“8. Elders Quorum,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).
“8. Elders Quorum,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk
8.
Elders Quorum
8.1
Layunin at Organisasyon
8.1.1
Layunin
Ang mga karapat-dapat na lalaki na edad 18 pataas ay maaaring tumanggap ng Melchizedek Priesthood at maordenan sa katungkulan ng elder. Ang isang lalaking inorden sa katungkulang iyon ay gumagawa ng sagradong tipan na tulungan ang Diyos sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:33–44).
8.1.2
Pagiging Miyembro sa Elders Quorum
Bawat ward ay mayroong isang elders quorum. Kabilang dito ang sumusunod na kalalakihan:
-
Lahat ng elder sa ward.
-
Lahat ng prospective elder sa ward (tingnan sa 8.4).
-
Lahat ng high priest sa ward, maliban sa mga kasalukuyang naglilingkod sa stake presidency, sa bishopric, sa high council, o bilang patriarch.
Ang isang kabataang lalaki ay maaaring magsimulang dumalo sa mga elders quorum meeting kapag naging 18 taong gulang na siya, kahit na hindi pa siya naorden bilang elder. Sa edad na 19 o bago umalis sa tahanan, tulad ng dahil sa kolehiyo o pagmimisyon, dapat ay maordenan siyang elder kung siya ay karapat-dapat.
Ang mga kalalakihang may asawa na wala pang 18 taong gulang ay mga prospective elder at miyembro din ng elders quorum.
8.2
Pakikibahagi sa Gawain ng Kaligtasan at Kadakilaan ng Diyos
8.2.1
Pagsasabuhay ng Ebanghelyo ni Jesucristo
8.2.1.2
Pag-aaral ng Ebanghelyo sa mga Quorum Meeting
Ang mga miting ay idinaraos sa ikalawa at ikaapat na Linggo ng bawat buwan. Ang mga ito ay tumatagal nang 50 minuto. Ang elders quorum presidency ang nagpaplano ng mga miting na ito. Isang miyembro ng presidency ang nangangasiwa.
Ang mga quorum meeting ay nakatuon sa mga paksa ng isa o higit pang mga mensahe sa pinakahuling pangkalahatang kumperensya.
8.2.1.3
Mga Aktibidad
Ang mga elders quorum presidency ay maaaring magplano ng mga aktibidad. Ang karamihan sa mga aktibidad ay ginaganap sa mga araw na hindi Linggo o Lunes ng gabi.
8.2.2
Pangangalaga sa mga Nangangailangan
8.2.2.1
Ministering
Ang mga miyembro ng elders quorum ay tumatanggap ng mga ministering assignment mula sa quorum presidency. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang kabanata 21.
8.2.2.2
Mga Panandaliang Pangangailangan
Hinahangad ng mga ministering brother na maunawaan at matugunan ang mga pangangailangan ng mga pinaglilingkuran nila. Ang mga miyembro ay maaaring mangailangan ng panandaliang tulong sa mga panahon ng pagkakasakit, panganganak, kamatayan, pagkawala ng trabaho, at iba pang mga sitwasyon.
Kapag kailangan, humihingi ng tulong ang mga ministering brother sa elders quorum presidency.
8.2.2.3
Mga Pangmatagalang Pangangailangan at Self-Reliance
Sa pamumuno ng bishop, tinutulungan ng elders quorum presidency at Relief Society presidency ang mga miyembro sa kanilang mga pangmatagalang pangangailangan at self-reliance o pag-asa sa sariling kakayahan.
Ang elders quorum president, Relief Society president, o isa pang lider ay tumutulong sa tao o pamilya na bumuo ng Self-Reliance Plan. Ang mga ministering brother o ministering sister ay maaari ding tumulong sa pagbuo ng plano.
8.2.2.4
Kapag Namatay ang Isang Miyembro ng Ward
Kapag namatay ang isang miyembro ng ward, ang elders quorum presidency at Relief Society presidency ay nagbibigay ng kapanatagan at tulong. Sa ilalim ng patnubay ng bishop, maaari silang tumulong sa burol at libing.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 38.5.8.
8.2.3
Pag-anyaya sa Lahat na Tanggapin ang Ebanghelyo
Inaatasan ng elders quorum president ang isang miyembro ng presidency na tumulong sa pamumuno sa gawaing misyonero ng miyembro sa ward. Nakikipagtulungan siya sa inatasang miyembro ng Relief Society presidency para iorganisa ang gawaing ito.
