Mga Hanbuk at Calling
14. Mga Single na Miyembro


“14. Mga Single na Miyembro,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).

“14. Mga Single na Miyembro,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk

mga taong nag-uusap

14.

Mga Single na Miyembro

14.0

Pambungad

Ang mga kalalakihan at kababaihan na hindi pa nakakapag-asawa o nagdiborsiyo o nabalo ay bumubuo ng malaking bahagi ng bilang ng mga miyembro ng Simbahan. Mahalaga para sa lahat na makahanap ng pag-asa sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo (tingnan sa Eter 12:4). Ang sumusunod na mga walang-hanggang katotohanan ay makatutulong para magkaroon ng gayong pag-asa:

  • Pinagtitibay ng mga banal na kasulatan at ng mga propeta sa mga huling araw na lahat ng matatapat sa pagtupad sa mga tipan ng ebanghelyo ay may oportunidad para sa kadakilaan.

  • Ang mismong panahon at paraan kung paano ipagkakaloob ang mga pagpapala ng kadakilaan ay hindi pa lahat naihahayag. Gayunpaman, ang mga ito ay tiyak (tingnan sa Mosias 2:41).

  • Ang paghihintay sa Panginoon ay kinabibilangan ng patuloy na pagsunod at pag-unlad sa espirituwal patungo sa Kanya (tingnan sa Isaias 64:4).

  • Iniaalok ng Diyos ang buhay na walang hanggan sa lahat ng Kanyang anak. Ang lahat ng karapat-dapat sa magiliw na kaloob na pagpapatawad ng Tagapagligtas at sumusunod sa Kanyang mga kautusan ay tatanggap ng buhay na walang hanggan. (Tingnan sa Mosias 26:30; Moroni 6:8.)

  • Ang pagtitiwala sa mga pangakong ito ay nagmumula sa pananampalataya kay Jesucristo. Sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, ang lahat ng bagay hinggil sa mortalidad ay maitatama (tingnan sa Alma 7:11–13).

Kailangan ng Diyos ang lahat ng miyembro na tumulong sa Kanyang gawain ng kaligtasan sa kanilang mga ward at stake (tingnan sa 1 Corinto 12:12–27). Ayon sa patnubay ng Espiritu, ang mga single na miyembro ay tinatawag na maglingkod sa mga katungkulan sa pamumuno at pagtuturo.

Sa kabanatang ito:

  • Ang “mga single na miyembro” ay tumutukoy sa lahat ng adult na miyembro ng Simbahan na kasalukuyang hindi kasal.

  • Ang “mga young single adult” ay tumutukoy sa mga edad 18–30.

  • Ang “mga single adult” ay tumutukoy sa mga edad 31 pataas.

14.1

Mga Single na Miyembro sa mga Geographic Unit

14.1.1

Pamunuan sa Stake

14.1.1.2

Stake Young Single Adult Committee at Stake Single Adult Committee

Ang stake presidency ay lumilikha ng isang young single adult committee.

Ang stake presidency ay maaari ding lumikha ng isang single adult committee.

Hinahangad ng mga komite na suportahan ang mga miyembro sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan at mga pagkakataong makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan (tingnan sa 14.2).

14.1.2

Pamunuan ng Ward

14.1.2.1

Bishopric

Napakahalaga ng papel ng bishopric sa pagtulong sa mga single na miyembro na makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan. Nakikipagtulungan sila sa ward council para matukoy ang makabuluhang mga calling at takdang-gawain na ibibigay sa mga single na miyembro. Inaalam at sinisikap nilang tugunan ang mga pangangailangan ng mga single parent o solong magulang.

  • Kinakausap nang personal ng isang miyembro ng bishopric ang bawat young single adult kahit minsan sa isang taon.

  • Maaaring mag-organisa ang bishopric ng isang ward young single adult committee.

14.1.2.2

Mga Miyembro ng Elders Quorum Presidency at Relief Society Presidency na Nakatalaga sa mga Young Single Adult

Maaaring atasan ng mga elders quorum president at Relief Society president ang isang miyembro ng kanilang presidency na suportahan ang mga young single adult. Inaalam ng mga miyembro na ito ng presidency ang mga kalakasan ng mga young single adult at tumutulong na matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Ang elders quorum president at ang Relief Society president ay maaaring iulat ang mga pagsisikap na ito sa ward council meeting.

14.1.2.3

Mga Young Single Adult Leader

Sa isang ward na may maraming young single adult, ang bishopric ay maaaring tumawag ng isang young single adult na lalaki at isang young single adult na babae bilang mga young single adult leader. Kabilang sa kanilang mga responsibilidad ang:

  • Tulungan ang mga young single adult na makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan (tingnan sa 14.2).

  • Maglingkod sa stake young single adult committee.

  • Pamunuan ang ward young single adult committee kung lumikha ng ganitong komite.

  • Regular na makipagpulong sa elders quorum presidency at Relief Society presidency. Sa mga pagpupulong na ito, tinatalakay nila ang mga kakayahan ng mga young single adult at kung paano tutugunan ang kanilang mga pangangailangan. Pinagtutuunan din nila ang pagmiminister sa mga young single adult.

14.2

Pakikibahagi sa Gawain ng Kaligtasan at Kadakilaan

14.2.1

Pagsasabuhay ng Ebanghelyo ni Jesucristo

14.2.1.1

Home Evening at Pag-aaral ng Ebanghelyo

Ang mga lider o miyembro na nagnanais na makibahagi ay maaaring mag-organisa ng isa o higit pang mga home evening group para sa mga single adult at iba pang mga grupo para sa mga young single adult.

14.2.1.3

Mga Aktibidad

Sa ilalim ng pamamahala ng mga lider ng ward o stake, ang mga young single adult ay maaaring magplano ng at makibahagi sa mga aktibidad na para lamang sa kanila. Maaaring kabilang sa mga halimbawa ang:

  • Pagpunta sa templo.

  • Gawain sa family history.

  • Pagbabahagi ng ebanghelyo.

  • Paglilingkod sa komunidad.

  • Musika at cultural event.

  • Sports.

Sa ilalim ng pamamahala ng mga lider ng stake, ang mga single adult ay maaaring magplano ng katulad na mga aktibidad sa stake level.