“5. Pamunuan sa Pangkalahatan at sa Area,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).
“5. Pamunuan sa Pangkalahatan at sa Area,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk.
5.
Pamunuan sa Pangkalahatan at sa Area
5.0
Pambungad
Si Jesucristo ang “batong panulok” ng Kanyang Simbahan (Efeso 2:20). Taglay Niya ang lahat ng susi ng priesthood. Tumatawag Siya ng mga apostol at mga propeta upang tulungan Siya sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan. Iginagawad Niya sa mga piniling tagapaglingkod na ito ang lahat ng susi na nauukol sa kaharian ng Diyos sa lupa. (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 27:12–13; tingnan din sa 3.4.1 ng hanbuk na ito.)
Sa pamamagitan ng mga propeta at apostol, tumatawag ang Panginoon ng mga kalalakihan sa katungkulan ng Pitumpu upang tumulong sa Kanyang gawain sa buong mundo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:38). Bukod pa rito, ang Presiding Bishopric, mga General Officer, at iba pang kalalakihan at kababaihan na lider ay binibigyan ng mahahalagang responsibilidad na tumulong sa gawain.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan sa kabanata 5 sa Pangkalahatang Handbook: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (ChurchofJesusChrist.org).