Mga Hanbuk at Calling
13. Sunday School


“13. Sunday School,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).

“13. Sunday School,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk

Larawan
pamilyang nag-aaral ng mga banal na kasulatan

13.

Sunday School

13.1

Layunin

Ang mga lider, guro, at mga klase sa Sunday School ay:

  • Nagpapalakas ng pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagtuturo ng “doktrina ng kaharian” (Doktrina at mga Tipan 88:77).

  • Itinataguyod ang pag-aaral at pagtuturo ng ebanghelyo na nakasentro sa tahanan at sinusuportahan ng Simbahan.

  • Tinutulungan ang mga miyembro na magturo sa paraan ng Tagapagligtas.

13.2

Pamunuan ng Sunday School sa Ward

13.2.1

Bishopric

Ang bishopric ang namamahala sa Sunday School. Karaniwan ay aatasan ng bishop ang isa sa kanyang mga counselor na gampanan ang responsibilidad na ito sa ilalim ng kanyang pamamahala.

13.2.2

Sunday School President

13.2.2.1

Pagtawag ng Sunday School President

Ang bishop ang tumatawag at nagse-set apart ng isang mayhawak ng Melchizedek Priesthood para maging ward Sunday School president. Kung kailangan ang mga counselor, at kung may sapat na kalalakihang makapaglilingkod sa mga posisyong ito, ang Sunday School president ay maaaring magrekomenda ng isa o dalawang mga counselor.

13.2.2.2

Mga Responsibilidad

  • Maglingkod sa ward council.

  • Pamahalaan ang mga pagsisikap na paghusayin pa ang pag-aaral at pagtuturo ng ebanghelyo sa tahanan at sa simbahan.

  • Magrekomenda sa bishopric ng mga adult na miyembro na maglilingkod bilang mga Sunday School teacher.

  • Suportahan, hikayatin, at turuan ang mga Sunday School teacher.

  • Pamunuan ang mga teacher council meeting ayon sa paggabay ng bishop (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 3).

13.2.3

Mga Sunday School Teacher

Para makapaghandang magturo, ginagamit ng mga Sunday School teacher ang mga banal na kasulatan, ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya, at ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School.

13.3

Mga Klase sa Sunday School

Ang mga klase sa Sunday School ay idinaraos sa una at ikatlong Linggo ng buwan.

Nang may pag-apruba ng bishopric, ang Sunday School president ay nag-oorganisa ng mga klase para sa mga adult at kabataan.

Dapat ay mayroong hindi bababa sa dalawang responsableng adult ang bawat klase ng mga kabataan.

Lahat ng adult na may mga calling na may kinalaman sa mga kabataan ay dapat kumpletuhin ang children and youth protection training sa loob ng isang buwan mula nang sila ay sang-ayunan (ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org).

13.4

Pagpapahusay ng Pag-aaral at Pagtuturo sa Ward

Responsibilidad ng mga lider ng ward ang pagpapahusay sa pag-aaral at pagtuturo sa kanilang mga organisasyon. Kung kailangan, maaari silang humingi ng tulong sa ward Sunday School president.

13.5

Pagpapahusay ng Pag-aaral at Pagtuturo sa Tahanan

Responsibilidad ng mga magulang na ituro ang ebanghelyo sa kanilang mga anak. Maaari silang lumapit sa Sunday School president para matulungan silang maging mas mahuhusay na guro.

Print