Mga Hanbuk at Calling
11. Young Women


“11. Young Women,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).

“11. Young Women,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk

mga kabataang babae na nasa labas

11.

Young Women

11.1

Layunin at Organisasyon

11.1.1

Layunin

Tinutulungan ng organisasyon ng Young Women ang mga kabataang babae na gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan at palalimin ang pagbabalik-loob nila kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo.

11.1.2

Tema ng Young Women

“Ako ay minamahal na anak na babae ng mga magulang sa langit, na may banal na katangian at walang hanggang tadhana.

“Bilang disipulo ni Jesucristo, sinisikap ko na maging katulad Niya. Ako ay humihingi ng personal na paghahayag at kumikilos ayon dito at naglilingkod sa iba sa Kanyang banal na pangalan.

“Ako ay tatayong saksi ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay at sa lahat ng lugar.

“Habang sinisikap ko na maging karapat-dapat para sa kadakilaan, aking pinahahalagahan ang kaloob na pagsisisi at sinisikap na magpakabuti sa bawat araw. Nang may pananampalataya, patatatagin ko ang aking tahanan at pamilya, gagawa ng mga sagradong tipan at tutuparin ang mga ito, at tatanggap ng mga ordenansa at pagpapala ng banal na templo.”

11.1.3

Mga Young Women Class

Ang mga kabataang babae ay nagiging miyembro ng isang Young Women class simula sa Enero ng taong magiging 12 taong gulang sila.

Ang bishopric at mga adult Young Women leader ay mapanalanging nagpapasiya kung paano isasaayos ang mga class ayon sa edad. Ang bawat class, anuman ang laki nito, ay dapat magkaroon ng isang president at, kung maaari, isa o dalawang counselor at isang secretary.

11.2

Pakikibahagi sa Gawain ng Kaligtasan at Kadakilaan ng Diyos

11.2.1

Pagsasabuhay ng Ebanghelyo ni Jesucristo

11.2.1.2

Pag-aaral ng Ebanghelyo

Ang mga class meeting ay ginaganap sa ikalawa at ikaapat na Linggo ng buwan. Ang mga ito ay tumatagal nang 50 minuto. Isang miyembro ng class presidency ang nangangasiwa. Pinangungunahan niya ang class sa pagbigkas ng tema at pagpapayuhan tungkol sa mga takdang-gawain at iba pang mga bagay.

Pagkatapos ay isang miyembro ng class o adult leader ang nangunguna sa pagtuturo ng ebanghelyo.

11.2.1.3

Paglilingkod at mga Aktibidad

Ang mga gawaing-paglilingkod at mga aktibidad ay dapat magpalakas ng patotoo, patatagin ang mga pamilya, pag-ibayuhin ang pagkakaisa ng class, at maglaan ng mga pagkakataon na pagpalain ang iba.

Ang ilang mga gawaing-paglilingkod at mga aktibidad ay dapat kabilangan ng kapwa mga kabataang lalaki at kabataang babae, lalo na para sa mga nakatatandang kabataan.

Mga Taunang Aktibidad. Bukod pa sa mga regular na mga aktibidad ng mga kabataan, maaari ding sumali ang mga kabataang babae sa mga sumusunod taun-taon:

  • Isang Young Women camp (tingnan sa Young Women Camp Guide).

  • Isang ward o stake youth conference o isang For the Strength of Youth (FSY) conference.

11.2.1.4

Personal na Pag-unlad

Sa kanilang pagsisikap na maging higit na katulad ng Tagapagligtas, ang mga kabataan ay inaanyayahang magtakda ng mga mithiin na umunlad sa espirituwal, pakikipagkapwa, pisikal, at intelektuwal (tingnan sa Lucas 2:52).

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang ChildrenandYouth.ChurchofJesusChrist.org.

11.2.2

Pangangalaga sa mga Nangangailangan

Ang mga kabataang babae ay dapat magkaroon ng regular na mga pagkakataon na maglingkod sa kanilang pamilya at kasama ang kanilang pamilya, sa mga aktibidad ng kabataan, at sa sarili nila.

11.2.2.1

Ministering

Ang mga kabataang babae ay maaaring tumanggap ng ministering assignment simula sa Enero ng taong magiging 14 na taong gulang sila. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang kabanata 21.

11.2.3

Pag-anyaya sa Lahat na Tanggapin ang Ebanghelyo

Inaanyayahan ng mga kabataang babae ang lahat na tanggapin ang ebanghelyo habang sila ay “tuma[ta]yo bilang mga saksi ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar” (Mosias 18:9).

Matutulungan ng mga magulang at lider ang mga kabataang babae na maghandang ibahagi ang ebanghelyo sa buong buhay nila.

11.2.4

Pagbubuklod ng mga Pamilya sa Walang-Hanggan

Ang mga kabataang babae ay makatutulong sa pagbubuklod ng mga pamilya sa walang-hanggan sa maraming paraan.

  • Igalang ang kanilang mga magulang at magpakita ng halimbawa ng pamumuhay na katulad ng kay Cristo sa kanilang tahanan.

