“Ang Aking Saligan: Ang Self-Reliance ay Alituntunin ng Kaligtasan,” Pag-facilitate sa mga Group (2016)
“Ang Aking Saligan: Ang Self-Reliance ay Alituntunin ng Kaligtasan,” Pag-facilitate sa mga Group
Ang Aking Saligan: Ang Self-Reliance ay Alituntunin ng Kaligtasan —Maximum na Oras: 25 Minuto
Pag-isipang mabuti: Juan 10:10 (sa kanan)
“Ako’y naparito upang sila’y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito.”
Talakayin: Ano ang masaganang buhay?
Panoorin: “He Polished My Toe,” makukuha sa srs.lds.org/videos . (Walang video? Basahin sa pahina 13 .)
Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.
Elder Enrique R. Falabella : Habang tumatanda ako, wala kaming gaanong pera. Naaalala ko nang lapitan ko isang araw ang aking ama at sinabi ko sa kanya, “Papa, kailangan ko po ng bagong sapatos. Luma na po itong suot ko.” Tumigil siya at tiningnan ang sapatos ko at nakita niya na talagang luma na ito. Sabi niya, “Palagay ko maaari nating ayusin ito.” Kumuha siya ng kaunting itim na shoe polish at nilagyan ang sapatos ko, at makintab at maganda na ito. Sabi niya sa akin, “Hayan, maayos na ang sapatos mo, anak.” Sumagot ako, “Hindi po, hindi pa. Kita pa rin po ang daliri ng paa ko.” Sabi niya, “Kung gayon, aayusin din natin iyan!” Kumuha pa siya ng shoe polish at nilagyan niya ang daliri ko sa paa!
Noong araw na iyon nalaman ko na mayroong solusyon sa bawat problema. Kumbinsido ako na ang alituntuning ito ng self-reliance at ang inisyatibong ito ay isang paraan para mapabilis ang gawain ng Panginoon. Bahagi ito ng gawain ng kaligtasan. Tayong lahat ay maaaring maging mas mabuti pa kaysa ngayon. Kailangan ninyong kalimutan ang kawalan ng interes. Maraming beses tayong kampante, at sumisira ito sa ating pag-unlad. Bawat araw ay maaari akong umunlad kung ipapasiya kong gumawa ng isang bagay na kakaiba para mapaganda ang hindi magandang nagawa ko noon. Kung gagawin mo ito nang may pananalig, na nagpapakita ng pananampalataya at pag-asa kay Cristo na nariyan Siya para tumulong sa iyo, makikita mo ang paraan para umunlad sa temporal at espirituwal na mga bagay. Ito ay dahil sa ang Diyos ay buhay, at ikaw ay Kanyang anak.
Bumalik sa pahina 12 .
Talakayin: Naniniwala ka ba na may mga solusyon sa iyong mga problema? Paano tayo magiging marapat sa kapangyarihan ng Panginoon na tulungan tayo?
Basahin: Ang reperensya sa Handbook 2 at ang pahayag ni Elder Dallin H. Oaks (sa kanan). Ang pagiging self-reliant ay hindi nangangahulugan na maaari nating gawin o makuha ang anumang maisip natin. Sa halip, ito ay paniniwala na sa pamamagitan ng biyaya, o nagbibigay-kakayahang kapangyarihan, ni Jesucristo at ng ating sariling pagsisikap, kaya nating makamit ang lahat ng espirituwal at temporal na pangangailangan ng buhay na kailangan natin sa ating sarili at sa ating pamilya. Ang self-reliance ay katibayan ng ating tiwala o pananampalataya sa kapangyarihan ng Diyos na palipatin ang mga bundok sa ating mga buhay at bigyan tayo ng lakas para magtagumpay sa mga pagsubok at paghihirap.
“Ang self-reliance ay ang kakayahan, tapat na pangako, at pagsisikap na tustusan ang espirituwal at temporal na mga pangangailangan sa buhay para sa sarili at sa pamilya. Kapag ang mga miyembro ay naging self-reliant, mas makapaglilingkod sila at mas mapangangalagaan ang iba.”
Handbook 2: Administering the Church (2010), 6.1.1
“Anuman ang nagpapa-asa sa atin sa iba para sa mga desisyon o kabuhayang maitataguyod naman natin sa ating sarili ay nagpapahina sa ating espirituwalidad at nagpapabagal sa pag-unlad natin tungo sa dapat nating marating.”
Dallin H. Oaks , “Pagsisisi at Pagbabago,” Ensign o Liahona, Nob. 2003, 40
Talakayin: Paano nakatulong ang biyaya ni Cristo na makamit ang espirituwal at temporal na mga pangangailangan ng buhay?
Step 1: Pumili ng isang partner at basahin ang bawat alituntunin sa ibaba.
Step 2: Talakayin kung bakit ang paniniwala sa mga katotohanang ito ay maaaring makatulong sa iyo na maging self-reliant.
Alituntunin ng Doktrina tungkol sa Self-Reliance
Ang self-reliance ay isang kautusan.
“Iniutos ng Panginoon sa Simbahan at mga miyembro nito na tumayo sa sariling mga paa at magsarili” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Spencer W. Kimball [2006], 139).
Magagawa at mabibigay ng Diyos ang paraan para ang Kanyang matwid na mga anak ay maging self-reliant.
“At layunin ko ito na maglaan para sa aking mga banal, sapagkat lahat ng bagay ay akin” (D at T 104:15 ).
Ang temporal at espirituwal ay iisa sa Diyos.
“Dahil dito, katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang lahat ng bagay sa akin ay espirituwal” (D at T 29:34 ).
Talakayin: Basahin ang pahayag ni Marion G. Romney (sa kanan). Paano mo malalaman kung nagiging mas self-reliant ka?
“Kung hindi aasa sa sarili ang isang tao hindi niya magagawang maglingkod. Paano tayo magbibigay kung wala naman tayong ibibigay? Ang pagkain para sa nagugutom ay hindi nagmumula sa mga estanteng walang laman. Ang perang pantulong sa nangangailangan ay hindi magmumula sa pitakang walang laman. Ang suporta at pag-unawa ay hindi magmumula sa hungkag na damdamin. Ang pagtuturo ay hindi magmumula sa walang alam. At higit sa lahat, ang espirituwal na patnubay ay hindi nagmumula sa taong mahina ang espirituwalidad.”
Marion G. Romney , “The Celestial Nature of Self-Reliance,” Ensign, Nob. 1982, 93
Mangakong gawin: Mangakong gawin ang sumusunod na mga hakbang sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat ipinangakong gagawin.
Bumalik sa pahina 8 .