Seminary
Lesson 176—Ang Ating Banal na Pagkatao at Layunin: Tayo ay May Banal na Katangian at Tadhana


“Lesson 176—Ang Ating Banal na Pagkatao at Layunin: Tayo ay May Banal na Katangian at Tadhana,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Ang Ating Banal na Pagkatao at Layunin,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 176: Para sa Lakas ng mga Kabataan: Paggawa ng mga Pagpili

Ang Ating Banal na Pagkatao at Layunin

Tayo ay may Banal na Katangian at Tadhana

maliliit na bata kasama si Jesus

Bilang mga anak ng mga magulang sa langit, maaari tayong maging katulad nila at manahin ang mayroon sila. Ang mga pagpapalang ito ay matatamo ng bawat isa sa atin dahil kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama na mayroon silang banal na katangian at layunin bilang mga anak ng Diyos.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Sino ako at ano ang aking layunin?

Simulan ang lesson sa pamamagitan ng pagtulong sa mga estudyante na pag-isipan kung gaano kadaling kalimutan ang ating banal na pagkatao at kahalagahan. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng video na “Our True Identity” (3:39) mula sa time code na 0:00 hanggang 1:14. Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paanong maaari nating ituring ang ating sarili bilang ang pangit na bibe. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na gumawa ng isang sitwasyon na gaya ng sumusunod, na kung saan maaaring maramdaman ng isang tao na para siyang isang pangit na bibe kapag nakakalimutan niya ang kanyang banal na pagkatao bilang anak ng Diyos.

3:45

O maaari kang magsimula sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang sitwasyon na tulad ng sumusunod, at iakma ang alinman sa mga detalye upang maipakita ang mga alalahanin ng iyong mga estudyante.

Si Amelia ay 15 taong gulang. Madalas niyang madama na nag-iisa siya at hindi napapansin ng iba. Nais niyang magkaroon ng mas maraming kaibigan at mag-iba ang hitsura niya. Nakikita ni Amelia na gumagawa ang iba ng mahahalagang bagay pero sa palagay niya ay hindi siya ganoong kagaling upang gumawa ng anumang bagay na mahalaga. Pinagdududahan niya ang kanyang pagpapahalaga sa sarili.

  • Ano ang maaaring magpahirap sa pag-alaala natin sa ating pagkatao bilang mga anak ng Diyos?

Ipaliwanag na sa lesson na ito, malalaman ng mga estudyante ang kanilang banal na pagkatao bilang mga anak ng Diyos. Sabihin sa kanila na isipin ang ilan sa mga paraan kung paano naiimpluwensyahan ang kanilang buhay ng kaalaman na mga anak sila ng Diyos. Maaari nilang isulat ang kanilang mga naiisip sa kanilang study journal. Sabihin sa mga estudyante na pakinggan ang pagtuturo sa kanila ng Espiritu Santo tungkol sa kanilang banal na pagkatao at layunin.

Likas na katangian at layunin

icon ng handoutPara sa sumusunod na aktibidad, maaari mong hatiin ang klase sa maliliit na grupo. Sabihin sa mga estudyante na gamitin ang handout na “Ang Aking Banal na Pagkatao at Layunin” upang maghanda ng sagot kay Amelia. Magtalaga ng isang lider ng grupo na makatutulong sa kanilang grupo na gampanan ang iba’t ibang tungkulin. Halimbawa, maaaring magbasa ang isang estudyante, maaaring magsulat ng sagot ang isa pa, at maaaring mag-present ang isa pa sa klase.

Maaaring maghanap ang mga estudyante ng mga karagdagang banal na kasulatan o pahayag sa pamamagitan ng paghahanap ng “banal na katangian” o “banal na tadhana” sa Gospel Library.

Basahin ang mga banal na kasulatan at pahayag sa handout. Maghanap ng mga parirala na sa palagay mo ay makatutulong kay Amelia, at isipin kung bakit kapaki-pakinabang ang mga ito.

Ang Aking Banal na Pagkatao at Layunin

1. Basahin ang pahayag na ito ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol, at alamin ang mga ninanais ng Tagapagligtas para sa iyo:

Elder Dieter F. Uchtdorf

Naniniwala ako na gugustuhin ng Tagapagligtas na si Jesucristo na makita, madama, at malaman ninyo na Siya ang inyong lakas. Na sa tulong Niya, walang limitasyon sa maaari ninyong maisakatuparan. Na walang hangganan ang inyong potensyal. Nais Niyang tingnan ninyo ang inyong sarili tulad ng pagtingin Niya sa inyo. At ibang-iba iyan sa pagtingin sa inyo ng mundo.