  • Maghandang tumanggap ng mga ordenansa sa templo, kabilang na ang kasal na walang hanggan.

  • Tukuyin ang mga ninuno na nangangailangan ng mga ordenansa sa templo (tingnan sa FamilySearch.org).

  • Makibahagi nang madalas sa mga binyag at kumpirmasyon para sa mga patay kung may pagkakataon.

11.3

Pamunuan ng Young Women sa Ward

11.3.1

Bishopric

Ang pangunahing responsibilidad ng bishop ay pangalagaan ang mga kabataang lalaki at mga kabataang babae sa kanyang ward. Inaalam niya at ng kanyang mga counselor ang kanilang mga pangalan at inuunawa ang kanilang situwasyon sa tahanan. Kinakausap nila nang personal ang bawat kabataang babae nang hindi bababa sa dalawang beses sa isang taon (tingnan sa 31.3.1).

Ang bishop ang may responsibilidad para sa organisasyon ng Young Women sa ward. Regular siyang nakikipagpulong sa Young Women president.

Regular na nakikibahagi ang bishop at ang kanyang mga counselor sa mga miting, gawaing-paglilingkod, at aktibidad ng Young Women.

11.3.2

Adult Young Women Presidency

Ang bishop ang tumatawag at nagse-set apart ng isang adult na babae na maglilingkod bilang ward Young Women president. Kung sapat ang laki ng unit, magrerekomenda ang ward Young Women president ng isa o dalawang adult na kababaihan na maaaring tawagin bilang kanyang mga counselor (tingnan sa kabanata 30).

Sa isang maliit na unit, maaaring ang Young Women president lamang ang tinawag na adult leader sa organisasyon ng Young Women. Sa ganitong pagkakataon, siya ay nakikipagtulungan sa mga magulang upang iorganisa ang pagtuturo at aktibidad para sa mga kabataang babae.

Kung ang branch ay walang Young Women president, ang Relief Society president ay maaaring mag-organisa ng pagtuturo para sa mga kabataang babae hanggang sa makatawag ng Young Women president.

Ang Young Women president ay may sumusunod na mga responsibilidad. Tinutulungan siya ng kanyang mga counselor.

  • Maglingkod sa ward council.

  • Maglingkod bilang miyembro ng ward youth council (tingnan sa 29.2.6).

  • Magminister sa bawat kabataang babae.

  • Ituro sa iba pang mga Young Women leader at mga class presidency ang kanilang mga responsibilidad.

  • Makipagpayuhan sa mga kabataang babae tungkol sa mga hamon na hindi kinakailangan ang bishop o hindi kinasasangkutan ng pang-aabuso (tingnan sa 32.3, 31.3.1, at 38.6.2).

11.3.4

Class Presidency at Secretary

11.3.4.1

Pagtawag, Pagsang-ayon, at Pag-set Apart

Dapat magkaroon ng class presidency ang bawat Young Women class.

Isang miyembro ng bishopric ang tumatawag sa isang kabataang babae na maglilingkod bilang class president. Kapag mayroong sapat na bilang ng mga young women na makapaglilingkod, mapanalanging pinag-iisipan ng kabataang babaeng ito kung sinong mga miyembro ng class ang irerekomenda niya bilang mga counselor at secretary.

Matapos na ibigay ang mga calling na ito, ipinakikilala ng isang miyembro ng bishopric ang mga kabataang babae sa kanilang class para sa pagsang-ayon. Sine-set apart ng bishop o ng isang naatasang counselor ang mga kabataang babae.

11.3.4.2

Mga Responsibilidad

Naglilingkod ang mga class president sa ward youth council (tingnan sa 11.3.4.4). Ang mga class presidency ay may sumusunod din na mga responsibilidad:

  • Pamunuan ang mga pagsisikap ng class na makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos (tingnan sa kabanata 1).

  • Kilalanin at paglingkuran ang bawat kabataang babae, kabilang na ang mga hindi dumadalo sa mga class meeting.

  • Planuhin at pangasiwaan ang mga class meeting sa araw ng Linggo (tingnan sa 11.2.1.2).

  • Magplano at magsagawa ng mga gawaing-paglilingkod at mga aktibidad ng class (tingnan ang 11.2.1.3).

11.3.4.3

Class Presidency Meeting

Nagpupulong nang regular ang mga Young Women class presidency. Ang class president ang nangangasiwa sa mga miting na ito. Dumadalo rin ang mga adult Young Women leader na naatasang suportahan ang mga class presidency.

11.3.4.4

Ward Youth Council

Tingnan ang 29.2.6 para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ward youth council.

11.6

Mga Karagdagang Tuntunin at Patakaran

11.6.1

Pangangalaga sa mga Kabataan

Kapag nakikipag-ugnayan ang mga adult sa mga kabataan sa Simbahan, dapat ay may naroong dalawang responsableng adult. Maaaring kailanganing pagsamahin ang mga klase para maging posible ito.

Lahat ng adult na may mga calling na may kinalaman sa mga kabataan ay dapat kumpletuhin ang children and youth protection training sa loob ng isang buwan mula nang sila ay sang-ayunan (ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org).