Seminary
Lesson 178—Mga Patriarchal Blessing: “Personal na Banal na Kasulatan para sa Inyo”


“Lesson 178—Mga Patriarchal Blessing: ‘Personal na Banal na Kasulatan para sa Inyo,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Mga Patriarchal Blessing,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 178: Para sa Lakas ng mga Kabataan: Paggawa ng mga Pagpili

Mga Patriarchal Blessing

“Personal na Banal na Kasulatan para sa Inyo”

dalagitang nagbabasa ng kanyang patriarchal blessing

Ang ating mapagmahal na Ama sa Langit ay maraming paraan ng pagbibigay ng gabay at patnubay sa Kanyang mga anak. Ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng mga patriarchal blessing. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang hangarin ng Panginoon na gabayan sila sa pamamagitan ng kanilang patriarchal blessing.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Direksyon sa ating buhay

Maaari mong ipakita ang sumusunod na larawan o magdrowing ng larawang tulad nito sa pisara.

binatilyong nagpapasya kung ano sa dalawang daan ang tatahakin
  • Sa aling mga aspekto ng buhay mo naramdaman ang nararamdaman ng taong nasa larawang ito? Bakit?

  • Ano ang makatutulong sa atin na malaman kung ano ang gagawin kapag nag-aalinlangan tayo sa direksyong dapat nating tahakin sa buhay?

Ipaliwanag na nagtuturo ang mga banal na kasulatan ng mahahalagang katotohanan tungkol sa Diyos na makatutulong sa atin kapag kailangan natin ng patnubay.

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 6:14; 42:61; at 112:10, at alamin ang mga katotohanang makatutulong sa atin kung maharap tayo sa mga alanganing sitwasyon.

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang mga katotohanang nahanap nila. Gamit ang sarili nilang mga salita, maaari silang magbahagi ng mga katotohanang katulad ng:

Kapag madalas tayong magtanong sa Diyos, tuturuan Niya tayo sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu (Doktrina at mga Tipan 6:14).

Kung tayo ay magtatanong, pagpapalain tayo ng Diyos ng paghahayag sa paghahayag (Doktrina at mga Tipan 42:61).

Aakayin tayo ng Diyos sa kamay at bibigyan tayo ng mga sagot sa ating mga panalangin (Doktrina at mga Tipan 112:10).

Maaari mo ring sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang iba pang talata sa banal na kasulatang alam nila na nagpapakita ng sigasig ng Diyos na bigyan tayo ng gabay at patnubay.

  • Paano nakakaapekto sa iyong mga damdamin o saloobin sa Diyos ang pag-alala sa mga katotohanang ito?

  • Ano ang ilang paraan na binibigyan tayo ng Diyos ng patnubay para sa ating buhay?

Mga patriarchal blessing

Kung kinakailangan, banggitin na isang paraan ang patriarchal blessing upang makatanggap tayo ng patnubay mula sa Diyos. Upang matulungan ang mga estudyante na masuri ang kanilang kasalukuyang kaalaman tungkol sa mga patriarchal blessing, maaari mong ipakita ang sumusunod na nilalaman at bigyan ng oras ang mga estudyante na sagutin ang mga pahayag nang tahimik o sa kanilang study journal.

Gamit ang scale mula sa isa (hindi totoo) hanggang lima (napakatotoo), isipin kung gaano katotoo ang bawat isa sa mga sumusunod na pahayag para sa iyo:

  1. Nauunawaan ko kung ano ang patriarchal blessing.

  2. Alam ko kung paano makakaapekto sa aking buhay ang isang patriarchal blessing.

  3. Naniniwala akong mabibigyan ako ng Diyos ng patnubay para sa buhay ko sa pamamagitan ng aking patriarchal blessing.

Bigyan ng oras ang mga estudyante na isulat sa pisara ang kanilang mga tanong tungkol sa mga patriarchal blessing. Maaaring may mga tanong sila tulad ng sumusunod:

  • Ano ang patriarchal blessing?

  • Paano makakaapekto ang isang patriarchal blessing sa aking ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

  • Paano ako maghahanda para sa aking patriarchal blessing?

  • Kailan ko dapat matanggap ang aking patriarchal blessing?

Pumili ng kahit isang tanong tungkol sa mga patriarchal blessing na gusto mong sagutin. Isulat ang iyong mga tanong sa itaas ng isang pahina sa journal o sa isang pahina ng mga tala sa iyong mobile device. Hangarin ang gabay ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo upang matulungan kang mahanap ang mga sagot sa iyong mga tanong.

Pagsagot sa mga tanong tungkol sa mga patriarchal blessing

Bigyan ng oras ang mga estudyante na mahanap ang mga sagot sa kanilang mga tanong tungkol sa mga patriarchal blessing. Isipin ang mga pangangailangan at kakayahan ng iyong mga estudyante sa pagpapasya kung paano sila maghahanap ng mga sagot. Maaaring makatulong sa ilan na maghanap ng mga sagot sa maliliit na grupo.

Pumili mula sa mga sumusunod na opsiyon para maghanap ng mga sagot sa iyong mga tanong tungkol sa mga patriarchal blessing:

1. Maghanap ng magagamit na resources sa Gospel Library app. Halimbawa, maaari mong pag-aralan ang “Mga Patriarchal Blessing” sa Mga Paksa ng Ebanghelyo o hanapin ang “mga patriarchal blessing” sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya.

2. Pag-aralan ang isa sa mga sumusunod na mensahe mula sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 2023: “Kailan Tatanggap ng Inyong Patriarchal Blessing” ni Elder Kazuhiko Yamashita (Liahona, Mayo 2023, 88–90) o “Ang Inyong Patriarchal Blessing—Inspiradong Patnubay mula sa Ama sa Langit” ni Elder Randall K. Bennett (Liahona, Mayo 2023, 42–43).

