Library
Pagpaplano para sa Kalamidad


Pagpaplano para sa Kalamidad

Pambungad

Ang pag-iisip ng tungkol sa mga kalamidad na dulot ng kalikasan ay maaaring nakakatakot at nakakabagabag. Pero ipinangako sa atin: “Kung kayo ay handa[,] kayo ay hindi matatakot’ (Doktrina at mga Tipan 38:30). Ang paghahanda para sa mga emergency ay makatutulong sa atin na mas makadama ng kapanatagan at manatiling ligtas hangga’t maaari kapag nagkaroon ng kalamidad o di-inaasahang pangyayari.

Ang paghahanda ay kinakailangan sa maraming aspeto, kabilang ang paghahanda sa pananalapi, pag-iimbak ng pagkain, emosyonal na katatagan, at pagpaplano para sa emergency. Kung nakapagplano tayo nang mabuti, maaari tayong maging handa kapag nagkaroon ng mga kalamidad.

Ano ang Plano para sa Kalamidad?

Ang mga plano para sa mga kalamidad ay mga plano kung paano ka maghahanda at ano ang gagawin mo kung sakaling magkaroon ng kalamidad na dulot ng kalikasan. Kabilang dito ang pag-iimbak ng pagkain, supply ng tubig, at emosyonal na katatagan, pati na ang pagpaplano kung saan magkikita-kita pagkatapos ng isang kalamidad at komunikasyon sa mga kapamilya. Ang pinakaepektibong mga plano ay simple at maikli. Bilang isang pamilya o indibiduwal, dapat palagi mong rebyuhin at i-update nang regular ang planong ito.

Itinuro ni Elder L. Tom Perry, “Simulan na ngayong gumawa ng plano kung wala ka pa, o i-update ang iyong kasalukuyang plano. … Dahil sa kawalang-katiyakan sa mundo ngayon, kailangang sundin natin ang payo at maghanda para sa hinaharap” (“If Ye Are Prepared Ye Shall Not Fear,” Ensign, Nob. 1995, 37).

Kapag gumagawa ka ng plano para sa kalamidad, isiping makipag-coordinate sa mga plano ng ward, stake, at komunidad. Sumangguni sa Stake and Ward Emergency Preparedness Guide [Gabay ng mga Stake at Ward sa Kahandaan sa Emergency] para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga plano para sa kalamidad sa inyong lugar.

Ano ang mga Pangunahing Bahagi ng Isang Plano para sa Kalamidad?

Ang Unang Panguluhan ay “hinihikayat ang mga miyembro ng Simbahan sa buong mundo na maghanda para sa mga kagipitan sa buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pangunahing supply ng pagkain at tubig at perang naipon” (All Is Safely Gathered In). Hindi natin alam kung kailan darating ang kalamidad, krisis sa ekonomiya, o iba pang emergency. Sa pagpaplano, maaari tayong maging handa at mas malamang na manatiling malusog, konektado, at ligtas kapag nagkaroon ng mga kalamidad na dulot ng kalikasan.

Kapag nagpaplano para sa mga kalamidad, makatutulong na:

  • Isipin ang mga posibleng kalamidad sa inyong lugar.

  • Gumawa ng plano para sa mga kalamidad na maaaring mangyari sa inyo.

  • Gumawa ng plano para sa komunikasyon at kung saan magkikita-kita.

  • Isipin ang tungkol sa partikular na mga pangangailangan ng inyong pamilya ukol sa pisikal, emosyonal, mental, pakikisalamuha, at espirituwal na aspeto.

  • Regular na i-update ang inyong mga plano.

Tingnan ang Personal and Family Emergency Preparedness Planning Guide [Gabay sa Pagpaplano para sa Kahandaan ng Sarili at ng Pamilya sa Emergency] para makahanap ng mga aktibidad at chart na tutulong sa inyo na magplano.

Pag-iimbak ng mga Emergency Supply

Maghanap ng lugar na pagtataguan at pagkukunan ng mahahalagang dokumento ng pamilya, pondong pang-emergency, mga survival at emergency supply, at imbak na pagkain.

Maghanda ng emergency bag para sa bawat miyembro ng pamilya at lagyan ito ng mga bagay tulad ng: mga pangunahing hygiene item, damit, flashlight, meryenda, aktibidad, at isang nakakapanatag na bagay para madama ng mga bata na ligtas sila.

