“Matuto—Maximum na Oras: 85 Minuto,” Pag-facilitate sa mga Self-Reliance Group (2016)
“Matuto—Maximum na Oras: 85 Minuto,” Pag-facilitate sa mga Group
Matuto—Maximum na Oras: 85 Minuto
Ano ang Self-Reliance Group? (10 minuto)
-
Panoorin:“I Will Provide for My Saints,” na makikita sa srs.lds.org/videos sa ilalim ng “Video Resource” sa section na “Facilitating Groups” (Walang video? Magpatuloy sa pagbabasa.)
-
Talakayin:Paano makaaapekto ang aking pananampalataya kay Jesucristo sa aking espirituwal at temporal na self-reliance?
-
Basahin:Ang layunin ng mga self-reliance group ay tulungan ang mga tao na baguhin ang paraan ng kanilang pamumuhay. Itinuro ni Elder M. Russell Ballard: “Naniniwala ako na pagpupulong sa mga council ang pinakamabisang paraan para makakuha ng mga tunay na resulta. Bukod pa riyan, alam ko na mga council ang paraan ng Panginoon at na nilikha Niya ang lahat ng bagay sa sansinukob sa pamamagitan ng isang council sa langit, tulad ng binanggit sa banal na kasulatan” (“Mga Family Council,” Ensign o Liahona, Mayo 2016, 63).
Sa pakikipagtutulungan sa isang council, may mapagkukuhaan ang mga miyembro ng grupo ng karagdagang talento, inspirasyon, karanasan, at kaalaman kaysa sa mayroon sila nang mag-isa. Ang self-reliance group ay:
-
Binubuo ng 8–12 miyembro na nagsusumikap sa isang karaniwang interes, tulad ng pangangasiwa ng pananalapi, paghahanap ng mas magandang trabaho, pagpapabuti sa kanilang pag-aaral, o pagsisimula at pagpapalago ng negosyo.
-
Isang ligtas na lugar kung saan komportable ang lahat na magbahagi.
-
Nagkikita-kita linggu-linggo sa loob ng hanggang 12 linggo upang maglinang ng mga bagong kasanayan at gawi.
-
Gumagamit ng council upang ang mga miyembro nito ay matuto at mahikayat ang bawat isa.
-
Nangangakong kumilos bawat linggo tungkol sa kung ano ang natututuhan ng mga miyembro nito.
-
Nagrereport ng pag-unlad upang panagutin ng mga miyembro nito ang bawat isa tungkol sa kanilang mga pangako.
-
-
Talakayin:Paano naiiba ang mga self-reliance group mula sa mga workshop o ibang klase na nadaluhan ninyo?
Ang Tungkulin Mo bilang Facilitator (15 minuto)
-
Panoorin:“How to Facilitate a Group,” na makikita sa srs.lds.org/videos sa ilalim ng “Video Resources” sa section na “Facilitating Groups” (Walang video? Magpatuloy sa pagbabasa.)
-
Talakayin:Ano ang dapat baguhin ng facilitator sa video upang maging facilitator mula sa pagiging titser? Paano ito nakaapekto sa grupo?
-
Basahin:Sinabi ng Panginoon tungkol sa mga council o grupo sa Simbahan, “Huwag maging mga tagapagsalita ang lahat kaagad; sa halip magsalita nang isa-isa at makinig ang lahat sa kanyang sinasabi, upang kapag ang lahat ay nakapagsalita na ang lahat ay mapasigla ng lahat, at upang ang bawat tao ay magkaroon ng pantay na pribilehiyo” (D at T 88:122; idinagdag ang italics).
Sa mga self-reliance group, walang itinalagang magturo! Bilang facilitator, ang tungkulin ninyo ay tulungan ang mga miyembro ng grupo na sundin ang mga materyal, makibahagi, at maanyayahan ang Espiritu sa talakayan. Hindi kayo itinalagang maging bihasa sa paksa. Bagkus, dapat kayong makibahagi bilang miyembro ng grupo, ginagawa ang mga pangako at nag-aaral nang sama-sama. Ang pagsunod sa mga alituntunin sa ibaba (naka-bold) ay tutulong sa inyong grupo na magkaroon ng matagumpay ang karanasan.
