“Doktrina at mga Tipan 89–92: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 89–92,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Doktrina at mga Tipan 89–92
Doktrina at mga Tipan 89–92
Buod
Gaya ng nakaugalian ng maraming tao noong 1830s, ang ilang miyembro ng Simbahan ay gumagamit ng tabako at umiinom ng alak. Bilang sagot sa mga panalangin ni Propetang Joseph Smith tungkol sa bagay na ito, inihayag ng Panginoon ang Salita ng Karunungan o Word of Wisdom na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 89. Kalaunan noong taon na iyon, sina Sidney Rigdon at Frederick G. Williams ay inordenan bilang mga tagapayo sa Propeta. Inihayag ng Panginoon ang mga tagubilin tungkol sa mga responsibilidad ng panguluhang ito.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson:
Doktrina at mga Tipan 89:1–17
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng pasasalamat para sa mapagmahal na tagubilin ng Panginoon na kilala bilang Salita ng Karunungan o Word of Wisdom.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga paraan na mas gaganda ang mundo kung walang droga, alak, tabako, o iba pang mga sangkap na maaaring makapinsala. Maaari din nilang isipin kung paano mag-iiba ang kanilang personal na buhay kung walang gumagamit ng mga sangkap na ito sa maling paraan.
-
Nilalamang ipapakita: Mga artipisyal na pain sa pangingisda (o larawan ng mga artipisyal na pain sa pangingisda), manwal ng may-ari para sa isang produktong pamilyar sa mga estudyante
-
Mga larawang ipapakita: Silid kung saan idinaos ang Paaralan ng mga Propeta
-
Video: “You Will Be Freed” (2:55)
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Isang buong papel para sa bawat estudyante
Doktrina at mga Tipan 89:18–21
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na matanggap ang mga ipinangakong pagpapala ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagpiling ipamuhay ang Salita ng Karunungan o Word of Wisdom.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang doctrinal mastery passage na Doktrina at mga Tipan 89:18–21, at alamin ang ipinapangako ng Panginoon kapag sinunod nila ang Salita ng Karunungan o Word of Wisdom. Hikayatin ang mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga halimbawa ng kung paano nila nakitang tinupad ng Panginoon ang mga pangakong iyon.
-
Nilalamang ipapakita: Drowing ng isang look na may harang na gawa ng tao na inihihiwalay ito sa karagatan
-
Mga larawang ipapakita: Si Daniel na tumatangging kainin ang karne ng hari, Paskua na nagpapakita ng dugo sa mga haligi ng pintuan
Doktrina at mga Tipan 90
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang kahalagahan ng patnubay na ibinibigay ni Jesucristo sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa pamamagitan ng Kanyang Unang Panguluhan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng turo o pahayag mula sa isang miyembro ng Unang Panguluhan na nakaimpluwensya sa kanilang buhay.
-
Materyal na ipapakita: Isang susi, isang lalagyan na maaaring ikandado na may kasamang susi
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Maliit na piraso ng papel para sa bawat estudyante, mga kopya ng huling mga mensahe ng mga miyembro ng Unang Panguluhan para sa mga estudyanteng hindi ma-access ang mga mensahe sa klase gamit ang kanilang mga device
-
Larawang ipapakita: Ang Unang Panguluhan noong 1833 na binubuo nina Joseph Smith, Sidney Rigdon, at Frederick G. Williams
-
Video: “Where Are the Keys?“ (2:51)