3. icon ng handoutPag-aralan ang mga pahayag sa handout na may pamagat na “Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa mga Patriarchal Blessing.”

Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa mga Patriarchal Blessing

Ibinahagi ni Pangulong Russell M. Nelson:

Pangulong Russell M. Nelson

Mahalaga [ang patriarchal blessing]. Ito ay personal na banal na kasulatan para sa inyo. Ipinahahayag nito ang inyong espesyal na angkan. Ipinaaalala nito sa inyo ang inyong kaugnayan sa nakaraan. At tutulungan kayo nitong maunawaan ang inyong potensyal sa hinaharap. Talagang makukuha ninyo sa Panginoon ang katuparan ng mga pagpapalang iyon sa pamamagitan ng inyong katapatan. (Russell M. Nelson, “Thanks for the Covenant” [debosyonal sa Brigham Young University, Nob. 22, 1988], 5)

Pinatotohanan ni Elder Kazuhiko Yamashita ng Pitumpu:

Elder Kazuhiko Yamashita

Madalas at mapanalangin kong binabasa ang aking patriarchal blessing; lagi akong hinihikayat nito. Nauunawaan ko ang inaasahan sa akin ng Panginoon, at natulungan ako nitong magsisi at magpakumbaba. Kapag binabasa at pinagninilayan ko ito, ninanais kong mamuhay nang karapat-dapat upang matanggap ang mga pagpapalang ipinangako nito. …

… Pinatototohanan ko na ang Ama sa Langit at ang Kanyang Pinakamamahal at Bugtong na Anak, ang Panginoong Jesucristo, ay buhay. Mahal Nila tayo. Ang mga patriarchal blessing ay sagradong mga kaloob mula sa Kanila. Kapag natanggap ninyo ang inyong patriarchal blessing, matatanto at madarama ninyo kung gaano Nila kayo kamahal at kung gaano Sila nakatuon sa bawat isa sa inyo. (Kazuhiko Yamashita, “Kailan Tatanggap ng Inyong Patriarchal Blessing,” Liahona, Mayo 2023, 90)

Ibinahagi ni Sister Bonnie H. Cordon, na dating Young Women General President:

Pangulong Bonnie H. Cordon

Sa isang FSY conference, nakilala ko ang dalawang dalagita na nahihirapan. Binanggit nilang dalawa ang pagbaling sa kanilang patriarchal blessing para muling matuklasan ang personal na pagmamahal at patnubay ng Panginoon sa kanila. Hanapin ang patriarchal blessing ninyo, hipan ninyo ang mga alikabok nito kung kailangan, at palagi itong pag-aralan. Kung wala pa kayo nito, kumuha na kayo—kaagad. Huwag ipagpaliban ang pagtuklas sa gustong sabihin ng Panginoon tungkol sa kung sino kayo. (Bonnie H. Cordon, “Lumapit kay Cristo at Huwag Lumapit nang Nag-iisa,” Liahona, Nob. 2021, 10)

Matapos magkaroon ang mga estudyante ng pagkakataong mag-aral, maaari mo silang anyayahang magbahagi ng kanilang natutuhan sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga sumusunod:

  • Ano ang natutuhan mo mula sa iyong mga pag-aaral na lubos na makatutulong sa iyo?

  • Ano ang ilang sagot na nahanap mo sa iyong mga tanong?

  • Sa iyong palagay, paano makakaapekto ang patriarchal blessing sa iyong ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Maaari mong ibahagi kung paano ka pinagpala o pinatnubayan ng Diyos sa pamamagitan ng iyong patriarchal blessing. Maaari mo ring hikayatin ang mga estudyante na nakatanggap na ng kanilang patriarchal blessing na ibahagi ang kanilang mga karanasan. Tiyakin na nauunawaan ng mga estudyante na hindi nila dapat ibahagi ang mga detalye ng kanilang mga blessing. Gayunpaman, naaangkop na ibahagi ang kanilang mga karanasan sa pagtanggap ng patriarchal blessing at kung paano nito napagpala ang kanilang buhay.

Maaari mo ring ipanood ang isa sa mga sumusunod na video, na makikita sa ChurchofJesusChrist.org, upang magpakita ng mga halimbawa ng kung paano nakatatanggap ng patnubay ang mga indibiduwal sa pamamagitan ng kanilang mga patriarchal blessing.

  • Enemy Territory” (sa time code na 0:00 hanggang 2:25) — Isang salaysay mula sa buhay ni Pangulong Boyd K. Packer ng Korum ng Labindalawang Apostol (1924–2015).

  • Walang Takot” (3:30) — Inilarawan ng isang binatilyo mula sa Italy kung paano siya natulungan ng kanyang patriarchal blessing na magpasyang magmisyon.

Isipin ang natutuhan mo

Upang matulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang natutuhan at nadama nila, maaari mo silang anyayahang gawin ang sumusunod:

Pagnilayan ang mga pahiwatig o impresyong nadama mo ngayon mula sa Espiritu Santo. Sa iyong study journal, magsulat ng ilang pangungusap tungkol sa gabay at patnubay na ibinigay sa iyo ngayon ng Ama sa Langit at kung paano ka kikilos ayon sa mga pahiwatig na iyon.

Hikayatin ang mga estudyante na kumilos ayon sa mga impresyong nadama nila ngayon. Patotohanan ang gabay at patnubay ng Ama sa Langit na matatamo natin sa pamamagitan ng mga patriarchal blessing.