“Para sa Lakas ng mga Kabataan: Paggawa ng mga Pagpili—Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Para sa Lakas ng mga Kabataan: Paggawa ng mga Pagpili,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Para sa Lakas ng mga Kabataan: Paggawa ng mga Pagpili
Para sa Lakas ng mga Kabataan: Paggawa ng mga Pagpili
Buod
Si Jesucristo ang lakas ng mga kabataan. Makakaasa tayo sa Kanya kapag gumagawa tayo ng mga pagpili. Ang pagkilala sa ating banal na identidad at layunin bilang mga anak ng Diyos at ang pagtatakda ng mga mithiin ay makatutulong sa atin na maging higit na katulad Niya. Ang responsableng paggamit natin ng teknolohiya ay makatutulong sa atin na lumakad sa liwanag ng Diyos. Ang ating mga patriarchal blessing ay makatutulong sa atin na maunawaan ang ating banal na potensyal. Ang pagtataguyod at pagsang-ayon sa mga tinawag ng Panginoon na mamuno sa Kanyang Simbahan ay makatutulong sa atin na sundin Siya.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Gabay na Para sa Lakas ng mga Kabataan
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na umasa kay Jesucristo kapag gumagawa ng mga desisyon sa pamamagitan ng paggamit ng Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang desisyong kinakaharap nila. Hikayatin sila na maghanap ng impormasyon sa Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili na makatutulong sa kanila na gumawa ng mabubuting pagpili at mas masunod si Jesucristo.
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Mga kopya ng Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili
-
Larawang ipapakita:Jesucristo
Pagtatakda ng mga Mithiin
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na epektibong makapagtakda ng mga mithiin at makagawa ng mga plano habang hinahangad nila na maging higit na katulad ng Diyos.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang kanilang mga pagsisikap na umunlad sa aspetong espirituwal, panlipunan, pisikal, at intelektuwal (tingnan sa Lucas 2:52). Kung nakagawa na sila ng mga mithiin, maaari nilang pagnilayan ang kanilang pag-unlad o mga hamon na naranasan nila. Maaari din nilang rebyuhin ang Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Kabataan (2019) at ipadala sa kanila ang kanilang kopya sa klase.
-
Mga item na ipapakita: Isang mapa; isang kopya ng Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Kabataan
-
Handout: “Isang Huwaran sa Pag-unlad”
-
Video: “Video: Goal Setting Process” (3:42)
Ang Ating Banal na Identidad at Layunin
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama na mayroon silang banal na katangian at layunin bilang mga anak ng Diyos.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magsulat ng isa o mahigit pang tanong na mayroon ang mga tinedyer tungkol sa kanilang banal na identidad at layunin.
-
Video: “Our True Identity” (3:39)
-
Handout: “Ang Aking Banal na Identidad at Layunin”
Responsableng Paggamit ng Teknolohiya
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maging maingat upang maging responsable sa paggamit nila ng teknolohiya.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang paggamit nila ng teknolohiya. Maaaring ilista ng mga estudyante ang mga paraan na nakatulong ang paggamit nila ng teknolohiya na mas makilala ang Tagapagligtas at ang mga paraan na maaaring nagpalayo sa kanila sa Kanya.
-
Handout: “Responsableng Paggamit ng Teknolohiya”
Mga Patriarchal Blessing
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang hangarin ng Panginoon na gabayan sila sa pamamagitan ng kanilang patriarchal blessing.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na gawin ang isa sa mga sumusunod: (1) basahin ang kanilang patriarchal blessing na hinahanap ang gabay at tagubilin na ibinibigay sa kanila ng Ama sa Langit, o (2) makipag-usap sa isang mapagkakatiwalaang nakatatanda o mahal sa buhay tungkol sa kung paano nakatulong ang kanilang patriarchal blessing na makatanggap ng gabay at tagubilin mula sa Ama sa Langit.
-
Larawang ipapakita: Isang kabataan sa isang daan na nagsanga
-
Mga Video: “Enemy Territory” (3:38; panoorin mula sa time code na 0:00 hanggang 2:25); “Without Fear” (3:30)
-
Handout: “Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa mga Patriarchal Blessing”
Pagtataguyod at Pagsang-ayon sa Ating mga Lider
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng pagtataguyod at pagsang-ayon sa mga tinawag ng Panginoon na mamuno.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na makipag-ugnayan sa kanilang lider ng klase o korum at itanong kung may magagawa sila upang matulungan sila. Kung ang isang estudyante ay pangulo ng kanyang klase o korum, maaari siyang makipag-ugnayan sa isang miyembro ng bishopric o Young Women presidency. Bilang alternatibo, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na itanong sa isang magulang o lider ng Simbahan kung ano ang natutuhan nila tungkol sa pagtataguyod at pagsang-ayon sa mga lider.
-
Mga Video: “Hyrum Smith: ‘Firm as the Pillars of Heaven’” (17:03; panoorin mula sa time code na 4:49 hanggang 5:54); “Ang Kapangyarihan ng Pananampalataya sa Pagsang-ayon” (12:57; panoorin mula sa time code na 3:48 hanggang 4:19)
-
Handout: “Mga Turo tungkol sa Pagtataguyod at Pagsang-ayon sa mga Tinawag na Mamuno (Bahagi 1 at Bahagi 2)”