“20. Mga Aktibidad,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).
“20. Mga Aktibidad,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk
20.
Mga Aktibidad
20.1
Mga Layunin
Pinagsasama-sama ng mga aktibidad ng Simbahan ang mga miyembro at iba pa bilang “mga kapwa mamamayan ng mga banal” (Efeso 2:19). Maaaring kabilang sa mga layunin para sa mga aktibidad ang mga sumusunod:
-
Bumuo ng pananampalataya kay Jesucristo.
-
Magkaroon ng mga pagkakataong magsaya at bumuo ng pagkakaisa.
-
Magkaroon ng mga pagkakataon para sa personal na pag-unlad.
-
Palakasin ang mga indibiduwal at pamilya.
-
Tulungan ang mga miyembro na makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan (tingnan sa 1.2).
20.2
Pagpaplano ng mga Aktibidad
Bago magplano ng isang aktibidad, isinasaalang-alang ng mga lider ang mga espirituwal at temporal na pangangailangan ng mga miyembro. Hinahangad ng mga lider ang patnubay ng Espiritu kapag nagpapasiya kung anong uri ng aktibidad ang makatutulong na matugunan ang mga pangangailangang iyon.
20.2.1
Responsibilidad sa Pagpaplano ng mga Aktibidad
Ang mga aktibidad ng ward ay maaaring planuhin sa alinman sa mga sumusunod na paraan, ayon sa mga lokal na pangangailangan:
-
Maaaring pamahalaan ng ward council ang pagpaplano.
-
Maaaring atasan ng ward council ang partikular na mga organisasyon na tumulong sa pagpaplano ng isa o higit pang mga aktibidad.
-
Kapag kailangan at kung saan may sapat na bilang ng mga miyembro, ang bishopric ay maaaring mag-organisa ng isang ward activities committee.
Para sa impormasyon tungkol sa pagpaplano ng mga aktibidad ng mga kabataan sa ward, tingnan ang 10.2.1.3 at 11.2.1.3.
20.2.2
Anyayahan ang Lahat na Makibahagi
Dapat anyayahan ng mga nagpaplano ng mga aktibidad ang lahat, lalo na ang mga bagong miyembro, di-gaanong aktibong miyembro, kabataan, single adult, mga taong may kapansanan, at mga taong iba ang relihiyon.
Ang mga aktibidad ay hindi dapat maging pabigat sa mga lider at mga miyembro.
20.2.3
Mga Pamantayan
Ang mga aktibidad ng Simbahan ay dapat na nakapagpapasigla at nagbibigay-diin sa mga bagay na “marangal, kaaya-aya, o magandang balita o maipagkakapuri” (Mga Saligan ng Pananampalataya 1:13). Hindi dapat kasama sa mga aktibidad ang anumang bagay na salungat sa mga turo ng Simbahan.
20.2.6
Pagpopondo para sa mga Aktibidad
Karamihan sa mga aktibidad ay dapat simple at maliit lang ang gastos o walang gastos. Ang anumang mga gastusin ay dapat maagang aprubahan ng bishopric o stake presidency.
Ang mga miyembro ay karaniwang hindi dapat magbayad para makalahok sa mga aktibidad. Para sa mga patakaran at tuntunin sa pagpopondo ng mga aktibidad, tingnan ang 20.6.
20.4
Youth Conference
Simula sa Enero ng taon na sila ay magiging 14 na taong gulang, ang mga kabataang lalaki at kabataang babae ay inaanyayahang sama-samang makibahagi sa isang youth conference. Karaniwang idinaraos ang mga youth conference isang beses kada taon sa ward o stake level. Maaari ding idaos ang mga ito nang multistake o sa area level. Sa taon na ang mga kabataan ay dadalo sa isang FSY conference, ang mga stake at ward ay hindi dapat magdaos ng youth conference.
Ang mga ward youth conference ay pinaplano at isinasagawa ng ward youth council, sa ilalim ng pamamahala ng bishopric (tingnan sa 29.2.6). Hinihingi ng bishopric ang pag-apruba ng stake presidency para sa mga plano para sa isang ward youth conference.
Habang pinaplano ng mga lider at kabataan ang isang youth conference, dapat nilang sundin ang mga patakaran sa kabanatang ito at ang mga sumusunod na tuntunin:
-
Ang taunang tema ng Simbahan para sa mga kabataan ay maaaring gamitin bilang tema ng youth conference.
-
Magplano ng mga aktibidad na nakaayon sa tema.
-
Hingin ang pag-apruba ng bishopric o ng stake presidency para sa lahat ng tagapagsalita at aktibidad.
-
Tiyaking may sapat na bilang ng mga adult na magbabantay sa lahat ng oras (tingnan sa 20.7.1).
