“24. Pagrekomenda at Paglilingkod ng mga Missionary,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).
“24. Pagrekomenda at Paglilingkod ng mga Missionary,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk.
24.
Pagrekomenda at Paglilingkod ng mga Missionary
24.0
Pambungad
Noong unang panahon, iniutos ng Panginoon na tipunin ang Israel sa “lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo” (Mateo 28:19; tingnan din sa talata 20). Pinanibago ng Panginoon ang utos na iyan sa mga huling araw na ito (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 39:11; 68:6–8; 112:28–30).
Ang paglilingkod sa Panginoon bilang missionary ay isang sagradong pribilehiyo. Naghahatid ito ng walang hanggang mga pagpapala sa tao at sa kanyang mga pinaglilingkuran (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 18:14–16).
Hinihiling ng Panginoon sa lahat ng karapat-dapat at may kakayahang binata na maghanda para sa misyon at maglingkod sa misyon.
Malugod ring tinatanggap ng Panginoon ang mga karapat-dapat at may kakayahang kabataang babae na magmisyon kung nais nila.
Kailangan din ang mga senior missionary at sila ay hinihikayat ding maghandang maglingkod.
24.1
Ang Tawag na Maglingkod
Ang mga missionary ay kumakatawan sa Panginoon at kailangang tawagin sa pamamagitan ng wastong awtoridad (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 42:11; Mga Saligan ng Pananampalataya 1:5). Ang tawag na magmisyon ay karaniwang ibinibigay ng Pangulo ng Simbahan. Para sa mga senior service missionary, ang tawag ay ibinibigay ng stake president.
24.2
Mga Missionary Assignment
Ang tawag na maglingkod bilang missionary ay kinabibilangan ng isang partikular na assignment. Ang mga assignment na ito ay iba-iba.
24.2.1
Mga Bata pang Teaching Missionary
Karamihan sa mga bata pang missionary ay inaatasang ituro ang ebanghelyo nang malayo sa tahanan. Ang mga assignment na ito ay ibinibigay sa pamamagitan ng paghahayag sa mga Apostol. Ang mga missionary na ito ay naglilingkod sa ilalim ng pamamahala ng isang mission president.
24.2.2
Mga Bata pang Service Missionary
May ilang bata pang missionary na inaatasan na maglingkod sa Simbahan at sa komunidad habang nakatira sila sa kanilang tahanan. Ang mga assignment na ito ay ibinibigay sa pamamagitan ng paghahayag sa mga Apostol at ibinibigay sa mga magmimisyon na ang mga sitwasyon sa buhay ay pinakaakma para sa isang service mission (tingnan sa 24.3.3).
24.2.3
Mga Senior Missionary
Lahat ng senior missionary ay hinihikayat na maghanap ng mga taong tuturuan at tulungan ang mga itong maghanda para sa binyag. Maaari ding atasan ang mga senior missionary na suportahan ang:
-
Mga miyembro, mga lider ng area, at mga lokal na lider.
-
Mga departamento at pasilidad ng Simbahan.
-
Mga organisasyong pangkawanggawa.
Ang mga senior missionary ay hindi hinihilingang tularan ang ginagawa ng mga nakababata pang missionary sa haba ng oras ng paglilingkod, mga aktibidad, at mga inaasahan.
Ang mga assignment para sa mga senior missionary ay ibinibigay sa pamamagitan ng paghahayag sa mga Apostol. Ang mga miyembrong maglilingkod ay maaaring magpahayag ng kagustuhan para sa isang assignment ngunit dapat handa silang tanggapin ang anumang assignment.
24.2.4
Mga Senior Service Missionary
Bukod pa sa mga calling sa kanilang home ward o stake, ang mga miyembro ay maaaring maglingkod sa Panginoon bilang mga senior service missionary. Ang mga missionary na ito ay nagbibigay ng mahalagang paglilingkod sa mga departamento, pasilidad, at mission ng Simbahan (tingnan sa 24.7.1). Nakatira sila sa kanilang sariling tahanan.
Ang mga senior service missionary ay tinatawag ng stake president. Naglilingkod sila sa ilalim ng kanyang pamamahala. Ang haba ng oras ng kanilang paglilingkod sa isang linggo ay nakadepende sa kanilang kakayahan, mga oportunidad na maglingkod sa kanilang lugar, at sa patnubay mula sa Area Presidency.
24.2.5
Buod ng mga Missionary Assignment
Ibinubuod ng sumusunod na table ang mga uri ng missionary assignment.
