Mga Kabataan
Apendise


“Apendsex,” Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Pagpili (2022)

“Apendise,” Para sa Lakas ng mga Kabataan

Barranquilla Colombia Temple

Apendise

Ang isang paraan para masuri ang iyong pagsulong sa landas ng tipan ay ang pagnilayan ang mga tanong sa ibaba. Ito ang mga itatanong sa iyo kapag ininterbyu ka para tumanggap ng temple recommend, pero huwag mong hintaying interbyuhin ka. Gumawa ng sarili mong espirituwal na pagsusuri. Ang Tema ng Young Women, Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood, at Sampung Utos ay maaaring makatulong sa pagsususuri mo sa iyong sarili.

icon ng templo

Mga tanong sa temple recommend para sa mga kabataan

May pananampalataya at patotoo ka ba sa Diyos Amang Walang Hanggan; sa Kanyang Anak na si Jesucristo; at sa Espiritu Santo?

May patotoo ka ba sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo at sa Kanyang papel na ginagampanan bilang iyong Tagapagligtas at Manunubos?

May patotoo ka ba sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo?

Sinasang-ayunan mo ba ang Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag at bilang nag-iisang tao sa mundo na nagtataglay at may karapatang gamitin ang lahat ng susi ng priesthood? Sinasang-ayunan mo ba ang mga miyembro ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag? Sinasang-ayunan mo ba ang iba pang mga General Authority at mga lokal na lider ng Simbahan?

Sinabi ng Panginoon na lahat ng bagay ay dapat “gawin sa kalinisan” sa Kanyang harapan (Doktrina at mga Tipan 42:41). Sinisikap mo bang gawing malinis ang iyong kaisipan at asal? Sinusunod mo ba ang batas ng kalinisang-puri?

Sinusunod mo ba ang mga turo ng Simbahan ni Jesucristo sa mga ikinikilos mo sa pribado at publiko kasama ang mga miyembro ng iyong pamilya at ibang tao?

Itinataguyod o tinatangkilik mo ba ang anumang mga turo, kaugalian, o doktrinang salungat sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw?

Sinisikap mo bang panatilihing banal ang araw ng Sabbath, kapwa sa tahanan at sa simbahan; dumalo sa iyong mga miting; maghanda para sa at marapat na tumanggap ng sakramento; at mamuhay nang naaayon sa mga batas at kautusan ng ebanghelyo?

Sinisikap mo bang maging tapat sa lahat ng iyong ginagawa?

Nagbabayad ka ba ng buong ikapu?

Nauunawaan at sinusunod mo ba ang Word of Wisdom?

May mabibigat na kasalanan ba sa iyong buhay na kailangang iresolba sa mga awtoridad ng priesthood bilang bahagi ng iyong pagsisisi?

Itinuturing mo bang karapat-dapat ang iyong sarili na makapasok sa bahay ng Panginoon at makilahok sa mga ordenansa sa templo?

Tema ng Young Women

Ako ay minamahal na anak na babae ng mga magulang sa langit, na may banal na katangian at walang-hanggang tadhana.

Bilang disipulo ni Jesucristo, sinisikap ko na maging katulad Niya. Ako ay humihingi ng personal na paghahayag at kumikilos ayon dito at naglilingkod sa iba sa Kanyang banal na pangalan.

Ako ay tatayong saksi ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay at sa lahat ng lugar.

Habang sinisikap ko na maging karapat-dapat para sa kadakilaan, aking pinahahalagahan ang kaloob na pagsisisi at sinisikap na magpakabuti sa bawat araw. Nang may pananampalataya, patatatagin ko ang aking tahanan at pamilya, gagawa ng mga sagradong tipan at tutuparin ang mga ito, at tatanggap ng mga ordenansa at pagpapala ng banal na templo.

Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood

Ako ay minamahal na anak na lalaki ng Diyos, at may gawain Siyang ipinagagawa sa akin.

Nang buong puso, kakayahan, isipan, at lakas, mamahalin ko ang Diyos, tutuparin ang aking mga tipan, at gagamitin ang Kanyang priesthood upang maglingkod sa iba, simula sa aking sariling tahanan.

Habang sinisikap kong maglingkod, manampalataya, magsisi, at magpakabuti pa bawat araw, ako ay magiging karapat-dapat na tumanggap ng mga pagpapala ng templo at ng walang hanggang kagalakan ng ebanghelyo.

Maghahanda ako na maging masigasig na missionary, tapat na asawa, at mapagmahal na ama sa pamamagitan ng pagiging isang tunay na disipulo ni Jesucristo.

Tutulong akong ihanda ang mundo para sa pagbalik ng Tagapaligtas sa pamamagitan ng pag-anyaya sa lahat na lumapit kay Cristo at tanggapin ang mga pagpapala ng Kanyang Pagbabayad-sala.

icon ng mga taong nagbabasa ng mapa

Ang Sampung Utos

Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap ko.

Huwag kang gagawa para sa iyong sarili ng inukit na larawan.

Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang saysay.

Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang panatilihin itong banal.

Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina.

Huwag kang papatay.

Huwag kang mangangalunya.

Huwag kang magnanakaw.

Huwag kang magiging sinungaling na saksi laban sa iyong kapwa.

Huwag kang mang-iimbot.

Tingnan sa Exodo 20:3–17.

Dalawang batang lalaking naka-polo, ang isa ay nagtatali ng kanyang kurbata.