20.5
Mga Patakaran at Tuntunin para sa Pagpili at Pagpaplano ng mga Aktibidad
20.5.1
Komersyal o Pulitikal na mga Aktibidad
Hindi pinahihintulutan ang pagdaraos ng mga aktibidad na para sa anumang komersiyal o pulitikal na layunin (tingnan sa 35.5.2).
20.5.2
Mga Sayawan at Musika
Sa lahat ng sayawan, ang pananamit, ayos, ilaw, mga estilo ng pagsasayaw, mga titik, at musika ay dapat mag-ambag sa isang kapaligiran kung saan makakapanahan ang Espiritu ng Panginoon.
20.5.3
Mga Gabi ng Lunes
Ang mga miyembro ay hinihikayat na magdaos ng mga aktibidad ng pamilya tuwing Lunes o sa ibang mga araw. Hindi dapat magdaos ng mga aktibidad ng Simbahan, mga miting, o mga serbisyo sa binyag paglampas ng alas-6:00 n.g. ng Lunes.
20.5.5
Mga Magdamagang Aktibidad
Ang mga magdamagang aktibidad ng Simbahan para sa pinagsamang mga kabataang lalaki at kabataang babae ay dapat aprubahan ng bishop at stake president. Angkop din ito sa mga aktibidad na para sa mga miyembrong lalaki at babae na single o walang asawa.
Hindi inaaprubahan ang mga magdamagang aktibidad sa mga meetinghouse ng Simbahan o sa loob ng bakuran ng meetinghouse.
20.5.8
Pagpapapanatiling Banal ng Araw ng Sabbath
Hindi maaaring mag-iskedyul ng camping ng Simbahan, aktibidad sa sports, o mga aktibidad sa paglilibang sa araw ng Linggo. Hindi rin dapat maglakbay ang mga grupo ng kabataan at ang iba pa papunta o pabalik mula sa mga camping o youth conference sa araw ng Linggo.
20.5.10
Mga Pagbisita sa Templo
Ang mga pagbisita sa templo ay inoorganisa ng ward o stake na sakop ng nakatalagang temple district.
20.6
Mga Patakaran at Tuntunin para sa Pagpopondo ng mga Aktibidad
20.6.1
Mga Aktibidad na Binabayaran Gamit ang Pondo ng Budget ng Ward o Stake
Dapat gamitin ang pondo ng budget ng ward o stake para bayaran ang lahat ng aktibidad—maliban sa mga posibleng eksepsyon na nakalista sa 20.6.2.
20.6.2
Pagpopondo para sa mga Youth Camp
Kung ang budget ng ward o stake ay walang sapat na pondo para sa mga aktibidad na nakalista sa ibaba, maaaring hilingin sa mga lider sa mga kalahok na bayaran ang bahagi nito o ang lahat ng ito:
-
Isang pinalawig na taunang Aaronic Priesthood camp o katulad na aktibidad.
-
Isang pinalawig na taunang Young Women camp o katulad na aktibidad.
Hindi dapat labis-labis ang mga gastusin o paglalakbay para sa taunang camping. Ang kawalan ng personal na pondo ay hindi dapat maging dahilan para hindi makalahok ang isang miyembro.
20.6.3
Pagpopondo para sa mga FSY Conference
Maaaring hilingan ang mga kabataan na magbayad para makadalo sa mga For the Strength of Youth (FSY) conference. Kung ang halaga ng bayad ay magiging dahilan para hindi makadalo ang isang kabataan, maaaring gamitin ng bishop ang pondo ng budget ng ward para bayaran ang kabuuan o bahagi nito. Tingnan sa FSY.ChurchofJesusChrist.org.
20.6.5
Mga Fundraising Event
Ang mga gastusin para sa mga aktibidad ng stake at ward ay karaniwang binabayaran gamit ang pondo ng budget. Gayunman, maaaring pahintulutan ng stake president o bishop ang isang fundraising event bawat taon para sa mga sumusunod na layunin lamang:
20.7
Mga Patakaran at Tuntunin sa Kaligtasan para sa mga Aktibidad
20.7.1
Pagbabantay ng Adult
Dapat ay mayroong hindi bababa sa dalawang adult sa lahat ng aktibidad ng Simbahan na dinadaluhan ng mga bata at kabataan. Maaaring kailanganin ang karagdagang mga adult depende sa laki ng grupo, sa mga kasanayang kailangan sa aktibidad, at iba pang mga kadahilanan. Ang mga magulang ay hinihikayat na tumulong.
Ang lahat ng naglilingkod sa mga bata at kabataan ay dapat na kumpletuhin ang children and youth protection training. Tingnan sa ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org.
20.7.2
Mga Panuntunan sa Edad para sa Pakikibahagi sa mga Aktibidad ng Kabataan
Sa pagsang-ayon ng kanilang mga magulang, ang mga kabataan ay maaaring dumalo sa mga magdamagang camp simula sa Enero ng taong magiging 12 taong gulang sila. Maaari silang dumalo sa mga sayawan, youth conference, at FSY conference simula sa Enero ng taong magiging 14 na taong gulang sila.
