Mga Kabataan
Magalak kay Cristo


“Magalak kay Cristo,” Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Pagpili (2022)

“Magalak kay Cristo,” Para sa Lakas ng mga Kabataan

Ipinintang larawan ni Jesus na kausap ang isang babae sa tabi ng balon.

Magalak kay Cristo

Mahalaga ang mga pagpili. Ang mga pagpili batay sa mga turo ng ebanghelyo ay mga hakbang na naglalapit sa iyong Ama sa Langit at kay Jesucristo. Sabi ni Jesus, “Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo upang … ang inyong kagalakan ay malubos” (Juan 15:11). Sa bawat hakbang patungo sa Kanya, mas mapapalapit kayo sa Espiritu at magiging mas matatag ang inyong pakikipagtipan sa Diyos.

Pero hindi iyan nangangahulugan na hindi magkakaroon ng problema sa iyong buhay. At dahil walang sinumang lumalakad nang tuwid na tuwid, palaging suriin ang inyong direksyon at igalang ang mga utos ng Diyos. Tuparin ang inyong mga tipan sa Diyos, at maghandang gumawa ng iba pa. Iniuugnay kayo ng mga tipan sa Ama sa Langit at sa Tagapagligtas. Dinaragdagan ng mga ito ang kapangyarihan ng Diyos sa inyong buhay at inihahanda kayong tumanggap ng buhay na walang hanggan.

Sa lahat ng posibleng pagpili, ang pinakamahalaga ay ang piliing sundin si Jesucristo. Siya ang lakas ng mga kabataan. Ang Kanyang ebanghelyo ang masayang daan pabalik sa inyong Ama sa Langit.