Pag-aaral ng Ingles
Lesson 4: Mga Libangan at Interes


“Lesson 4: Mga Libangan at Interes,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)

“Lesson 4,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral

tatlong babaeng nakaupo sa harap ng mesa

Lesson 4

Hobbies and Interests

Layunin: Matututo akong magsalita tungkol sa mga gusto at hindi gusto.

Personal Study

Maghanda para sa conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.

icon a
Study the Principle of Learning: Love and Teach One Another

Mahalin at Turuan ang Isa’t Isa

I can learn from the Spirit as I love, teach, and learn with others.

Maaari akong matuto mula sa Banal na Espiritu kapag ako ay nagmahal, nagturo, at natuto na kasama ang iba.

Sa EnglishConnect, alam natin na ang Diyos ang tunay na guro, at tinuturuan Niya tayo sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu. Ang Espiritu ay naghahatid ng damdamin ng kagalakan, kapayapaan, at pagmamahal. Tinutulungan tayo ng Espiritu na maunawaan ang katotohanan at maaaring dagdagan ang kakayahan nating matuto. Ang isang paraan na maaanyayahan nating sumaatin ang Espiritu ay sa pamamagitan ng pagmamahal, pagtuturo, at pagkatuto nang magkakasama. Ang propetang si Alma mula sa Aklat ni Mormon ang responsable sa pagtuturo sa mga tao. Hinati niya ang mga tao sa mga grupo at pumili siya ng isang lider para sa bawat grupo. Itinuro sa kanila ni Alma:

“Ang mangangaral ay hindi nakahihigit kaysa sa tagapakinig, ni ang guro ay nakahihigit kaysa sa mag-aaral; at sa gayon silang lahat ay pantay-pantay” (Alma 1:26).

Sa EnglishConnect, naniniwala tayo na ang mga guro at mag-aaral ay pantay ang kahalagahan. Lahat tayo ay mga guro at mag-aaral. Iginagalang at pinakikinggan natin ang isa’t isa. Tinuturuan natin ang isa’t isa. Minamahal at pinahahalagahan natin ang isa’t isa. Binabati natin ang iba kapag nagtatagumpay sila at pinalalakas natin ang kanilang loob kapag nagkakamali sila. Maaari din tayong humanap ng mga paraan para suportahan ang bawat isa at magplano ng mga pagkakataon na magpraktis na kasama ang isa’t isa anumang araw sa buong linggo. Babasbasan tayo ng Diyos ng Kanyang Espiritu habang natututo tayong magmahal at magturo sa isa’t isa.

tatlong babaeng magkakayakap at nangakangiti

Ponder

  • Ano ang magagawa mo para mahalin at suportahan ang mga taong magkakaiba ang kakayahan sa Ingles?

  • Paano maaaring maging iba ang karanasan mo sa pagkatuto sa EnglishConnect mula sa ibang mga karanasan mo noon?

icon b
Memorize Vocabulary

Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Mag-isip ng mga sitwasyon kung kailan mo gagamitin ang salita sa iyong pang-araw-araw na buhay.

Verbs

bike

magbisikleta

cook

magluto

dance

sumayaw

garden

maghalaman

go to the beach

magpunta sa beach

listen to music

makinig sa musika

paint

mag-paint

play sports

maglaro ng sports

play the piano

tumugtog ng piyano

read

magbasa

run

tumakbo

shop

mamili

sing

kumanta

sleep

matulog

study

mag-aral

swim

lumangoy

travel

maglakbay

watch movies

manood ng sine

icon c
Practice Pattern 1

Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”

Q: What do you like to do?A: I like to (verb).

Questions

pattern 1 tanong na ano ang gusto mong gawin

Answers

pattern 1 sagot na gusto kong pandiwa

Examples

mag-inang nagluluto

Q: What do you like to do?A: I like to cook.

lalaki at babaeng nagsasayaw

Q: What does he like to do?A: He likes to dance.

Q: What don’t they like to do?A: They don’t like to shop.

icon d
Practice Pattern 2

Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Subukang unawain ang mga tuntunin sa mga pattern. Pag-isipan kung paano natutulad o naiiba ang Ingles sa iyong wika.

Q: Do you like to (verb)?A: Yes, I like to (verb).

