Noong Marso 1833, iniutos ng Panginoon kay Joseph Smith na italaga sina Sidney Rigdon at Frederick G. Williams na maging kanyang mga tagapayo sa Unang Panguluhan. Bilang panguluhan, nasa kamay ng tatlong lalaking ito ang mga susi ng priesthood na nagbigay-daan sa kanila na mamuno sa kaharian ng Panginoon sa lupa. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang kahalagahan ng patnubay at tagubilin na ibinibigay ni Jesucristo sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa pamamagitan ng Kanyang Unang Panguluhan.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Makapagbibigay ng access ang mga susi
Ano ang ilang mahahalagang bagay sa inyong buhay na nangangailangan ng mga susi upang magamit ninyo ang mga ito?
Sino ang mapagkakatiwalaan ninyong gumamit at magprotekta sa susi? Bakit?
Inorganisa ni Jesucristo ang Unang Panguluhan
Ang kilala ngayon bilang Unang Panguluhan ay unang tinawag na Panguluhan ng Mataas na Pagkasaserdote. Sina Sidney Rigdon at Frederick G. Williams ay tinawag at itinalaga bilang mga tagapayo kay Propetang Joseph Smith noong Marso 1833 upang mabuo ang panguluhang ito. Sa Doktrina at mga Tipan 90, inihayag ng Panginoon ang mga tagubilin kay Joseph Smith tungkol sa mga responsibilidad ng Unang Panguluhan.
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 90:1–3, 6, at alamin ang ipinagkatiwala ng Diyos kina Joseph Smith, Sidney Rigdon, at Frederick G. Williams.
Anong responsibilidad ang ibinigay ng Panginoon sa mga kalalakihang ito?
Ano ang matututuhan natin mula sa mga talatang ito tungkol sa paraan kung paano pinamamahalaan ng Panginoon ang Kanyang Simbahan?
Ipinaliwanag ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mga paraan kung paano ginagamit ng Tagapagligtas ang mga susi sa Kanyang Simbahan upang pagpalain ang ating mga buhay:
Sa awtoridad ng mga susing ito, iniingatan ng mga priesthood leader ng Simbahan ang kadalisayan ng doktrina ng Tagapagligtas at ang integridad ng Kanyang nakapagliligtas na mga ordenansa. Tumutulong sila sa paghahanda sa mga taong nais na makatanggap nito, inaalam kung karapat-dapat ang mga nagnanais nito, at pagkatapos ay isinasagawa ang mga ito.
Sa hawak na mga susi ng kaharian, matutukoy ng mga lingkod ng Panginoon ang katotohanan at kabulaanan at muling masasabi nang may awtoridad, “Ganito ang sabi ng Panginoon.” (D. Todd Christofferson, “Bakit Kailangan ang Simbahan,” Liahona, Nob. 2015, 110)
Ano ang matututuhan natin tungkol kay Jesucristo mula sa paraan ng paggamit Niya ng mga susi ng priesthood sa Kanyang Simbahan?
Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang mga tungkulin ng Unang Panguluhan, maaari mo silang anyayahang gumawa at kumumpleto ng isang chart tulad ng sumusunod sa kanilang study journal. Bigyan ng pagkakataon na matuto ang mga estudyante nang may kasamang kapartner o maliit na grupo sa pamamagitan ng pagbabasa, pagtalakay, at pagbabahagi ng mga ideya.
Mga Banal na Kasulatan
Paano tayo pinagpapala ng Panginoon sa pamamagitan ng Unang Panguluhan
Ang bahaging ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan na pinamumunuan ng Panginoon ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng paghahayag sa Unang Panguluhan. Ipaliwanag na sa mga passage na ito, tinutukoy ng Panginoon ang mga paghahayag sa Kanyang mga piniling lider bilang “mga orakulo ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan 90:4–5).
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 90:4–5, at alamin ang nadarama ng Panginoon tungkol sa mga orakulo (o mga paghahayag) na ibinibigay Niya sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Unang Panguluhan.
Ano ang natutuhan ninyo mula sa mga talatang ito?
Kailan ninyo nadama na naprotektahan kayo ng mga paghahayag ng Diyos mula sa mga unos ng buhay?
Ipinaliwanag ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol ang pinakamalaking responsibilidad ng mga propeta ng Diyos:
2:3
Ang Propeta ng Diyos
Itinuro ni Elder Andersen na may kaligtasan at kapayapaan sa pagsunod sa propeta, na ang pinakamahalagang tungkulin ay ang ituro ang daan patungo sa Tagapagligtas.
Ang propeta ay hindi tumatayo sa pagitan natin at ng Tagapagligtas. Sa halip, tumatayo siya sa ating tabi at itinuturo ang daan patungo sa Tagapagligtas. Ang pinakamalaking responsibilidad at ang pinakamahalagang kaloob sa atin ng propeta ay ang kanyang tapat na patotoo, ang kanyang tiyak na kaalaman, na si Jesus ang Cristo. Tulad ni Pedro noong unang panahon, ipinahahayag ng ating propeta, “[Siya] ang Cristo, ang Anak ng Dios na buhay” [Mateo 16:16]. (Neil L. Andersen, “Ang Propeta ng Diyos,” Liahona, Mayo 2018, 27)
Ano ang ilang paraan na itinutuon tayo kay Jesucristo ng propeta at ng kanyang mga tagapayo?
Gamitin ang mga salita ng mga propeta upang mabigyang-diin ang doktrina at mga alituntunin. Ang sumusunod na aktibidad ay nagbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong pag-aralan ang mga salita ng mga propeta. Para sa karagdagang pagsasanay kung paano gamitin ang mga salita ng mga propeta, tingnan ang training na may pamagat na “Magturo mula sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga propeta sa mga huling araw” sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Ituro ang Doktrina. Maaari mong praktisin ang kasanayan na “Maghanda ng mga paanyaya na tutulong sa mga estudyante na maiugnay ang mga katotohanang matatagpuan sa mga banal na kasulatan sa sinasabi ng mga buhay na propeta.”
Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong pag-aralan ang ilang mensahe kamakailan mula sa propeta o sa kanyang mga tagapayo. Maaaring pumili ang mga estudyante ng isang miyembro ng Unang Panguluhan at maghanap ng isa sa kanyang mga pinakahuling mensahe sa pangkalahatang kumperensya sa ChurchofJesusChrist.org. Maaari mong hatiin ang klase sa tatlong grupo, kung saan pag-aaralan ng bawat grupo ang mga salita mula sa isang miyembro ng Unang Panguluhan, at maghahanap sila ng mga turo na sa palagay nila ay mahalagang maunawaan ng mga kabataan. Pagkatapos ay maaaring ibahagi ng mga estudyante ang mga natutuhan nila. Sa bawat turo na ibinahagi, hikayatin ang mga estudyante na pagnilayan at ipahayag kung paano tayo itinutuon nito sa Tagapagligtas na si Jesucristo.
Maaari mong tapusin ang lesson sa pag-anyaya sa ilang estudyante na ibahagi ang natutuhan at nadama nila ngayon na pinakanauugnay sa kanila. Maaari mong itanong ang tulad ng mga sumusunod:
Ano ang natutuhan ninyo ngayon na gusto ninyong maalala?
Kung may magtatanong kung bakit kayo nakikinig sa mga tagubilin ng Unang Panguluhan, ano ang isang bagay na gusto ninyong ipaliwanag sa kanya?