakailangan para umunlad. Hindi pagkakaroon ng asawa, hindi pagkakaroon ng mga anak, kamatayan, diborsyo na humahadlang at nagpapaliban sa katuparan ng mga pagpapalang ipinangako. … Ngunit ang mga kabiguang ito ay pansamantala lamang. Nangako ang Panginoon na sa mga kawalang-hanggan, walang pagpapalang ipagkakait sa kanyang mga anak na sumusunod sa mga kautusan, tapat sa kanilang mga tipan, at hinahangad yaong matwid. (Dallin H. Oaks, “The Great Plan of Happiness ,” Ensign , Nob. 1993, 75)
Ibinahagi ni Elder Robert D. Hales (1932–2017) ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Ang plano ng Ama ay naglalaan sa atin ng paraan para magtamo ng buhay na walang hanggan, ang buhay na natamo ng ating mga magulang sa langit. Sa plano, “ang babae ay di maaaring walang lalake, [ni] ang lalake ay di maaaring walang babae, sa Panginoon” [1 Corinto 11:11 ]. Kabilang sa pinakadiwa ng buhay na walang hanggan ang walang-hanggang kasal ng lalaki at babae, na mahalagang bahagi ng pagiging katulad ng ating mga magulang sa langit. (Robert D. Hales, “Ang Plano ng Kaligtasan: Isang Sagradong Yaman ng Kaalaman na Gagabay sa Atin ,” Liahona , Okt. 2015, 29)
Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:
14:47
Ang pinakamatinding pagsalungat ni Satanas ay nakatuon sa anumang mahalaga sa plano [ng Diyos]. Bunga nito, hinahangad niyang hadlangan ang pag-unlad tungo sa kadakilaan sa pamamagitan ng pagbaluktot sa doktrina ng kasal, pag-uudyok na huwag magkaroon ng mga anak, o paglikha ng kalituhan ukol sa kasarian. Gayunman, alam natin na sa huli, ang banal na layunin at plano ng ating mapagmahal na Ama sa Langit ay hindi mababago. Ang personal na mga situwasyon ay maaaring magbago, at tinitiyak ng plano ng Diyos na sa huli, ang matatapat na tumutupad sa kanilang mga tipan ay magkakaroon ng pagkakataong maging kwalipikado sa bawat ipinangakong pagpapala. (Dallin H. Oaks, “Banal na Pagmamahal sa Plano ng Ama ,” Liahona , Mayo 2022, 103)
Sinabi ni Elder Robert D. Hales (1932–2017) ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Ang kasal at pamilya ay patuloy na inaatake dahil alam ni Satanas na mahalaga ang mga ito sa pagtatamo ng buhay na walang hanggan—kasinghalaga ng Paglikha, Pagkahulog, at Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo. Dahil nabigong wasakin ang alinman sa mga pundasyong iyon ng plano, hinangad ni Satanas na wasakin ang ating pag-unawa at kaugalian sa pagpapakasal at pagpapamilya. (Robert D. Hales, “Ang Plano ng Kaligtasan: Isang Sagradong Yaman ng Kaalaman na Gagabay sa Atin ,” LIahona , Okt. 2015, 29)
Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw , 38.6.23 , ChurchofJesusChrist.org .
Ipinaliwanag ni Pangulong Russell M. Nelson:
31:24
Sino kayo?
Una sa lahat, kayo ay anak ng Diyos.
Pangalawa, bilang miyembro ng Simbahan, kayo ay anak ng tipan. At pangatlo, kayo ay disipulo ni Jesucristo.
Ngayong gabi, nakikiusap ako sa inyo na huwag palitan ng anumang iba pa ang tatlong napakahalaga at di-nagbabagong mga pantukoy na ito, dahil maaaring makahadlang ito sa inyong pag-unlad o mabilang kayo sa isang kategorya na posibleng makahadlang sa inyong walang-hanggang pag-unlad. …
May iba’t ibang titulo na maaaring napakahalaga sa inyo, siyempre pa. Unawain sana ninyo ako. Hindi ko sinasabi na hindi mahalaga ang iba pang mga titulo at pantukoy. Ang sinasabi ko lang ay walang pantukoy na dapat makapag-alis , pumalit , o bigyan ng prayoridad kaysa sa tatlong nagtatagal na titulong ito: “anak ng Diyos,” “anak ng tipan,” at “disipulo ni Jesucristo.” (Russell M. Nelson, “Mga Pagpiling May Epekto sa Kawalang-Hanggan ” [pandaigdigang debosyonal para sa mga young adult, Mayo 15, 2022], broadcasts.ChurchofJesusChrist.org )
Itinuro ni Sister Joy D. Jones, dating Primary General President:
Pagtitibayin ng Espiritu sa bawat isa sa atin ang ating banal na kahalagahan. Ang tunay na pagkaalam na kayo ay [anak] ng Diyos ay makaaapekto sa lahat ng aspeto ng inyong buhay at gagabay sa inyong paglilingkod bawat araw. Nagpaliwanag si Pangulong Spencer W. Kimball (1895–1985) sa napakagandang mga salitang ito:
“Siya ang inyong Ama. Mahal Niya kayo. Ang pagpapahalaga Niya at ng inyong ina sa langit sa inyo ay hindi masusukat. … Kayo ay kakaiba. Wala kayong katulad, ginawang may walang-hanggang katalinuhan para magkaroon kayo ng buhay na walang hanggan.