Nakababata pang Teaching Missionary |
Nakababata pang Service Missionary |
Senior Missionary |
Senior Service Missionary | |
---|---|---|---|---|
Ay tinatawag ng | Nakababata pang Teaching Missionary Pangulo ng Simbahan | Nakababata pang Service Missionary Pangulo ng Simbahan | Senior Missionary Pangulo ng Simbahan | Senior Service Missionary Stake president |
Ay binibigyan ng assignment ng | Nakababata pang Teaching Missionary Isang Apostol | Nakababata pang Service Missionary Isang Apostol | Senior Missionary Isang Apostol | Senior Service Missionary Stake president |
Sine-set apart ng | Nakababata pang Teaching Missionary Stake president | Nakababata pang Service Missionary Stake president | Senior Missionary Stake president | Senior Service Missionary Stake president o counselor |
Nakatira | Nakababata pang Teaching Missionary Malayo sa tahanan | Nakababata pang Service Missionary Sa tahanan | Senior Missionary Malayo sa tahanan o sa tahanan | Senior Service Missionary Sa tahanan |
Lider sa Simbahan | Nakababata pang Teaching Missionary Mission president o historic site president | Nakababata pang Service Missionary Stake president | Senior Missionary Mission, temple, o historic site president; o Area President | Senior Service Missionary Stake president |
Nagrereport sa | Nakababata pang Teaching Missionary Mission president o historic site president | Nakababata pang Service Missionary Service mission leader | Senior Missionary Mission, temple, o historic site president; Area President; visitors’ center director; o sa manager ng departamento o pasilidad ng Simbahan | Senior Service Missionary Manager ng service assignment |
Mga requirement sa edad | Nakababata pang Teaching Missionary 18–25 (kalalakihan) | Nakababata pang Service Missionary 18–25 (kalalakihan) | Senior Missionary 40 pataas kung may-asawa o kung sister na walang asawa | Senior Service Missionary edad 26 pataas |
24.3
Paghahanda at Paggiging Kwalipikado na Magmisyon
Hinihikayat ang mga prospective missionary na magmisyon dahil sa kanilang pagmamahal sa Panginoon at sa Kanyang mga anak. Dapat ay maging pamilyar sila sa missionary recommendation interview questions.
24.3.1
Pagbabalik-loob kay Jesucristo
Sinisikap ng mga prospective missionary na palakasin ang kanilang pagbabalik-loob kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo.
24.3.2
Pag-abot sa mga Pamantayan ng Pagkamarapat
Sinisikap ng mga prospective missionary na maging karapat-dapat sa patnubay ng Espiritu. Kailangan ito para sa epektibong paglilingkod bilang missionary (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 42:13–14).
24.3.2.1
Pagsisisi
Ang pagsisisi ay nangangailangan ng pananampalataya kay Cristo, pagkakaroon ng tunay na layunin, at pagsunod sa mga kautusan. Kabilang dito ang pagtatapat at pagtatatwa sa kasalanan. Para sa mabibigat na kasalanan, ang pagsisisi ay nangangailangan ng pagtatapat sa bishop o stake president.
Ang isang taong nagsisisi ay pinatatawad at nililinis sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala at biyaya ni Jesucristo. Hindi na naaalala ng Panginoon ang kasalanan. (Tingnan sa Isaias 43:25; Jacob 6:5; Alma 34:15–17; Helaman 5:10–11; Doktrina at mga Tipan 58:42–43. Tingnan din sa 32.1 ng hanbuk na ito.)
Ang isang maglilingkod bilang missionary ay kailangang napagsisihan na ang mabibigat na kasalanan bago isumite ng stake president ang kanyang rekomendasyon (tingnan sa 32.6; tingnan din sa 24.4.4). Ang proseso ng pagsisisi ay kinapapalooban ng sapat na panahon para maipakita ng tao sa pamamagitan ng matwid na pamumuhay na natanggap niya ang espiritu ni Cristo tungo sa kapatawaran ng mga kasalanan.
24.3.3
Pisikal, Mental, at Emosyonal na Kalusugan
Mahirap ang gawaing misyonero. Ang mga nakababata pang teaching missionary ay kailangang handa sa pisikal, mental, at emosyonal na aspekto ng buhay para lubos na makapaglingkod ayon sa iskedyul ng missionary.
24.3.4
Pananalapi
24.3.4.1
Pagtustos sa mga Nakababata pang Missionary na Naglilingkod nang Malayo sa Tahanan
Ang mga nakababata pang maglilingkod bilang missionary na naghanda ayon sa kanilang kakayahan ay hindi dapat ipagpaliban ang paglilingkod nang dahil sa pera. Ang mga nangangailangan ng tulong pinansiyal para magtugunan ang inaasahang pangakong kontribusyon ay maaaring makakuha ng tulong mula sa mga kamag-anak at mga kaibigan.