Magkaroon ng ligtas na lugar para sa pag-aaral. Irereport ng mga kalahok bawat linggo sa grupo ang kanilang pag-unlad sa pagtupad sa mga pangako. Sila ay magkakaroon ng mga pagkakamali at makararanas ng kabiguan sa kanilang paglalakbay na maging mas self-reliant. Ito ay normal at makatutulong. Mahalagang madama ng mga kalahok na sila ay nasa isang ligtas na lugar na sumubok, mabigo, at magtagumpay kalaunan.
-
Talakayin:Ano ang ilang paraan na makatutulong kayo na madama ng mga kalahok na sila ay ligtas, panatag, at tanggap sa kanilang grupo?
-
Basahin:Hikayatin ang pakikibahagi. Bilang facilitator, hindi kayo dapat magsalita nang mas higit pa sa iba sa grupo. Dapat kayo ay makilahok at tumulong sa lahat na magbahagi.
-
Talakayin:Ano ang gagawin ninyo sa isang taong nangingibabaw sa talakayan o hindi nakikibahagi?
-
Basahin:Magsimula at magtapos sa takdang oras. Dapat magtiwala ang mga miyembro na ang grupo ay magsisimula at magtatapos sa takdang oras. Bawat section at aktibidad ay may iminungkahing limistasyon sa oras. Bawat linggo ay maaari kayong magtalaga ng sinuman sa grupo na maging timekeeper.
-
Talakayin:Ano pa ang ibang bagay na magagawa ninyo upang matulungan ang grupo na manatiling nasa takdang oras ang pagsisimula at pagtatapos?
-
Basahin:Gawing makabuluhan at positibo ang mga komento. Huwag magbahagi ng mga kuwento na namimintas ng iba, kahit ang mga ito ay tungkol sa isang taong hindi kilala ng mga miyembro ng grupo.
-
Talakayin:Paano ninyo mahihikayat na maging nakapokus at magalang ang mga komento ng grupo?
Ang Istruktura ng isang Miting ng Self-Reliance Group (40 minuto)
-
Panoorin:“‘Go and Do’ Learning,” na makikita sa srs.lds.org/videos sa ilalim ng “Video Resources” sa section na “Facilitating Groups” (Walang video? Magpatuloy sa pagbabasa.)
-
Basahin:Bawat miting ng grupo ay may limang section. Hindi ninyo dapat laktawan ang isang section.
-
Magreport:Sa section na ito, sinusuri ng mga kalahok sa grupo ang kanilang pagsisikap at inirereport ang kanilang pag-unlad sa grupo. Ibinabahagi nila ang mga bagay na natutuhan nila mula sa pagsasanay ng bagong mga kasanayan at gawi. Ang pagsuri sa pag-unlad ay mahalaga sa pagbuo ng mga bagong gawi. (Tumatagal nang 20–30 minuto.)
-
Talakayin:Paano nakatutulong sa atin ang pagrereport ng ating pag-unlad sa grupo?
-
My Foundation:Sa section na ito, natututuhan at pinapraktis ng mga miyembro ang mga alituntunin ng pananampalataya, edukasyon, kasipagan, at pagtitiwala sa Panginoon. Bawat linggo ay nirerebyu ng mga kalahok ang isang pangunahing alituntunin na tutulong sa kanila na maging mas self-reliant. (Tumatagal nang 20 minuto.)
-
Talakayin:Bakit pareho nating pinag-aaralan ang doktrina at mga temporal na kasanayan sa ating mga grupo?
-
Pag-aralan:Sa section na ito, binabasa, tinatalakay, at pinapraktis ng mga grupo ang bagong mga ideya at kasanayan na tutulong sa kanila na maging temporal na self-reliant. (Tumatagal nang 40–50 minuto.)
