Mga Naunang Edisyon
Welcome—Maximum na Oras: 5 Minuto


“Welcome—Maximum na Oras: 5 Minuto,” Pag-facilitate sa mga Self-Reliance Group (2016)

“Welcome—Maximum na Oras: 5 Minuto,” Pag-facilitate sa mga Group

Welcome—Maximum na Oras: 5 Minuto

Paano Gamitin ang Workbook na Ito

Kapag Makita Mo ang mga Salitang Ito, Sundin ang mga Panutong Ito

Basahin

Panoorin

Talakayin

Pag-isipang Mabuti

Aktibidad

Magbabasa nang malakas ang isang tao para sa buong grupo.

Panonoorin ng buong grupo ang video.

Magbabahagi ng mga ideya ang mga miyembro ng grupo sa loob ng dalawa hanggang apat na minuto.

Ang mga indibiduwal ay tahimik na nag-iisip, nagninilay, at nagsusulat.

Gagawa ang mga miyembro ng grupo nang mag-isa o kasama ang iba sa loob ng itinakdang oras.

Panalangin:Anyayahan ang isang tao na manalangin.

Oras:Sabihin sa isang tao na i-set ang timer para sa bawat section.

Mga Pambungad:Ang bawat kalahok ay may 30 segundo upang sabihin sa grupo ang kanyang pangalan at isang bagay tungkol sa kanyang sarili.

Basahin:Masayang pagbati sa inyo! Ang layunin ng buklet na ito ay ipakilala ka sa mga self-reliance group. Isa itong bagong programa ng Simbahan na tutulong sa mga miyembro na matuto ng mga praktikal na mga kasanayan at mapalakas ang mga espirituwal na gawi. Ang pagsasanay ngayon ay magiging katulad ng mga miting ng self-reliance group na pangangasiwaan ninyo. Para sa susunod na dalawang oras ay tatalakayin natin ang sumusunod na mga paksa:

  • Ano ang self-reliance group?

  • Ang tungkulin mo bilang tagapangasiwa

  • Ang istruktura na isang miting ng self-reliance group

  • Paano makasasali ang mga tao sa mga self-reliance group

  • Pang-administratibong mga responsibilidad ng isang tagapangasiwa