Lesson 162—Ang Buhay na Cristo, Bahagi 1: “Nagpapatotoo Kami, bilang Kanyang Marapat na Inordenan na mga Apostol—Na si Jesus Ang Buhay na Cristo”
“Lesson 162—Ang Buhay na Cristo, Bahagi 1: “Nagpapatotoo Kami, bilang Kanyang Marapat na Inordenan na mga Apostol—Na si Jesus Ang Buhay na Cristo”’ Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Ang Buhay na Cristo, Bahagi 1,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
“Nagpapatotoo Kami, bilang Kanyang Marapat na Inordenan na mga Apostol—Na si Jesus Ang Buhay na Cristo”
Noong Enero 1, 2000, inilabas ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol ang isang pahayag na kilala bilang “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol.” Ginunita ng kanilang patotoo ang ika-2,000 anibersaryo ng pagsilang ng Tagapagligtas. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mapalalim ang kanilang pag-unawa tungkol kay Jesucristo.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Si Jesus ang buhay na Cristo
Bakit mahalaga kung ang mundo ay lumalapit o lumalayo sa Panginoon?
Pag-isipan sandali ang mga sumusunod na tanong:
Bakit mahalaga sa iyo kung lumalapit o lumalayo ka sa Panginoon?
Ano ang ilang paraan kung paano ka matutulungan ng Tagapagligtas sa buhay mo ngayon?
Bilang mga natatanging saksi ni Cristo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:23), ang Unang Panguluhan at ang Korum ng Labindalawang Apostol ay naglabas ng pahayag noong Enero 1, 2000. Ginunita ng pahayag na ito, na kilala bilang “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,“ ang ika-2,000 anibersaryo ng pagsilang ni Jesucristo.
Basahin o panoorin ang sumusunod na pahayag ni Elder Robert D. Hales (1932–2017) ng Korum ng Labindalawang Apostol, at alamin kung bakit mahalaga ang pahayag na ito:
Pag-aralan ang “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” at alamin ang mga katotohanan tungkol kay Jesucristo. Maaaring makatulong ang pagbibigay-diin sa isa o mahigit pa sa mga sumusunod:
Ang iba’t ibang pangalan ni Jesucristo na ginamit sa dokumento
Ang mahahalagang parirala sa dokumento para sa iyo
Mga pahayag na nagpapakita ng nagawa ni Jesucristo para sa iyo
Mga tungkulin at katangian ni Jesucristo
Pumili ng isa sa mga katotohanang natukoy ninyo o ng iba tungkol kay Jesucristo na gusto mong mapag-aralan pa.
Palawakin ang ating pag-unawa sa mga katotohanan
Inanyayahan tayo ni Pangulong M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol na “maaari din ninyong saliksikin ang mga banal na kasulatan upang palawakin ang inyong pang-unawa sa mga partikular na katotohanang matatagpuan sa ‘Ang Buhay na Cristo’” (M. Russell Ballard, “Makabalik at Makatanggap,” Liahona, Mayo 2017, 65).
Isulat ang mga banal na kasulatan na pinag-aralan mo at ang mga karagdagang kaalaman na nagpapalawak ng iyong pag-unawa sa katotohanang pinili mo tungkol kay Jesucristo.
Isipin kung bakit mahalagang maunawaan ang katotohanang iyon tungkol kay Jesucristo.
Dahil si Jesus ay nabuhay na mag-uli at nabubuhay ngayon, tinutupad pa rin Niya ang katotohanang pinag-aralan mo. Isulat kung paano Niya ito ginagawa sa iyong buhay o kung paano ito makagagawa ng kaibhan sa iyo.
Sa inyong palagay, paano makatutulong sa atin ang mga katotohanang itinuro sa “Ang Buhay na Cristo” na maunawaan ang tungkol kay Jesucristo at mapalapit sa Kanya?
Paano nakatutulong sa inyong buhay ang higit na pag-unawa ng tungkol sa Tagapagligtas?