Seminary
Doktrina at mga Tipan 93: Buod


“Doktrina at mga Tipan 93: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 93,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 93

Doktrina at mga Tipan 93

Buod

Sa Doktrina at mga Tipan 93, inihayag ng Tagapagligtas ang mahahalagang katotohanan tungkol sa Kanyang sarili na may layuning tulungan tayong “malaman kung paano sumamba, at malaman kung [sino] ang sasambahin [natin], (talata 19). Nalaman natin na makatatanggap tayo ng kaganapan ng liwanag at katotohanan na nagmumula sa Ama sa Langit at kay Jesucristo kapag sinunod natin ang mga kautusan.

icon ng trainingTulungan ang mga mag-aaral na palalimin ang kanilang pagpapahalaga at pagmamahal kay Jesucristo. Habang natututo ang mga estudyante tungkol kay Jesucristo, tulungan sila na hindi lamang pagtuunan ang sinabi at ginawa Niya, kundi kilalanin din Siya. Ang isang paraan upang magawa ito ay pagtuunan ang Kanyang mga katangian. Para sa karagdagang kaalaman kung paano ito gawin, tingnan ang bahaging “Ituro ang tungkol sa mga Titulo, Tungkuling Ginagampanan, at mga Katangian ni Jesucristo” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ka ring makakita ng halimbawa kung paano ito gawin sa lesson sa linggong ito na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 93:1–22.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 93:1–22

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mapalalim ang kanilang pag-unawa tungkol sa ilan sa mga tungkulin at katangian ni Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano nakaapekto sa kanilang buhay ang nalalaman nila tungkol kay Jesucristo.

  • Mga larawan: Isang sikat na tao, at paglalarawan kay Jesucristo

  • Nilalamang ipapakita: Chart para sa aktibidad sa pag-aaral

Doktrina at mga Tipan 93:19–53

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na magplano na matanggap ang higit pang liwanag at katotohanan ng Diyos sa kanilang buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng listahan ng mga bagay na ginagawa nila upang maanyayahan ang impluwensya ni Jesucristo sa kanilang buhay. Maaari ding gumawa ang mga estudyante ng listahan ng mga bagay na sa palagay nila ay magagawa nila upang mas matamo pa ang Kanyang impluwensya sa bawat araw.

  • Mga Video:Ang Liwanag ay Kumukunyapit sa Liwanag” (11:02; panoorin mula sa time code na 0:32 hanggang 2:15 at 2:15 hanggang 2:52); “Mga Tagadala ng Makalangit na Liwanag” (22:09; panoorin mula sa time code na 18:26 hanggang 19:36); “Finding Christ During Difficult Times” (4:35)

  • Nilalamang ipapakita: Chart para sa aktibidad sa pag-aaral

  • Larawan: Malakas na liwanag at mahinang liwanag na nakatutok sa salitang katotohanan

I-assess ang Iyong Pagkatuto 7

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maalala at masuri ang kanilang espirituwal na pag-unlad sa pamamagitan ng kanilang pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga paraan na nagbago sila o espirituwal na umunlad dahil sa pag-aaral nila ng Doktrina at mga Tipan kamakailan.

  • Nilalamang ipapakita: Mga opsiyon na nakalista sa ilalim ng aktibidad na “Ipaliwanag ang mga tungkulin, titulo, at katangian ni Cristo”