Mga Hanbuk at Calling
21. Ministering


“21. Ministering,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).

“21. Ministering,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk

mga lalaking nagbubuhat ng bato

21.

Ministering

21.0

Pambungad

Ang ibig sabihin ng ministering ay paglilingkod sa iba na tulad ng gagawin ng Tagapagligtas (tingnan sa Mateo 20:26–28).

Nais ng Panginoon na matanggap ng lahat ng miyembro ng Kanyang Simbahan ang gayong pangangalaga. Dahil dito, inaatasan ang mga mayhawak ng priesthood na maging mga ministering brother sa bawat member household. Ang mga ministering sister ay inaatasan para sa bawat adult na babae.

21.1

Mga Responsibilidad ng mga Ministering Sister at mga Ministering Brother

Ang mga ministering sister at mga ministering brother ay may sumusunod na mga responsibilidad para sa mga indibiduwal at mga pamilyang naka-assign sa kanila:

  • Tulungan silang patibayin ang kanilang pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

  • Tulungan silang maghandang gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan sa Diyos kapag tumatanggap sila ng mga ordenansa.

  • Alamin ang mga pangangailangan at magbigay ng pagmamahal, malasakit, at paglilingkod na tulad ng kay Cristo.

  • Tulungan silang maging self-reliant sa espirituwal at temporal na aspekto ng buhay.

21.2

Pag-oorganisa ng Ministering

21.2.1

Pagbibigay ng mga Ministering Assignment

Mapanalanging isinasaalang-alang ng elders quorum presidency at Relief Society presidency ang bawat ministering assignment para sa mga ministering brother at mga ministering sister. Karaniwang inaatasan nila ang dalawang lalaki o dalawang babae na maging isang ministering companionship. Hinihingi nila ang pag-apruba ng bishop para sa mga ministering companionship at mga ministering assignment.

Ang isang mag-asawa ay maaaring atasan na magkasamang magminister sa isang tao o pamilya.

Ang mga ministering brother at mga ministering sister ay hindi tinatawag, sinasang-ayunan, o sine-set apart.

21.2.2

Mga Ministering Assignment para sa mga Kabataan

Ang isang kabataang babae ay maaaring maglingkod bilang ministering companion ng isang Relief Society sister kapag ang kabataang babae ay handa at may kakayahang gawin ito. Maaari siyang magsimulang maglingkod sa taon na siya ay magiging 14 na taong gulang.

2:30

Ang isang kabataang lalaki ay naglilingkod bilang ministering companion sa isang mayhawak ng Melchizedek Priesthood kapag siya ay inordenan na sa katungkulan ng teacher o priest.

21.3

Mga Ministering Interview

2:38

Iniinterbyu ng elders quorum president at ng kanyang mga counselor ang mga ministering brother. Iniinterbyu ng Relief Society president at ng kanyang mga counselor ang mga ministering sister.

Ang mga interbyu na ito ay ginagawa kahit minsan sa bawat quarter.

Ang mga layunin ng mga ito ay:

  • Talakayin ang mga kakayahan, pangangailangan, at pagsubok ng mga indibiduwal at pamilyang naka-assign sa kanila.

  • Talakayin ang mga paraan para matulungan ang mga indibiduwal na maghandang tumanggap ng mga ordenansa kung kinakailangan.

  • Talakayin kung paano makatutulong ang elders quorum, Relief Society, ward council, at iba pa.

  • Turuan at hikayatin ang mga ministering brother at mga ministering sister.

21.4

Pag-uugnay ng mga Pagsisikap sa Ministering

2:51

Ang Relief Society presidency at elders quorum presidency ay nagpupulong nang magkakasama kahit minsan bawat quarter. Nirerebyu nila ang mga natutuhan nila sa mga ministering interview (tingnan sa 21.3). Pinag-uugnay din nila ang mga ministering assignment.

Sa mga unit na may kakaunting aktibong miyembro, maaaring mapagdesisyunan ng Relief Society presidency at elders quorum presidency na hindi bigyan ang ilang miyembro ng kapwa mga ministering sister at mga ministering brother.