“6. Pamunuan sa Stake,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).
“6. Pamunuan sa Stake,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk
6.
Pamunuan sa Stake
6.1
Mga Layunin ng Isang Stake
Inilarawan ni Isaias ang Sion sa mga huling araw bilang isang tolda o isang tabernakulo na nakataling mabuti sa mga tulos o mga stake (tingnan sa Isaias 33:20; 54:2).
Ang Panginoon ay nagtatag ng mga stake para sa sama-samang pagtitipon ng Kanyang mga tao at para “maging isang tanggulan, at isang kanlungan” mula sa mundo (Doktrina at mga Tipan 115:6).
6.2
Stake Presidency
Ang stake president ang maytaglay ng mga susi ng priesthood upang pamunuan ang gawain ng Simbahan sa loob ng stake (tingnan sa 3.4.1). Siya at ang kanyang mga counselor ang bumubuo sa stake presidency. Pinangangalagaan nila ang mga miyembro ng stake nang may pagmamahal at tinutulungan silang maging mga tunay na tagasunod ni Jesucristo.
Ang stake president ay may apat na pangunahing responsibilidad:
-
Siya ang namumunong high priest sa stake.
-
Pinamumunuan niya ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos sa stake.
-
Siya ay isang pangkalahatang hukom.
-
Siya ang namamahala sa mga talaan, pananalapi, at ari-arian.
6.3
Mga Pagkakaiba ng Awtoridad ng mga District President sa Awtoridad ng mga Stake President
Sa bawat district, isang mayhawak ng Melchizedek Priesthood ang tinatawag bilang district president. Siya ay naglilingkod na tulad ng isang stake president, ngunit may sumusunod na mga pagkakaiba:
-
Hindi siya pangulo ng high priests quorum. Ang gayong mga korum ay inoorganisa lamang sa mga stake.
-
Sa pag-apruba ng mission president, maaaring interbyuhin ng district president ang isang lalaki na i-oorden bilang elder. Ang district president o isang tao sa ilalim ng kanyang pamamahala ay maaari ding (1) ipakilala ang isang lalaki para sa pagsang-ayon at (2) isagawa ang ordinasyon (tingnan sa 18.10.1.3, 18.10.3, at 18.10.4). Gayunman, ang district president ay hindi maaaring mag-orden ng mga patriarch, high priest, o bishop.
-
Sa pag-apruba ng mission president, ang district president ay maaaring mag-set apart ng mga branch president (tingnan sa 18.11).
-
Hindi siya nagre-release ng mga full-time missionary.
-
Hindi siya nagsasagawa ng mga interbyu para sa temple recommend o lumalagda sa mga temple recommend (tingnan sa 26.3.1).
-
Hindi siya nagdaraos ng membership council maliban na lamang kung may awtorisasyon ng mission president.
6.5
High Council
Ang stake presidency ay tumatawag ng 12 high priest upang bumuo ng stake high council (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 102:1; 124:131).
6.5.1
Kumatawan sa Stake Presidency
Ang stake presidency ay nag-aatas ng isang high councilor para sa bawat ward sa stake.
Ang stake presidency ay nag-aatas din ng high councilor para sa bawat elders quorum sa stake.
Maaaring mag-atas ang stake presidency ng mga high councilor na magtuturo sa mga sumusunod ng kanilang mga responsibilidad sa gawain sa templo at family history at sa gawaing misyonero:
-
Mga elders quorum presidency
-
Mga ward mission leader
-
Mga ward temple and family history leader
6.7
Mga Organisasyon sa Stake
Ang mga organisasyon ng Relief Society, Young Women, Primary, Sunday School, at Young Men sa stake ay pinamumunuan ng isang president. Ang mga president na ito ay naglilingkod sa ilalim ng pamamahala ng stake presidency.
Ang pangunahing responsibilidad ng mga lider na ito ay tulungan ang stake presidency at turuan at suportahan ang mga presidency ng mga organisasyon sa ward.
6.7.1
Stake Relief Society, Young Women, Primary, at Sunday School Presidency
Ang mga miyembro ng mga presidency na ito ay may sumusunod na mga responsibilidad:
-
Maglingkod sa stake council (mga president lamang).
-
Turuan ang mga bagong tawag na mga presidency ng mga organisasyon sa ward.
-
Magbigay ng patuloy na suporta at pagtuturo. Regular silang nakikipag-ugnayan sa mga presidency ng mga organisasyon sa ward upang malaman ang kanilang mga pangangailangan, talakayin ang mga pangangailangan ng mga miyembrong pinaglilingkuran nila, at maghatid ng impormasyon mula sa stake presidency.
-
Turuan ang mga presidency ng mga organisasyon sa ward sa mga stake leadership meeting (tingnan sa 29.3.4).
6.7.2
Stake Young Men Presidency
Ang stake Young Men presidency ay may sumusunod na mga responsibilidad:
-
Maglingkod bilang resource ng mga bishopric sa kanilang mga responsibilidad sa mga kalalakihan ng Aaronic Priesthood.
-
Maglingkod sa stake youth leadership committee (tingnan sa 29.3.10).
-
Sa ilalim ng pamamahala ng stake presidency, magplano at mag-organisa ng mga aktibidad at camp ng Aaronic Priesthood sa stake.