Mga Hanbuk at Calling
7. Ang Bishopric


“7. Ang Bishopric,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).

“7. Ang Bishopric,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk.

lalaking nagsasalita sa pulpito

7.

Ang Bishopric

7.1

Ang Bishop at Kanyang mga Counselor

Taglay ng bishop ang mga susi ng priesthood para pamunuan ang gawain ng Simbahan sa ward (tingnan sa 3.4.1). Siya at ang kanyang mga counselor ang bumubuo sa bishopric.

Ang bishop ay may limang pangunahing responsibilidad:

  • Siya ang namumunong high priest sa ward.

  • Siya ang pangulo ng Aaronic Priesthood.

  • Siya ay isang pangkalahatang hukom.

  • Pinangangasiwaan niya ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos, kabilang ang pangangalaga sa mga nangangailangan.

  • Siya ang namamahala sa mga talaan, pananalapi, at sa paggamit ng meetinghouse.

Ang pangunahing responsibilidad ng bishop ay pangalagaan ang bagong henerasyon sa ward (mga bata, mga kabataan, at mga young single adult). Upang mapagtuunan niya ang responsibilidad na ito, itinatalaga niya sa iba ang maraming takdang-gawain (tingnan sa 4.2.5).

7.1.1

Namumunong High Priest

Ang bishop ang pangunahing espirituwal na lider ng ward.

7.1.1.1

Mga Organisasyon at mga Priesthood Quorum sa Ward

Ang bishop ang may responsibilidad para sa mga organisasyon ng Young Women at Relief Society sa ward. Iniaatas niya sa kanyang mga counselor ang responsibilidad para sa mga organisasyon ng Sunday School at Primary at iba pang mga programa sa ward.

Ang mga responsibilidad ng bishop para sa mga Aaronic Priesthood quorum ay nakasaad sa 7.1.2. Ang kanyang mga responsibilidad para sa mga elders quorum ay nakasaad sa 8.3.1.

7.1.1.2

Mga Ordenansa at Basbas

Ang bishop ang namamahala sa pangangasiwa ng mga sumusunod na ordenansa at basbas sa ward:

  • Ang sakramento

  • Pagbibigay ng pangalan at basbas sa mga bata

  • Binyag at kumpirmasyon ng mga 8-taong-gulang na child of record (para sa mga convert, tingnan ang 31.2.3.2)

  • Paggagawad ng Aaronic Priesthood at mga ordinasyon sa mga katungkulan ng deacon, teacher, at priest

7.1.1.3

Mga Council at Miting

Pinamumunuan ng bishop ang ward council at ang ward youth council (tingnan sa 29.2.5 at 29.2.6).

Ang bishopric ang nagpaplano ng mga sacrament meeting at iba pang mga miting ng ward na nakalista sa kabanata 29.

7.1.1.4

Mga Pagtawag at Pagrelease

Ang mga responsibilidad ng bishop sa mga pagtawag at pagrelease ay nakasaad sa kabanata 30.

7.1.2

Pangulo ng Aaronic Priesthood

Taglay ng bishop ang sumusunod na mga responsibilidad bilang pangulo ng Aaronic Priesthood sa ward. Tinutulungan siya ng kanyang mga counselor.

  • Suportahan ang mga magulang sa pagtuturo sa mga kabataan.

  • Ang bishopric ang namamahala sa mga Aaronic Priesthood quorum at mga Young Women class. Ang bishop ang president ng priests quorum (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:87–88). Ang kanyang first counselor ay responsable sa teachers quorum. Ang kanyang second counselor ay responsable sa deacons quorum.

  • Makipag-sanggunian sa ward Young Women president.

  • Regular na personal na kausapin ang bawat kabataan.

7.1.3

Pangkalahatang Hukom

Ang bishop ang pangkalahatang hukom sa ward (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:71–74). Siya ay may mga sumusunod na responsibilidad:

  • Tulungan ang mga kabataan at adult na maging kwalipikado at maging karapat-dapat na magkaroon ng temple recommend.

  • Magsagawa ng mga interbyu ayon sa nakasaad sa 31.2.

  • Kausapin ang mga miyembro ng ward na naghahangad ng espirituwal na patnubay, may mabibigat na personal na problema, o nakagawa ng mabibigat na kasalanan, tinutulungan silang makakuha ng tulong mula sa nagpapagaling na kapangyarihan ni Jesucristo.

  • Sa ilalim ng pamamahala ng stake president, magdaos ng mga membership council kung kinakailangan. Para sa mga tuntunin, tingnan ang kabanata 32.

7.1.4

Pangangasiwa sa Gawain ng Kaligtasan at Kadakilaan ng Diyos

Inoorganisa ng bishop ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos sa ward (tingnan sa kabanata 1). Tinutulungan siya ng kanyang mga counselor at iba pang mga lider ng ward.

7.1.4.1

Pamumuno sa mga Pagsisikap na Pangalagaan ang mga May Temporal na Pangangailangan

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano pinangangalagaan ng bishop ang mga nangangailangan, tingnan ang 22.6.1.

7.1.5

Mga Talaan, Pananalapi, at ang Meetinghouse

Para sa impormasyon tungkol sa mga talaan, tingnan ang kabanata 33. Para sa impormasyon tungkol sa pananalapi, kabilang na ang ikapu, tingnan ang kabanata 34. Para sa impormasyon tungkol sa mga meetinghouse, tingnan ang kabanata 35.

7.3

Ward Executive Secretary at mga Assistant Ward Executive Secretary

Ang bishopric ay nagrerekomenda ng isang mayhawak ng Melchizedek Priesthood na maglilingkod bilang ward executive secretary.

Siya ay may mga sumusunod na responsibilidad:

  • Nakikipagpulong sa bishopric at naghahanda ng mga agenda o talaan ng pag-uusapan kapag inatasan.

  • Naglilingkod bilang miyembro ng ward council at dumadalo sa mga ward council meeting.

  • Nag-iiskedyul ng mga appointment para sa bishopric.

7.4

Ward Clerk at mga Assistant Ward Clerk

Ang mga responsibilidad ng ward clerk at ng mga assistant ward clerk ay nakasaad sa 33.4.2.