Kung kailangan pa rin, maaaring hilingin ng bishop o stake president sa mga miyembro ng ward o stake na mag-ambag sa ward missionary fund.
Hindi maaaring gamitin para dito ang pondo ng budget ng lokal na unit at handog-ayuno.
Buwanang pangakong kontribusyon. Ang mga nakababata pang teaching missionary at ang kanilang mga pamilya ay nag-aambag ng partikular na halaga bawat buwan para makatulong na mabayaran ang mga gastusin ng missionary program.
Ang mga kontribusyon ay ipinapasok sa ward missionary fund. Tinitiyak ng mga bishop na ang pondo ay iniaambag bawat buwan. Ang pondo na lampas sa buwanang halaga ay hindi dapat iambag nang maaga. Ang pondong iniambag nang maaga ay hindi maaaring isauli kung ang missionary ay umuwi nang maaga.
Mga gastusin sa mission field. Bawat buwan, ang mga bata pang missionary ay tumatanggap ng pondo mula sa mission para sa pagkain, transportasyon, at iba pang mga pang-araw-araw na gastusin. Ang pondong ito ay sagrado. Ginagamit lamang ng mga missionary ang mga ito para sa mga layuning may kaugnayan sa misyon. Ito ay hindi dapat gamitin para sa personal na mga gastusin, ipunin, o ipadala sa mga kapamilya at iba pa. Ibinabalik ng mga missionary sa mission ang anumang pondo na hindi nila kailangan.
Ginagamit ng mga missionary ang personal na pondo para mabayaran ang iba pang mga gastusin. Ang mga personal na gastusing ito ay dapat kaunti lamang. (Tingnan sa Mga Pamantayan ng Missionary para sa mga Disipulo ni Jesucristo, 4.8.)
24.3.4.2
Pagtustos sa mga Senior Missionary na Naglilingkod nang Malayo sa Tahanan
Buwanang pangakong kontribusyon. Ang mga senior missionary na naglilingkod nang malayo sa tahanan ay nag-aambag sa missionary fund ng kanilang home ward bawat buwan. Ang mga kontribusyong ito ay tumutulong na matugunan ang mga gastusin sa tirahan at sasakyan.
Tinitiyak ng mga bishop na ang pondo ay iniaambag bawat buwan. Ang pondo na lampas sa buwanang halaga ay hindi dapat iambag nang maaga.
Mga karagdagang gastusin. Bukod pa sa buwanang pangakong kontribusyon, na tumutulong na matustusan ang mga gastusin sa tirahan at sasakyan, dapat lubos na matustusan ng mga senior missionary ang iba pang mga gastusin, kabilang na ang pagkain.
24.3.4.3
Pagtustos sa mga Missionary na Naglilingkod sa Tahanan
Ang mga missionary na naglilingkod sa tahanan ang responsable sa lahat ng kanilang pinansiyal na pangangailangan.
24.3.4.4
Medical Insurance at mga Gastusin sa Pagpapagamot
Lahat ng missionary ay lubos na hinihikayat na panatilihin ang kanilang umiiral na medical insurance kung maaari, kabilang na ang mga bata pang missionary.
Ang mga missionary na naglilingkod sa tahanan ay kailangang maglaan ng medical insurance at iba pang insurance para sa kanilang sarili. Ang mga senior missionary na naglilingkod nang malayo sa tahanan ay dapat ding maglaan ng ganitong insurance para sa kanilang sarili. Ang mga senior missionary na maglilingkod sa labas ng kanilang bansa ay maaaring makakuha ng insurance sa pamamagitan ng Senior Service Medical Plan.
24.3.5
Papel na Ginagampanan ng mga Miyembro ng Pamilya at mga Lider sa Paghahanda sa mga Missionary
Tinutulungan ng mga miyembro ng pamilya, bishop, at iba pang lider ang mga kabataan na maghandang magmisyon.
Hinihikayat ng mga miyembro ng pamilya at mga lider ang lahat ng maglilingkod bilang missionary na pag-aralan ang:
-
Ang Aklat ni Mormon at iba pang mga banal na kasulatan.