Plano sa Pagkikita-kitang Muli

Magtakda ng ligtas na lugar kung saan magkikita-kita ang pamilya na tugma sa mga plano ng ward, stake, o komunidad tungkol sa mga plano sa pagkikita-kitang muli. Magtalaga ng isang ligtas na lugar kung saan mahahanap ninyo ng iyong pamilya ang isa’t isa pagkatapos ng kalamidad o emergency. Magandang ideya ring pumili ng isang alternatibong lugar. Ang mga lugar kung saan magkikita-kita ay maaaring magbago depende sa kalamidad o kung nasaan ka kapag nangyari ang kalamidad.

Ang lugar kung saan kayo magkikita-kita ay dapat isang lugar kung saan maaaring makakita ang mga bata ng isang pinagkakatiwalaang adult. Tingnan kung ang iyong ward o stake ay may lugar na pagtitipunan para sa muling pagkita-kita ng mga pamilya.

Plano sa Komunikasyon

Magtakda ng mga paraan para makausap ninyo ang isa’t isa tungkol sa inyong kaligtasan kung sakaling magkahiwa-hiwalay kayo sa oras ng kalamidad. Magandang magkaroon ng listahan ng mga kapamilya, kaibigan, kapitbahay, lider ng Simbahan, at resources ng komunidad. Isiping isaulo ang mga numero ng cell phone kung sakaling wala kang contact list. Magplano ng iba pang mga paraan para makakontak kung hindi ka makatawag sa telepono o cell phone.

Pagkatapos ng isang kalamidad, maaaring mahirap makatawag sa inyong lugar. Kadalasa’y mas madaling makatawag sa mas malayo o ibang lugar. Magtalaga ng isang kamag-anak sa ibang lungsod na makokontak. Planuhing kontakin ng lahat ng miyembro ng pamilya ang taong iyon. Masasabi nila ang kanilang kalagayan at lokasyon sa taong iyon na nasa labas ng lungsod, na makatutulong na magparating ng impormasyon.

Gumawa ng Emergency Information Card para sa sinumang bata sa iyong tahanan na naglalaman ng pangunahing identification, medical at contact information, at impormasyon kung paano makakakontak sa oras ng kalamidad. Maaari itong itago sa isang emergency kit o backpack, o maaari itong dalhin ng inyong anak. Makatutulong ito para makontak ang inyong pamilya ng mga unang sasaklolo kung sakaling magkaroon ng kalamidad.

Plano sa Paglikas

Tukuyin kung saan pupunta kung sakaling kailanganin ang paglikas. Tukuyin ang mga pangunahin at alternatibong ruta na papunta sa mga lokasyong ito. Rebyuhin ang mga rutang ito sa iyong pamilya.

Isiping magkaroon ng isang emergency bag na madali mong madadala kung sakaling kailanganin ang paglikas. Maaaring kabilang sa ilang item sa iyong emergency bag ang:

  • First aid kit

  • Gamot

  • Tubig

  • Flashlight

  • Mga ekstrang damit at kumot

  • Mga bagay na nakakapanatag para sa sarili at sa mga bata

Praktisin ang paglikas kasama ang inyong pamilya. Bigyan ang sarili mo at ang iyong pamilya ng 10 minuto para kunin ang inyong “go-bag [bag na may pagkain at tubig na pang-emergency]” at pumunta sa lugar na paglilikasan ninyo.

Pagkatapos ng Kalamidad

Kaagad Pagkatapos ng Kalamidad:

  • Humingi ng pangangalagang medikal para sa mga taong nasugatan o may iba pang mga problema sa kalusugan.

  • Tiyakin na may access ka sa supply ng mga pangunahing panustos at serbisyo—tulad ng pagkain, tubig, pansamantalang tirahan, sanitasyon, at damit.

  • Tumulong na mahanap at pagtagpuing muli ang mga miyembro ng pamilyang nahiwalay sa kanilang pamilya.

  • Alamin at ireport sa mga ministering brother o sister o sa iba pang mga lider ng Simbahan ang lagay ng bawat miyembro ng pamilya.

Kaagad Pagkatapos ng Kalamidad:

  • Magbigay ng tulong sa mga miyembro ng pamilya na nahihirapan, nasira ang tirahan o mga ari-arian, o dumaranas ng emosyonal na trauma o pagkawala ng kabuhayan.

  • Ipasuri sa isang disaster mental health provider ang mga taong nababagabag o lubhang nahihirapan.

Kaugnay na mga Link