Mga Naunang Edisyon
Apendiks


“Apendiks,” Pag-facilitate sa mga Self-Reliance Group (2016)

“Apendiks,” Pag-facilitate sa mga Group

Apendiks

Find a Better Job (Maghanap ng Mas Magandang Trabaho): Opsiyon para sa mga Miting

Bagama’t ang kursong ito ay isang 12-linggong pagkaklase, ang opsiyon para sa mga miting ay maiaangkop depende sa situwasyon. Maraming grupo ang pumipiling talakayin ang 10 kabanata ng Find a Better Job sa loob ng unang dalawang linggo upang makapagsimula sila agad na mapraktis at magamit ang mga kasanayang iyon sa kanilang paghahanap ng trabaho.

Kapag nakumpleto na ninyo ang lahat ng mga kabanata ng Find a Better Job, patuloy na magkita kahit kada linggo para sa nalalabing 12 linggo. Mga isang oras ang mga miting na ito, at gagamitin ninyo ang section na “Sharpen Your Skills” upang ireport ang inyong mga ipinangakong gawin, pag-aralan ang section na “My Foundation,” praktisin ang inyong mga kasanayan, at gawin ang kada linggong mga pangako.

Narito ang ilang mga mungkahi na nalamang epektibo ng ibang mga grupo. Magagamit ninyo ang mga mungkahing ito o gumawa ng sarili ninyong mga opsiyon para sa miting. Ang mga halimbawang agenda ay nasa pahina 17.

Opsiyon 1:Magmiting nang 8–9 oras sa unang miting upang makumpleto ang lahat ng mga kabanata. Pagkatapos ay magmiting bawat linggo nang mga isang oras para sa natitirang 11 linggo.

Opsiyon 2:Magmiting nang 4–5 oras nang dalawang beses sa unang dalawang linggo upang makumpleto ang lahat ng mga kabanata. Pagkatapos ay magmiting bawat linggo nang mga isang oras para sa natitirang 10 linggo.

Opsiyon 3:Magmiting nang 2–3 oras nang apat na beses sa unang dalawang linggo upang makumpleto ang lahat ng mga kabanata. Pagkatapos ay magmiting bawat linggo nang mga isang oras para sa natitirang 10 linggo.

Opsiyon 4:Magmiting nang 2 oras minsan sa isang linggo, ginagawa ang isang kabanata kada isang linggo. Tatagal ng 10 linggo para makumpleto ang lahat ng kabanata. Magmiting bawat linggo nang mga isang oras para sa natitirang 2 linggo.

Mga Agenda

Opsiyon 1

Miting 1 (8–9 oras)

Mga Miting 2–12 (1–1.5 oras)

Ang Aking Saligan

Mga Kabanata 1–10

Mangakong Gawin

Magreport

Ang Aking Saligan

Sharpen My Skills (Pagbutihin ang Aking mga Kasanayan)

Mangakong Gawin

Opsiyon 2

Miting 1 (4–5 oras)

Miting 2 (4–5 oras)

Mga Miting 3–12 (1–1.5 oras)

Ang Aking Saligan

Mga Kabanata 1–5

Mangakong Gawin

Magreport

Ang Aking Saligan

Mga Kabanata 6–10

Mangakong Gawin

Magreport

Ang Aking Saligan

Sharpen My Skills (Pagbutihin ang Aking mga Kasanayan)

Mangakong Gawin

Opsiyon 3

Miting 1 (3 oras)

Miting 2 (2 oras)

Miting 3 (3 oras)

Miting 4 (2 oras)

Mga Miting 5–14 (1–1.5 oras)

Ang Aking Saligan

Mga Kabanata 1–3

Mangakong Gawin

Mga Kabanata 4–6

Magreport

Ang Aking Saligan

Mga Kabanata 7–8

Mangakong Gawin

Mga Kabanata 9–10

Magreport

Ang Aking Saligan

Sharpen My Skills (Pagbutihin ang Aking mga Kasanayan)

Mangakong Gawin

Opsiyon 4

Miting 1 (2 oras)

Mga Miting 2–10 (2 oras)

Mga Miting 11–12 (1–1.5 oras)

Ang Aking Saligan

Kabanata 1

Mangakong Gawin

Magreport

Ang Aking Saligan

Mga Kabanata 2–10 (1 kada linggo)

Mangakong Gawin

Magreport

Ang Aking Saligan

Sharpen My Skills (Pagbutihin ang Aking mga Kasanayan)

Mangakong Gawin

Facilitator Self-Assessment

Pagkatapos ng bawat miting ng grupo, repasuhin ang mga pahayag sa ibaba. Gaano kahusay ang ginagawa mo?

Kumusta ako bilang facilitator?

Hindi kailanman

Minsan

Madalas

Palagi

  1. Kinokontak ko ang mga miyembro ng grupo sa buong linggo.

  1. Ipinapakita ko ang aking kasiyahan at pagmamahal sa bawat miyembro ng grupo.

  1. Tumutulong akong tiyakin na bawat miyembro ng grupo ay nagrereport tungkol sa mga ipinangako niyang gawin.

  1. Mas bihira akong magsalita kaysa ibang mga miyembro ng grupo. Lahat ay pare-parehong nakikibahagi.

  1. Hinahayaan kong sagutin ng mga miyembro ng grupo ang mga tanong sa halip na ako mismo ang sumagot sa mga ito.

  1. Sinusunod ko ang inirekomendang oras sa bawat section at aktibidad.

  1. Naglalaan ako ng oras para sa section na “Pag-isipang Mabuti” para magabayan ng Espiritu Santo ang mga miyembro ng grupo.

  1. Sinusunod ko ang workbook ayon sa pagkasulat doon at kinukumpleto ko ang lahat ng section at aktibidad.

Kumusta ang grupo ko?

Hindi kailanman

Minsan

Madalas

Palagi

  1. Minamahal, hinihikayat, at pinaglilingkuran ng mga miyembro ng grupo ang bawat isa.

  1. Tinutupad ng mga miyembro ng grupo ang mga ipinangako nilang gawin.

  1. Nakakamtan ng mga miyembro ng grupo kapwa ang temporal at espirituwal na mga resulta.

  1. Regular na kinokontak at hinihikayat ng mga action partner ang isa’t isa sa buong linggo.

Mga Tala