8.2.4
Pagbubuklod ng mga Pamilya sa Walang-Hanggan
Inaatasan ng elders quorum president ang isang miyembro ng presidency na tumulong sa pamumuno sa gawain sa templo at family history sa ward. Nakikipagtulungan siya sa inatasang miyembro ng Relief Society presidency para iorganisa ang gawaing ito.
Tingnan sa 25.2.2.
8.3
Mga Elders Quorum Leader
8.3.1
Stake Presidency at Bishop
Ang elders quorum president ay may direktang pananagutan sa stake presidency. Siya ay regular na nakikipagpulong sa isang miyembro ng stake presidency upang tumanggap ng patnubay at mag-ulat tungkol sa kanyang mga responsibilidad.
Ang elders quorum president ay tumatanggap din ng patnubay mula sa bishop, na siyang namumunong opisyal sa ward. Regular silang nagpupulong.
8.3.2
High Councilor
Inaatasan ng stake presidency ang isang high councilor na kumatawan sa kanila sa bawat elders quorum. Ang kanyang mga responsibilidad ay nakasaad sa 6.5.
8.3.3
Elders Quorum Presidency
8.3.3.1
Pagtawag ng Isang Elders Quorum Presidency
Matapos sumangguni sa bishop, ang stake president ay tatawag ng isang elder o high priest na maglilingkod bilang elders quorum president.
Kung sapat ang laki ng unit, ang elders quorum president ay magrerekomenda sa stake president ng isa o dalawang elder o high priest na maglilingkod bilang kanyang mga counselor.
8.3.3.2
Mga Responsibilidad
Ang elders quorum president ay may mga sumusunod na responsibilidad. Tinutulungan siya ng kanyang mga counselor.
-
Maglingkod sa ward council.
-
Pamunuan ang mga pagsisikap ng korum na makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan (tingnan sa kabanata 1).
-
Iorganisa at pamahalaan ang paglilingkod ng mga ministering brother.
-
Sa ilalim ng patnubay ng bishop, payuhan ang mga adult na miyembro ng ward.
-
Iorganisa ang mga pagsisikap ng elders quorum na patatagin ang mga young adult na lalaki sa ward, kapwa may asawa at walang asawa.
-
Kausapin ang bawat miyembro ng korum nang personal kahit minsan sa isang taon.
-
Ituro sa mga miyembro ng korum ang mga tungkulin nila sa priesthood (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:89). Kabilang dito ang pagtuturo sa kanila kung paano gamitin ang kanilang priesthood sa pagsasagawa ng mga ordenansa at pagbabasbas.
-
Pamahalaan ang mga talaan, report, at pananalapi ng elders quorum (tingnan sa LCR.ChurchofJesusChrist.org).
8.3.3.3
Presidency Meeting
Regular na nagmimiting ang elders quorum presidency at secretary. Ang president ang nangangasiwa sa mga miting na ito. Maaaring dumalo paminsan-minsan ang isang high councilor na inatasan sa korum.
Maaaring kabilang sa agenda o mga pag-uusapan ang mga sumusunod:
-
Gumawa ng plano para mapatatag ang mga miyembro ng korum (kabilang ang mga prospective elder) at kanilang mga pamilya.
-
Tumulong na iorganisa ang gawaing misyonero at gawain sa templo at family history.
-
Tumugon sa mga takdang-gawain mula sa mga ward council meeting.
-
Rebyuhin ang mga impormasyon mula sa mga ministering interview.
-
Isaalang-alang ang mga kalalakihan na maglilingkod sa mga calling at takdang-gawain.
-
Magplano ng mga miting at aktibidad ng korum.
8.3.4
Secretary
Sa pag-aparuba ng bishop, ang isang miyembro ng elders quorum presidency ay maaaring tumawag ng isang miyembro ng korum na magiging quorum secretary.
8.4
Pagtulong sa mga Prospective Elder na Maghandang Tanggapin ang Melchizedek Priesthood
Ang isang prospective elder ay isang lalaking miyembro ng Simbahan na hindi pa natatanggap ang Melchizedek Priesthood at (1) edad 19 o mas matanda pa o (2) wala pang 19 na taong gulang at may asawa.
Ang pagtulong sa mga prospective elder na maghandang tanggapin ang Melchizedek Priesthood ang isa sa pinakamataas na prayoridad ng elders quorum presidency.