Lesson 174—Gabay na “Para sa Lakas ng mga Kabataan”: “Ang Katotohanan ay Magpapalaya sa Inyo”
“Lesson 174—Gabay na Para sa Lakas ng mga Kabataan: ‘Ang Katotohanan ay Magpapalaya sa Inyo,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Gabay na Para sa Lakas ng mga Kabataan,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 174: Para sa Lakas ng mga Kabataan
Gabay na Para sa Lakas ng mga Kabataan
“Ang Katotohanan ay Magpapalaya sa Inyo”
Mahal at pinagkakatiwalaan ng Ama sa Langit ang bagong henerasyon. Naglaan Siya ng patnubay sa pamamagitan ng propeta upang matulungan ang mga kabataan ngayon na magkaroon ng pananampalataya kay Jesucristo at manatili sa landas ng tipan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na umasa kay Jesucristo kapag gumagawa ng mga desisyon sa pamamagitan ng paggamit ng “Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili.”
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Si Jesucristo ang lakas ng mga kabataan
Bakit mabuting halimbawa ng lakas si Jesucristo? Paano Siya nagpakita ng lakas sa lahat ng aspeto ng Kanyang buhay?
Ano ang ilang sitwasyon na kinakaharap ng mga tinedyer na kung saan ay makatutulong sa kanila ang lakas ng Tagapagligtas?
Basahin ang “Mensahe mula sa Unang Panguluhan” sa pahina 2 sa Para sa Lakas ng mga Kabataan, at alamin kung paano kayo makatatanggap ng lakas.
Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng si Jesucristo ang “lakas ng mga kabataan”?
Paano kayo nakatanggap ng tulong at lakas mula sa Kanya?
Paggawa ng mga inspiradong pagpili
Ilista ang ilan sa mahahalagang pagpili o desisyon na maaaring kailangan mong pagpasiyahan sa susunod na 10 taon. Alamin kung alin sa mga pagpiling ito ang magkakaroon ng pinakamalaking epekto sa buong buhay mo.
Gaano kalaki ang iyong kumpiyansa sa paggawa ng mga pagpiling ito?
Anong resources ang ibinigay ng Ama sa Langit upang matulungan kang gumawa ng mga inspiradong pagpili?
Basahin ang bahaging “Gumawa ng mga Inspiradong Pagpili” sa pahina 4–5 sa Para sa Lakas ng mga Kabataan, at alamin kung ano ang makatutulong sa inyo sa mga pagpili ninyo ngayon at sa hinaharap.
Ano ang natutuhan ninyo na maaaring makatulong sa inyo na gumawa ng mga inspiradong pagpili?
Paano nakaaapekto ang natutuhan ninyo sa inyong nadarama tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?
Bawat paksa sa Para sa Lakas ng mga Kabataan ay may tatlong bahagi:
Mga walang-hanggang katotohanan, o doktrina ng ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo
Mga paanyaya na kumilos ayon sa mga katotohanang iyon
Ipinangakong mga pagpapala na ibinibigay ng Panginoon sa mga taong namumuhay ayon sa Kanyang mga turo
Ano ang natuklasan o nakatulong sa inyo habang nag-aaral kayo?
Paano makatutulong sa inyo ang huwaran ng pag-aaral ng walang-hanggang katotohanan, pagkilos ayon sa mga inspiradong paanyaya, at pag-alaala sa mga ipinangakong pagpapala na makatatanggap ng lakas mula kay Jesucristo na gumawa ng mga inspiradong pagpili?
“Ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo”
Basahin ang Juan 8:31–32, at alamin kung ano ang itinuro ni Jesus tungkol sa katotohanan.
Ano ang natutuhan ninyo?
Paano tayo tinutulungan ng katotohanan na maging malaya?
Paano makatutulong sa atin ang pagkatuto at pamumuhay ayon sa mga walang-hanggang katotohanan upang maging higit na katulad tayo ng Ama sa Langit? Paano kayo matutulungan ni Jesucristo sa prosesong ito?
Kailan kayo nakaranas o ang isang kakilala ninyo ng kapayapaan at kaligayahan sa pamumuhay sa mga walang-hanggang katotohanan ng ebanghelyo ng Tagapagligtas?
Anong mga pagbabago ang magagawa mo sa iyong buhay dahil sa natutuhan at nadama mo ngayon?