“Huwag hayaang magkaroon ng pagdududa sa inyong isipan tungkol sa inyong kahalagahan bilang indibiduwal. Ang buong layunin ng plano ng ebanghelyo ay bigyan ng oportunidad ang bawat isa sa inyo na maabot ang inyong buong potensyal, ang walang-hanggang pag-unlad at ang posibilidad na maging diyos” [“Privileges and Responsibilities of Sisters ,” Ensign , Nob. 1978, 105]. …
… Habang inaangat tayo ng Tagapagligtas sa mas mataas na lugar, mas malinaw nating makikita hindi lamang kung sino tayo kundi na tayo ay mas malapit sa Kanya kaysa inakala natin. (Joy D. Jones, “Halagang Hindi Masusukat ,”Liahona , Nob. 2017, 14, 15)
Maaari mong simulan ang klase sa pamamagitan ng pagbabahagi ng sumusunod na sitwasyon:
Habang nagsasaliksik online para sa isang assignment sa klase, nakakita si Lydia ng ilang artikulo na nagsasabing ang tradisyonal na pamilya (mag-asawang lalaki at babae na may mga anak) ay hindi na kailangan sa lipunan. Pagkalipas ng ilang araw, habang nasa klase, napagtanto ni Lydia na nag-iisa lang siya na nagsisikap na ipagtanggol ang kahalagahan ng tradisyonal na pamilya. Marami sa kanyang mga kaklase ang hindi gaanong priyoridad o hindi priyoridad ang pag-aasawa o pagkakaroon ng mga anak. Para sa kanila, ang pag-aasawa at pagkakaroon ng mga anak ay sagabal sa indibiduwal na tagumpay ng isang tao. Dahil sa karanasang ito, si Lydia ay nagkaroon ng mga tanong at damdamin na nagpabalisa sa kanya.
Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na suriin ang sitwasyon gamit ang mga tanong na tulad ng sumusunod:
Maaaring maghanap ang mga estudyante ng mga katotohanan tungkol sa mga paksang ito sa pag-aaral nila ng “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo ” sa buong linggo.
Upang talakayin pa ang ideyang ito mula sa pagpapahayag tungkol sa mag-anak, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na suriin kung ano ang nadarama nila tungkol sa kanilang pagkakakilanlan o identidad bilang anak ng mga magulang sa langit. Maaari mong ibahagi ang mga pahayag nina Pangulong Russell M. Nelson at Sister Joy D. Jones mula sa bahaging “Karagdagang Resources.” Maaari mong itanong sa mga estudyante ang tulad ng mga sumusunod:
Ano ang pinakamahalaga para sa inyo mula sa mga pahayag na ito?
Ano ang nakatulong sa inyo para pahalagahan ang inyong identidad bilang anak ng mga magulang sa langit?
Paano makatutulong ang pagtutuuon sa ating bahagi sa pamilya ng Diyos sa isang taong nahaharap sa mahihirap na sitwasyon ng pamilya sa mundo?
Maaari mong gamitin ang lesson 176 na, “Ang Ating Banal na Identidad at Layunin ,” bilang karagdagang resource.
Upang mas maunawaan ang alinman sa mga bahagi sa lesson na ito, sabihin sa mga estudyante na maggrupo-grupo na may tigtatatlong miyembro. Maaaring basahin ng bawat estudyante ang isa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman (talata 5–12 sa Doctrinal Mastery Core Document [2023]). Maaaring maghanap ang mga estudyante ng mga ideya na makatutulong sa kanila na mas maunawaan ang isa sa mga bahagi sa lesson ngayon.