20.7.4
Pahintulot ng Magulang
Ang mga bata at kabataan ay hindi maaaring dumalo sa isang aktibidad ng Simbahan kapag hindi nagbigay ng pahintulot ang kanilang mga magulang o tagapag-alaga. Kailangan ang nakasulat na pahintulot para sa mga aktibidad ng Simbahan na magdamagan, kinabibilangan ng mahabang paglalakbay, o may mas mataas na antas ng panganib kaysa sa karaniwang mga aktibidad.
Ibinibigay ng mga magulang at tagapag-alaga ang pahintulot na ito sa pamamagitan ng paglagda sa Permission and Medical Release form.
20.7.5
Mga Ulat ng Pang-aabuso
Ang anumang pang-aabuso na nangyari sa isang aktibidad ng Simbahan ay dapat isumbong sa mga awtoridad ng pamahalaan. Dapat kaagad na kontakin ang bishop. Ang mga tagubilin para sa mga miyembro ay nasa 38.6.2.7. Ang mga tagubilin para sa mga bishop ay nasa 38.6.2.1.
20.7.6
Mga Pag-iingat, Pag-tugon sa Aksidente, at Pagrereport ng Aksidente
20.7.6.1
Mga Pag-iingat
Maingat na sinusuri ng mga lider at mga kalahok ang mga aktibidad upang matiyak na maliit ang posibilidad na may masaktan o magkasakit. Dapat maliit lang din ang posibilidad na may mapinsalang ari-arian sa mga aktibidad. Sa mga oras ng aktibidad, ginagawa ng mga lider ang lahat upang matiyak ang kaligtasan.
20.7.6.2
Pagtugon sa Aksidente
Kung may nangyaring aksidente o may nasaktan sa loob ng pag-aari ng Simbahan o sa isang aktibidad ng Simbahan, dapat sundin ng mga lider ang mga sumusunod na tuntunin, kung naaangkop:
-
Magbigay ng paunang lunas o first aid. Kung kailangan ng isang tao ng karagdagang pangangalagang medikal, kontakin ang emergency medical services. Kontakin din ang magulang, tagapag-alaga, o iba pang kamag-anak at ang bishop o stake president.
-
Kung may taong nawawala o namatay, kontakin kaagad ang pulisya.
-
Magbigay ng emosyonal na suporta.
-
Huwag hikayatin kapwa ang pagsasampa o hindi pagsasampa ng kaso. Huwag gumawa ng anumang pangako para sa Simbahan.
-
Tipunin at itabi ang mga pangalan ng mga saksi, kanilang mga contact information, mga tala ng nangyari, at mga larawan.
-
I-report ang aksidente (tingnan 20.7.6.3).
20.7.6.3
Pagrereport ng Aksidente
Ang mga sumusunod na sitwasyon ay dapat i-report online sa incidents.ChurchofJesusChrist.org.
-
May naaksidente o nasaktan sa loob ng pag-aari ng Simbahan o sa isang aktibidad ng Simbahan.
-
Nawawala ang isang taong kalahok sa isang aktibidad ng Simbahan.
-
May napinsalang ari-arian na pribado, pampubliko, o pag-aari ng Simbahan sa isang aktibidad ng Simbahan.
-
May banta ng o inaasahan ang pagsasampa ng kaso.
Kung may taong malubhang nasaktan, namatay, o nawala sa isang kaganapan, kaagad na aabisuhan ng stake president, bishop, o ng isang taong inatasan niya ang area office.
20.7.6.4
Insurance at mga Tanong
Kung may nasaktan sa isang kaganapan sa Simbahan, tinutukoy ng mga lider kung naaangkop ang Church Activity Medical Assistance program.
Sa ilang pagkakataon, maaaring may mga tanong ang stake president o bishop tungkol sa kaligtasan o sa mga paghahabol laban sa Simbahan. Isinasangguni ng stake president (o ng isang bishop na nasa ilalim ng kanyang pamamahala) ang mga tanong na ito sa Risk Management Division o sa area office.
20.7.7
Paglalakbay
Dapat aprubahan ng bishop o stake president ang paglalakbay para sa mga aktibidad ng Simbahan. Hindi dapat maging pabigat sa mga miyembro ang paglalakbay na ito. Hindi hinihikayat ang malayuang paglalakbay para sa mga aktibidad.
Kapag maaari, ang mga grupo sa Simbahan ay dapat gumamit ng komersyal na transportasyon para sa malayuang paglalakbay. Ito ay dapat lisensyado at protektado ng liability insurance.
Kapag naglalakbay ang mga grupo ng Simbahan sa mga pribadong sasakyan, ang bawat sasakyan ay dapat nasa ligtas na kondisyon. Ang bawat tao ay dapat gumamit ng seat belt. Bawat nagmamaneho ay dapat na lisensyado at responsableng adult.