“19. Musika,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).
“19. Musika,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk
19.
Musika
19.1
Layunin ng Musika sa Simbahan
Ang sagradong musika ay nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo. Inaanyayahan nito ang Espiritu at nagtuturo ng doktrina. Ito rin ay nagdadala ng diwa ng pagpipitagan, pinagkakaisa ang mga miyembro, at nagbibigay ng paraan para sambahin ang Ama sa Langit at si Jesucristo.
19.2
Musika sa Tahanan
Sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta, hinikayat ng Panginoon ang mga indibiduwal at pamilya na gamitin ang nakasisiglang musika sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Ang mga nakarekord na musika ng Simbahan ay makukuha mula sa mga sumusunod:
-
Sacred Music app
-
Gospel Library app
-
Mga CD sa store.ChurchofJesusChrist.org
19.3
Musika sa mga Miting ng Simbahan
19.3.1
Pagpaplano ng Musika para sa mga Miting ng Simbahan
Ang mga ward at stake music coordinator ay nakikipagtulungan sa mga priesthood leader para sa pagpaplano ng musika para sa mga serbisyo sa pagsamba. Pumipili sila ng musika na nagpapaibayo sa diwa ng pagsamba sa mga pagpupulong.
19.3.2
Musika sa Sacrament Meeting
Kabilang sa musika sa sacrament meeting ang pag-awit ng kongregasyon ng mga himno sa pagsisimula at pagwawakas ng pulong at bago pangasiwaan ang sakramento. Ang himno para sa sakramento ay dapat na tumutukoy sa mismong sakramento o sa sakripisyo ng Tagapagligtas.
Ang pambungad na saliw ng musika ay tinutugtog habang nagtitipon ang mga miyembro bago magsimula ang pulong. Pagkatapos ng pangwakas na panalangin, isang instrumental na musika ang tinutugtog habang nililisan ng mga miyembro sa pulong.
Maaari ding kabilang sa sacrament meeting ang pag-awit ng isang karagdagang himnong pangkongregasyon sa gitna ng pulong—halimbawa, sa pagitan ng mga nagbibigay ng mensahe.
19.3.3
Musika sa mga Klase at Iba pang mga Miting ng Ward
Hinihikayat ng mga lider ang mga guro na gamitin ang mga himno at iba pang sagradong musika para mapahusay ang kanilang pagtuturo.
19.3.6
Mga Instrumentong Pangmusika
Karaniwang ginagamit ang mga instrumentong pangmusika para sa pambungad at pangwakas na saliw ng musika at para sa pag-awit ng himno sa mga miting ng Simbahan. Ang organ at piano ang pamantayang instrumento kung mayroon nito at kung may mga miyembro na marunong tumugtog ng mga ito. Maaaring aprubahan ng mga bishopric ang paggamit ng iba pang instrumento para sa pag-awit ng kongregasyon, pambungad at pangwakas na saliw ng musika, at sa iba pang piniling musika.
Kung walang piano, organ, o accompanist, maaaring gumamit ng angkop na mga recording (tingnan sa 19.2).
19.3.7
Mga Choir
19.3.7.1
Mga Ward Choir
Kung saan mayroong sapat na bilang ng mga miyembro, ang mga ward ay maaaring mag-organisa ng mga choir na regular na aawit sa mga sacrament meeting.
Bukod sa ward choir, maaari ding anyayahang umawit sa mga miting ng Simbahan ang mga pamilya at mga grupo ng kababaihan, kalalakihan, kabataan, o mga bata.
19.4
Pamumuno sa Musika sa Ward
19.4.1
Bishopric
Ang bishop ang responsable para sa musika sa ward. Maaari niyang iatas ang responsibilidad na ito sa isa sa kanyang mga counselor.
19.4.2
Ward Music Coordinator
Ang ward music coordinator ay naglilingkod sa ilalim ng pamamahala ng bishopric. Responsibilidad niya ang mga sumusunod:
-
Maging sanggunian ng bishopric at ng iba pang lider ng ward sa mga usaping may kinalaman sa musika.
-
Makipagtulungan sa bishopric sa pagpaplano ng musika para sa mga sacrament meeting (tingnan sa 19.3.1 at 19.3.2).
-
Kapag hiniling ng bishopric, magrekomenda ng mga miyembro na maglilingkod sa mga calling sa ward na may kinalaman sa musika. Magbigay ng oryentasyon sa mga naglilingkod sa mga calling na ito, nagbibigay ng suporta, pagtuturo, at pagsasanay kung kailangan.
19.4.3
Karagdagang mga Calling
Ang bishopric ay maaaring tumawag ng mga miyembro na maglilingkod sa mga sumusunod na calling.
19.4.3.1
Ward Music Leader
Ang music leader ang kumukumpas sa pag-awit ng mga himnong pangkongregasyon sa mga sacrament meeting at iba pang mga pulong ng ward ayon sa kahilingan.
19.4.3.2
Ward Accompanist
Ang ward accompanist ang naglalaan ng pambungad at pangwakas na saliw ng musika at saliw para sa mga himno sa sacrament meeting at sa iba pang mga pulong ng ward ayon sa kahilingan.
19.7
Mga Karagdagang Patakaran at Tuntunin
19.7.2
Paggamit ng mga Instrumento sa Meetinghouse para sa Pagsasanay, Pribadong Pagtuturo, at mga Recital
Kapag walang makatuwirang alternatibo, maaaring pahintulutan ng mga priesthood leader ang paggamit ng mga piano at organ sa meetinghouse para sa pagsasanay, pribadong pagtuturo na may bayad, at mga recital na kasali ang mga miyembro ng mga unit na gumagamit ng meetinghouse.