Tinutulungan ng mga miyembro ng pamilya at mga lider ang lahat ng maglilingkod bilang missionary na mangakong susundin nila ang mga pamantayan ng missionary. Hinihikayat nila ang mga maglilingkod bilang missionary na pag-aralan ang hanbuk ng pamantayan ng missionary na nauukol sa kanilang malamang na maging assignment:
-
Para sa mga nakababata pang teaching missionary: Mga Pamantayan ng Missionary para sa mga Disipulo ni Jesucristo
24.4
Pagrerekomenda ng mga Missionary
24.4.1
Mga Pagsusuri sa Kalusugan
Lahat ng maglilingkod bilang missionary ay kinakailangang magpunta sa mga propesyonal sa larangan ng medisina para masuri ang kanilang kalusugan para sa paglilingkod.
24.4.2
Mga Interbyu at mga Recommendation Form
Ang bishop at stake president ay nagsasagawa ng masusi, espirituwal na nagsasaliksik, at nakasisigla na mga interbyu sa bawat maglilingkod bilang missionary. Ginagamit nila ang missionary recommendation interview questions.
Nirerebyu din ng bishop at stake president ang impormasyon tungkol sa mga pamantayan ng pagkamarapat at kalusugan sa Missionary Online Recommendation System. Ang bishop at stake president ay hindi nagdaragdag ng anumang pamantayan sa pagiging karapat-dapat. Hindi rin nila binabago ang mga tanong sa interbyu.
Kung ang bishop at stake president ay mayroong pag-aalinlangan o tanong tungkol sa pagkamarapat ng taong maglilingkod bilang missionary o tungkol sa kahandaan ng kanyang kalusugan, sila ay sasangguni sa isa’t isa at sa tao. Sa pahintulot ng isang nakababata pang maglilingkod bilang missionary, maaari din silang sumangguni sa kanyang mga magulang. Hindi isinusumite ng bishop at stake president ang rekomendasyon hangga’t hindi napagsisihan ng tao ang mabigat na kasalanan (tingnan sa 24.3.2.1). Depende sa pisikal, mental, o emosyonal na kalusugan ng tao, maaari nilang talakayin ang posibilidad na maitalaga ito bilang service missionary.
Sa napakahalagang mga pagkakataon na wala ang bishop o stake president, maaari niyang iawtorisa ang isa sa kanyang mga counselor na isagawa ang mga interbyu na ito.
Sa mga district, ang mission president o isang inatasang counselor ang nag-iinterbyu at nagrerekomenda ng mga maglilingkod bilang missionary. Hindi isinasagawa ng mga district president ang mga interbyung ito.
24.4.4
Mga Hindi Kayang Maglingkod bilang mga Full-Time Missionary
Kung minsan, ang isang miyembrong nagnanais na maglingkod ay hindi maaaring tawagin para maglingkod bilang full-time missionary. Maaaring dahil ito sa mga hamon sa kalusugan, hindi pagkaabot sa mga pamantayan ng pagkamarapat, mga isyung legal, o iba pang mga sitwasyon. Maaari siyang pahintulutan ng stake president na hindi maglingkod bilang full-time missionary.
24.5
Pagkatapos Matanggap ang Tawag na Magmisyon
Ang mga bagong tawag na missionary ay hinihikayat na basahin o basahing muli ang Aklat ni Mormon bago nila simulan ang kanilang misyon. Sinusunod nila ang payo ni Haring Benjamin na: “[bantayan] ang inyong sarili, at ang inyong mga isipan, at ang inyong mga salita, at ang inyong mga gawa,” (Mosias 4:30).
24.5.1
Endowment sa Templo at Paglilingkod sa Templo
Kung hindi pa natanggap ng mga bagong tawag na missionary ang ordenansa ng endowment sa templo, dapat nilang tanggapin ito bago nila simulan ang paglilingkod bilang missionary hangga’t maaari (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 43:15–16; 105:33). Kabilang dito ang mga service missionary kung angkop sa kanilang sitwasyon.
Ang mga bagong tawag na missionary na nakatanggap na ng endowment ay maaaring maglingkod bilang mga temple ordinance worker bago nila simulan ang kanilang paglilingkod bilang missionary kung naaangkop (tingnan sa 25.5).
24.5.2
Mga Sacrament Meeting
Inaanyayahan ng bishopric ang mga bagong tawag na missionary na magsalita sa sacrament meeting bago nila simulan ang kanilang misyon. Ito ay isang regular na sacrament meeting. Dapat itong nakauton sa sakramento at sa Tagapagligtas.
24.5.3
Pag-set Apart ng mga Missionary
Ang home stake president ang nagse-set apart sa bawat missionary sa pinakamalapit na petsa bago magsimula ang kanyang misyon. Sa napakahalagang mga pagkakataon na wala ang stake president, maaari niyang iawtorisa ang isa sa kanyang mga counselor na i-set apart ang mga missionary.
