Lesson 104—Doktrina at mga Tipan 89:1–17: Isang Salita ng Karunungan mula sa Panginoon
“Lesson 104—Doktrina at mga Tipan 89:1–17: Isang Salita ng Karunungan mula sa Panginoon,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 89:1–17,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Gaya ng nakaugalian noong 1833, maraming miyembro ng Simbahan ang gumagamit ng tabako at umiinom ng alak, tsaa, at kape. Bilang sagot sa mga panalangin ni Joseph Smith tungkol sa bagay na ito, maawaing inihayag ng Panginoon ang Salita ng Karunungan o Word of Wisdom. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng pasasalamat sa mapagmahal na tagubilin ng Panginoon na kilala bilang Salita ng Karunungan o Word of Wisdom.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Mga taktika ni Satanas
2:58
Paano maihahambing ang mga pain sa pangingisda sa mga taktika ni Satanas?
Anong payo ang ibinigay ng Tagapagligtas upang tulungan tayong matukoy at maiwasan ang mga pain ni Satanas?
Paano napagpala at pinrotektahan ng mga partikular na payo o babala mula sa Tagapagligtas at sa Kanyang mga awtorisadong tagapaglingkod ang inyong buhay?
Ang Salita ng Karunungan o Word of Wisdom
Noong taglamig ng 1833, mga 20 maytaglay ng priesthood ang madalas magpulong sa silid na ito upang dumalo sa Paaralan ng mga Propeta (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 88:127). Gaya ng nakaugalian noong panahong iyon, marami sa mga kalalakihang ito ang naninigarilyo at ngumunguya ng tabako habang nagpupulong. Naalala ni Brigham Young na “madalas na kapag pumapasok ang Propeta sa silid upang magbigay ng mga tagubilin ay makikita niya ang kanyang sarili sa gitna ng makapal na usok ng tabako” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 306). Ang mga sitwasyong ito at ang mga reklamo ni Emma Smith, na naglilinis ng mga nginuyang tabako na inilura sa sahig, ang naghikayat kay Joseph Smith na manalangin tungkol sa paggamit ng mga sangkap na iyon. Bilang tugon, inihayag ng Panginoon ang Doktrina at mga Tipan 89 (tingnan sa Mga Banal: Ang Kuwento ng Simbahan ni Jesucristo sa mga Huling Araw, Tomo 1, Ang Pamantayan ng Katotohanan, 1815–1846 [2018], 191–93).
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 89:1–4, at alamin ang mga dahilan kung bakit ibinigay ng Tagapagligtas ang paghahayag na ito.
Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa mga hangarin ni Jesucristo sa paghahayag ng bahaging ito?
Paano makakaapekto ang pag-unawa natin kung bakit inihayag ng Tagapagligtas ang Salita ng Karunungan o Word of Wisdom sa nadarama natin tungkol dito?
Ano ang ilan sa masasamang pakana sa ating panahon kung saan kailangan natin ang Kanyang proteksyon?
Isang manwal ng user mula sa Tagapaglikha
Gumawa ng manwal para sa wastong paggamit ng ating katawan. Maging malikhain at iakma ito sa sarili sa anumang paraang pipiliin ninyo. Ang mga sumusunod na hakbang ay isa lamang sa maraming paraan para magawa ito:
Itupi sa kalahati ang isang papel para magmukha itong maikling polyeto. Gumawa ng pahina ng pabalat na may pamagat na tulad ng “Ang Salita ng Karunungan o Word of Wisdom: Isang Manwal ng May-ari mula sa Tagapaglikha.” Maaari kang magdagdag ng mga drowing o larawan sa pahina ng pabalat.
Sa loob ng polyeto, lagyan ng pamagat ang kaliwang pahina na tulad ng “Ang Payo ng Tagapaglikha tungkol sa Dapat Nating Gawin.“ Lagyan ng pamagat ang kanang pahina na tulad ng “Ang Payo ng Tagapaglikha tungkol sa Dapat Nating Iwasan.“ Huwag mag-atubiling magdagdag din ng mga larawan o disenyo sa mga pahina sa loob.
Pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 89:5–17 at punan ng impormasyon ang inyong polyeto sa pamamagitan ng pagsusulat o pagdaragdag ng mga larawan ng natutuhan ninyo.
Maghanap ng mga karagdagang sources na itinalaga ng Diyos tulad ng Para sa Lakas ng mga Kabataan (buklet, 2022), Gabay sa mga Banal na Kasulatan, at mga pahayag ng mga lider ng Simbahan. Idagdag ang natutuhan ninyo sa inyong polyeto.
Ang ating maawain at matiyagang Tagapagligtas
Anong mga tulong ang ibinigay ng Tagapagligtas sa ating panahon para sa mga may problema sa adiksiyon?
2:58
Paano ipinapakita ng paghahayag ng Salita ng Karunungan o Word of Wisdom ang awa at pagmamahal ni Jesucristo?