Questions

pattern 2 tanong na gusto mo bang pandiwa

Answers

pattern 2 sagot na oo, gusto kong pandiwa

Examples

Q: Do you like to travel?A: Yes, I like to travel.

lalaking namimili sa labas

Q: Do you like to shop?A: No, I don’t like to shop.

babaeng nagpipinta

Q: Does she like to paint?A: Yes, she likes to paint.

icon e
Use the Patterns

Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga ito nang malakas.

Additional Activities

Kumpletuhin online ang mga aktibidad at assessment sa lesson sa englishconnect.org/learner/resources o sa EnglishConnect 1 Workbook.

Act in Faith to Practice English Daily

Patuloy na magpraktis ng Ingles araw-araw. Gamitin ang iyong “Tracker sa Personal na Pag-aaral.” Rebyuhin ang iyong mithiin sa pag-aaral at i-evaluate ang iyong mga pagsisikap.

Conversation Group

Discuss the Principle of Learning: Love and Teach One Another

(20–30 minutes)

tatlong babaeng magkakayakap at nangakangiti

icon 1
Activity 1: Practice the Patterns

(10–15 minutes)

Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.

Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:

  • Magpraktis na magtanong.

  • Magpraktis na sumagot sa mga tanong.

  • Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.

Ulitin para sa pattern 2.

icon 2
Activity 2: Create Your Own Sentences

(10–15 minutes)

Tingnan ang mga larawan. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa bawat tao. Magsalitan.

Example: Malia

Likes

babaeng nagpipinta

Doesn’t Like

babaeng nag-aaral
  • A: What does Malia like to do?

  • B: She likes to paint.

  • A: Does Malia like to study?

  • B: No, she doesn’t like to study.

Image Group 1: Thomas

Likes

lalaki at babaeng kumakanta

Doesn’t Like

batang lalaking nanonood ng tv

Image Group 2: Raoul

Likes

lalaking nagluluto

Doesn’t Like

lalaking namimili sa labas

Image Group 3: Mei

Likes

lalaki at babaeng nagsasayaw

Doesn’t Like

babaeng nagbabasa ng aklat

Image Group 4: Pamela

Likes

babaeng nakikinig sa musika

Doesn’t Like

lalaki at babaeng nagluluto

Image Group 5: Nadia

Likes

lalaki at babaeng nagdi-jogging

Doesn’t Like

mga lalaking nagba-basketball

icon 3
Activity 3: Create Your Own Conversations

(15–20 minutes)

Magtanong at sumagot sa mga tanong kung ano ang gusto mo at ayaw mong gawin. Magsalitan. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.

Example

  • A: What do you like to do?

  • B: I like to dance.

  • A: What don’t you like to do?

  • B: I don’t like to read.

  • A: Do you like to listen to music?

  • B: Yes, I like to listen to music.

Evaluate

(5–10 minutes)

I-evaluate ang iyong pag-unlad sa mga layunin at sa mga pagsisikap mong magpraktis ng Ingles araw-araw.

Evaluate Your Progress

I can:

  • Say what I like to do.

    Sabihin ang gusto kong gawin.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha
  • Say what I don’t like to do.

    Sabihin ang ayaw kong gawin.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha
  • Ask what someone likes to do.

    Tanungin ang isang tao kung ano ang gusto niyang gawin.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha

Evaluate Your Efforts

I-evaluate ang iyong mga pagsisikap na:

  1. Pag-aralan ang alituntunin ng pagkatuto.

  2. Isaulo ang bokabularyo.

  3. Praktisin ang mga pattern.

  4. Magpraktis araw-araw.

Magtakda ng mithiin. Isaalang-alang ang mga mungkahi sa pag-aaral sa “Tracker sa Personal na Pag-aaral.”

Ibahagi ang iyong mithiin sa isang partner.

Act in Faith to Practice English Daily

“Ang Espiritu Santo ang tunay na guro. Walang mortal na guro, gaano man siya kahusay o kadalubhasa, ang makahahalili sa Kanyang gawain sa pagpapatotoo ng katotohanan, pagpapatotoo kay Cristo, at pagpapabago ng mga puso. Ngunit lahat ng guro ay maaaring maging kasangkapan sa pagtulong sa mga anak ng Diyos na matuto sa pamamagitan ng Espiritu” (“Magturo sa pamamagitan ng Espiritu,” Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas: Para sa Lahat ng Nagtuturo sa Tahanan at sa Simbahan [2022], 16).