Ang mission president ang nagse-set apart sa mga missionary na tinawag mula sa mga district sa kanyang mission. Ang district president ay hindi nagse-set apart ng mga missionary.
Ang isang lalaki na maglilingkod nang malayo sa kanyang tahanan ay dapat munang matanggap ang Melchizedek Priesthood bago i-set apart bilang missionary. Ang isang lalaki na maglilingkod bilang service missionary ay dapat na hawak ang Melchizedek Priesthood kung angkop sa kanyang sitwasyon.
24.6
Paglilingkod nang Malayo sa Tahanan
24.6.2
Sa Mission Field
24.6.2.5
Mga Kahilingan para Suportahan ang Iba sa Pananalapi o Pag-aaral o Pangingibang-bansa
Ang mga missionary at kanilang pamilya ay hindi dapat magbigay ng pinansiyal na suporta para sa mga taong nakatira sa lugar kung saan naglilingkod ang mga missionary, kabilang na ang pinansiyal na suporta para sa pag-aaral. Ang mga missionary at kanilang mga pamilya ay hindi rin dapat maging sponsor ng mga taong nais mangibang-bansa (tingnan sa 38.8.19).
24.6.2.8
Mga Membership Record at Ikapu
Nananatili sa home ward ng isang missionary ang kanyang membership record. Ang home ward din ang nagtatala ng kanyang tithing status. Ang mga missionary ay hindi nagbabayad ng ikapu para sa pondong natatanggap nila mula sa mission. Gayunman, nagbabayad sila ng ikapu kung mayroon silang personal na kita.
24.6.3
Pag-uwi mula sa Mission
24.6.3.1
Pag-uwi ayon sa Orihinal na Iskedyul
Ang mga missionary at kanilang mga kapamilya ay hindi dapat humiling ng maagang pag-release o pagpapahaba ng paglilingkod para sa personal na kaginhawahan.
Ang mga nakababata pang missionary ay dapat diretsong umuwi mula sa kanilang misyon. Ang iba pang pagbibiyahe ay inaaprubahan lamang kapag kasama ng missionary ang isang magulang o tagapag-alaga.
Ang mga missionary ay hindi inire-release hangga’t hindi sila nagrereport sa kanilang stake president. Sinusunod nila ang mga pamantayan ng missionary hanggang sa panahong iyon.
24.6.3.2
Pag-uwi nang Maaga
Ang ilang missionary ay maagang inire-release dahil sa kalusugan, pagkamarapat, o iba pang mga kadahilanan. Ang mga bishop at stake president ay nagbibigay ng espesyal na suporta sa mga returned missionary na ito. Tinutulungan sila ng mga lider na bumuti ang kanilang kalusugan o bumalik sa paglilingkod kung maaari.
24.7
Mga Service Mission
24.7.1
Pagtukoy ng mga Oportunidad para sa mga Service Missionary
Ang bishop, stake president, at service missionary ay nagsanggunian upang matukoy ang mga lokal na oportunidad para sa paglilingkod. Para sa mga bata pang service missionary, nakikibahagi sa talakayan ang isang service mission leader at mga magulang o tagapag-alaga ng missionary.
24.8
Pagkatapos ng Paglilingkod ng Missionary
24.8.2
Missionary Release Interview
Ang stake president ang nagre-release sa mga missionary at nagsasagawa ng release interview. Sa mga district, karaniwang ang mission president o isang inatasang counselor ang nagre-relase sa mga missionary.
Maaaring makatulong ang sumusunod na mga tuntunin para sa interbyu na ito.
-
Hikayatin silang magpatuloy bilang disipulo ni Jesucristo habambuhay.
-
Payuhan sila na ipagpatuloy ang mabubuting gawi na natutuhan nila bilang missionary.
-
Hikayatin silang pag-isipan at paghandaan ang hinaharap, kabilang na ang edukasyon at trabaho para sa mga nakababata pang missionary.
-
Hikayatin sila na palaging mamuhay nang marapat para sa temple recommend.
24.8.4
Mga Calling
Kaagad na binibigyan ng mga lider ng mga ministering assignment at calling ang mga bagong na-release na missionary. Kabilang dito ang pagsasaalang-alang sa kanila na maging temple ordinance worker kung naaangkop (tingnan sa 25.5).
24.9
Resources para sa Pagrekomenda at Paglilingkod ng mga Missionary
24.9.2
Mga Website
-
MissionaryRecommendations.ChurchofJesusChrist.org (para lamang sa mga lokal na lider at mga maglilingkod bilang missionary)