Ipapahayag ng Tagapagligtas, nang may katiyakan, na kayo ay anak na babae o lalaki ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Ang inyong Ama sa Langit ang pinakamaluwalhating nilalang sa sansinukob, puno ng pagmamahal, kagalakan, kadalisayan, kabanalan, liwanag, biyaya, at katotohanan. At balang araw nais Niyang manahin ninyo ang lahat ng mayroon Siya. (Dieter F. Uchtdorf, “Si Jesucristo ang Lakas ng mga Kabataan,” Liahona, Nob. 2022, 9–10)

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 14:7, at alamin ang nais ng Ama sa Langit na ibigay sa iyo.


2. Basahin ang pahayag na ito ni Sister Michelle D. Craig, na dating miyembro ng Young Women General Presidency, at alamin ang kanyang payo sa sinumang nagdududa sa kanilang banal na kahalagahan:

Sister Michelle D. Craig

Marahil ang pinakamahahalagang bagay na dapat nating makita nang malinaw ay kung sino ang Diyos at kung sino tayo talaga—mga anak ng mga magulang sa langit na may “banal na katangian at walang hanggang tadhana.” [tema ng Young Women, ChurchofJesusChrist.org]. Hilingin sa Diyos na ihayag ang mga katotohanang ito sa inyo, pati na ang nadarama Niya tungkol sa inyo. (Michelle D. Craig, “Mga Matang Makakakita,” Liahona, Nob. 2020, 15)

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 18:10–13, at alamin kung ano ang nadarama ng Ama sa Langit tungkol sa iyo.


3. Basahin ang pahayag na ito ni Pangulong Susan H. Porter, Primary General President, at alamin kung bakit kailangang malaman ng bawat isa sa atin ang nadarama ng Ama sa Langit tungkol sa atin:

Susan H. Porter

Kapag nalaman at naunawaan ninyo kung gaano kayo ganap na minamahal bilang anak ng Diyos, babaguhin nito ang lahat ng bagay. Babaguhin nito ang nararamdaman ninyo tungkol sa inyong sarili kapag nagkakamali kayo. Babaguhin nito ang nararamdaman ninyo kapag may mahihirap na bagay na nangyayari. Babaguhin nito ang inyong pananaw hinggil sa mga kautusan ng Diyos. Babaguhin nito ang inyong pananaw hinggil sa iba, at sa inyong kakayahang gumawa ng kaibhan. (Susan H. Porter, “Pag-ibig ng Diyos: Ang Labis na Nakalulugod sa Kaluluwa,” Liahona, Nob. 2021, 33)


4. Basahin ang pahayag na ito ni Pangulong Russell M. Nelson, at alamin ang itinuro Niya tungkol sa mga inaasam ng ating Ama sa Langit para sa bawat isa sa atin:

Pangulong Russell M. Nelson

Ang plano ng Ama sa Langit para sa Kanyang mga anak ay nagtutulot sa atin na mabuhay kung saan at kung paano Siya nabubuhay at sa huli ay mas lalo pang maging katulad Niya. Ang Kanyang plano ay literal na ibinibigay sa atin ang pinakamayayamang pagpapala ng buong kawalang-hanggan, pati na ang potensyal nating maging “mga kasamang tagapagmana ni Cristo” [Mga Taga Roma 8:17]. (Russell M. Nelson, “Mga Pagpiling May Epekto sa Kawalang-Hanggan” [pandaigdigang debosyonal para sa mga young adult, Mayo 15, 2022], broadcasts.ChurchofJesusChrist.org)

Kung makatutulong sa mga estudyante, maaari mong ipanood ang iba pang bahagi ng video na “Our True Identity“ (3:39) mula sa time code 1:15 hanggang 3:39. Maaaring ihinto ng mga estudyante ang talakayan ng kanilang grupo upang panoorin ang video. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na magdagdag sa maaari nilang ibahagi kay Amelia.

3:45

Kapag natapos na ng mga estudyante ang talakayan sa kanilang grupo, sabihin sa kanila na iulat sa klase ang napag-aralan. Para makapanghikayat ng talakayan sa klase, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang nalaman nilang makabuluhan tungkol sa mga komento ng iba.

Ang kahalagahan ng kung sino ako at maaaring kahinatnan ko

Ang pagsusulat sa journal ay makatutulong sa mga estudyante na mapalalim ang kanilang pang-unawa at mas malaman ang kanilang nadarama. Matutulungan din nito ang mga estudyante na maanyayahan ang Espiritu Santo na turuan sila. Sabihin sa mga estudyante na sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal.

  • Ano ang mga naisip o nadama mo habang pinag-aaralan mo ang iyong banal na pagkatao at layunin bilang anak ng Diyos?

  • Sa iyong palagay, paano makakaapekto ang kaalamang ito sa mga pasyang ginagawa mo o sa pakikitungo mo sa iba?

  • Ano ang mga naranasan mo na nakatulong sa iyo na madama na anak ka ng Diyos na may banal na tadhana?

Anyayahan ang mga handang estudyante na ibahagi ang kanilang mga nadarama at karanasan tungkol sa kahalagahan ng kanilang banal na katangian at tadhana.

Maaari mong ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa banal na pagkatao at layunin ng bawat anak ng Diyos.