-
Pag-isipang Mabuti:Sa section na ito, nag-iisip nang mabuti at nagsusulat ang mga kalahok sa grupo tungkol sa mga bagay na natutuhan nila sa miting ng grupo. Sila ay naghahangad ng patnubay mula sa Panginoon at tumutukoy ng mga paraan upang umunlad. Mangyaring huwag laktawan ang section na ito. (Tumatagal nang 5–10 minuto.)
-
Talakayin:Paano nagtutulot ang pag-iisip nang mabuti—nang tahimik at walang talakayan—sa Espiritu Santo na turuan tayo?
-
Mangakong Gawin:Sa section na ito, nangangako ang mga kalahok na papraktisin ang mga bagong kasanayan at gawi na natutuhan at tinalakay nila sa miting ng grupo. Ang pangangako at pagtupad sa mga pangako ay mahalaga sa proseso ng pagpapasimula ng bagong mga gawi. Upang makatulong, ang mga kalahok ay pipili ng isa pang miyembro ng grupo na gaganap bilang action partner. Ang mga action partner ay kinukumusta ang isa’t isa sa buong linggo upang magbigay ng panghihikayat at suporta. Ang mga kalahok ay nangangako ring ituturo kung ano ang natutuhan nila sa kanilang pamilya o mga kaibigan. (Tumatagal nang 5–10 minuto.)
-
Talakayin:Bakit mahalagang maging at magkaroon ng isang action partner?
-
Kumilos:Dapat gawin ng mga kalahok ang kanilang mga pangako sa buong linggo upang baguhin ang paraan ng kanilang pamumuhay! Ang paggawa at pagtuturo sa iba ng kung ano ang natutuhan nila ay tumutulong sa pagkakaroon ng mga kasanayan at gawi ng self-reliance. (Kailangan ng 3–8 oras kada linggo.)
-
Talakayin:Paano ko matutulungan ang mga miyembro ng grupo na kumilos sa buong linggo upang magpasimula ng mabubuting gawi?
-
Basahin:Ngayong alam na ninyo ang tungkol sa istruktura, sama-sama tayong magpraktis ng isang tunay na section ng miting.
Paano Sumasali ang mga Tao sa mga Group (10 minuto)
-
Panoorin:“Choosing a Self-Reliance Group,” na makikita sa srs.lds.org/videos sa ilalim ng “Video Resources” sa section na “Facilitating Groups.” (Walang video? Magpatuloy sa pagbabasa.)
-
Basahin:Ang proseso para sa pagsali sa isang grupo ay kinapapalooban ng tatlong hakbang.
Una, aanyayahan ng mga ward council ang mga miyembro na dumalo sa isang self-reliance devotional.
Pangalawa, ang mga miyembro na dadalo sa devotional ay:
-
Pag-aaralan ang mga pangunahing doktrina at mga alituntunin ng self-reliance.
-
Aalamin ang kanilang kasalukuyang espirituwal at temporal na mga pangangailangan.
-
Pipili ng grupo na magpapabuti sa kanilang mga kasanayan.
-
Pipili ng araw, oras, at lokasyon para sa mga miting ng grupo.
Pangatlo, karaniwang magsisimulang dumalo ang mga miyembro sa grupong pinili nila isang linggo pagkatapos ng devotional.
-
Pang-administratibong mga Responsibilidad ng Isang Facilitator (10 minuto)
Pagrerehistro ng Grupo
-
Basahin:Mahalagang mairehistro ang grupo at kalaunan ay makumpleto ang report sa pagtatapos ng grupo. Ang prosesong ito ay magtutulot sa inyo na humiling ng mga sertipiko para sa mga miyembro ng grupo, makatanggap ng karagdagang mga training material, at makatulong sa Simbahan na mapabuti ang programang self-reliance. Mangyaring rebyuhin ang mga tagubilin sa ibaba:
-
Bago ang unang miting ng grupo, i-download ang Group Registration Form sa srs.lds.org/report. Kumpletuhin ang form sa unang miting ng grupo. Pagkatapos makumpleto ang form, bumisita sa srs.lds.org/report upang mai-enter ang impormasyon.
-
Kontakin ang stake self-reliance specialist linggu-linggo upang maipalam sa kanila kung sino ang dumalo ng miting at anumang kuwento ng tagumpay ng sinumang miyembro ng grupo.
-
Bago ang huling miting ng grupo, i-download ang End of Group Report at Certificate Request Form sa srs.lds.org/report. Kumpletuhin ang form sa huling miting ng grupo. Pagkatapos makumpleto ang form, bumisita sa srs.lds.org/report upang mai-enter ang impormasyon.
-
Paghahanda sa Silid at mga Video Linggu-Linggo
-
Basahin:Dapat magreserba ang inyong stake self-reliance specialist ng isang silid sa Church building para sa inyo. Bawat linggo ay dapat kayong dumating nang ilang minutong mas maaga upang ayusin ang mga mesa at mga upuan. Dapat din kayong mag-set-up ng audiovisual equipment at tiyaking gumagana ang mga video at ang tunog ng mga ito.
Pag-facilitate ng mga “Find a Better Job” Group
Kung nagpa-facilitate kayo ng isang Find a Better Job Group, may dalawang bagay na kailangan ninyong malaman.
Una, kapag bumuo kayo ng grupo sa self-reliance devotional, anyayahan ang mga miyembro ng grupo na magdala ng kopya ng job listing na interesado sila sa bawat miting ng grupo.
Pangalawa, maluwag ang iskedyul ng inyong mga opsiyon sa pagmimiting. Mangyari basahin ang mga pahina 16–17 sa apendiks. Ilahad ang mga opsiyon sa pagmimiting sa mga pumili sa grupo ninyo sa self-reliance devotional.
Buod
-
Basahin:Sumangguni nang madalas sa listahan habang kayo ay naglilingkod bilang facilitator.
Ano ang Gagawin Ninyo bago ang Miting ng Grupo
-
Tawagan o i-text ang mga miyembro ng grupo upang ipaalala sa kanila ang petsa, oras, at lokasyon.
-
Rebyuhin ang materyal upang maghandang mag-facilitate—subalit huwag maghandang ituro ito bilang lesson.
-
Hilingin sa stake self-reliance specialist na bigyan kayo ng sapat na mga workbook para sa lahat ng sumali at dalawa pang karagdagang kopya.
-
Dumating nang maaga upang ayusin ang mga upuan, mga mesa, at mga video nang wasto.
-
Maghanda ng mga bolpen at lapis para sa mga taong nakalimot na magdala ng sarili nila.
Ano ang Gagawin Ninyo sa ang Miting ng Grupo
-
Batiin nang may pagmamahal ang mga miyembro ng grupo at kilalanin sila.
-
Kilalanin at puriin ang kanilang mga nagawa at pag-unlad.
-
Magtalaga ng timekeeper upang pamahalaan ang mga iminungkahing oras.
-
Hikayatin ang talakayan ng mga miyembro ng grupo.
-
Bigyang-diin ang pagtupad sa mga pangako sa pagitan ng mga miting.
-
Ipaalala sa mga miyembro ng grupo na igalang ang mga kumpidensyal na impormasyon.
Ano ang Gagawin Ninyo pagkatapos ng Miting ng Grupo
-
Bumisita sa srs.lds.org/report pagkatapos ng una at huling miting ng grupo para sa pagrerehistro, pagrereport, at mga sertipiko.
-
Hikayatin ang mga action partner na kontakin at tulungan ang bawat isa sa buong linggo.
-
Kontakin ang stake self-reliance specialist linggu-linggo at ipaalam sa kanilang ang attendance ninyo at kung kumusta ang inyong miting.
-
Mapanalanging rebyuhin ang mga materyal para sa susunod na miting ng grupo.
-
Espirituwal na maghanda at kumilos ayon sa mga pahiwatig na natatanggap ninyo.