“26. Mga Temple Recommend,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).
“26. Mga Temple Recommend,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk
26.
Mga Temple Recommend
26.0
Pambungad
Ang pagpasok sa bahay ng Panginoon ay isang sagradong pribilehiyo. Hinihikayat ng mga lider ng ward at stake ang lahat ng miyembro na maging karapat-dapat sa at magkaroon ng current temple recommend kahit na hindi sila nakatira malapit sa templo.
Ginagawa ng mga lider ng Simbahan ang lahat para masiguro na lahat ng papasok sa bahay ng Panginoon ay karapat-dapat na gawin ito (tingnan sa Mga Awit 24:3–5).
Ang mga miyembro ay kailangang mayroong current temple recommend para makapasok sa templo.
Ang isang bishop ay sumasangguni sa kanyang stake president kung may mga tanong siya tungkol mga temple recommend na hindi nasagot sa kabanatang ito. Maaaring kontakin ng stake president ang Office of the First Presidency kung may mga tanong siya.
26.1
Uri ng mga Temple Recommend
Mayroong tatlong uri ng recommend:
-
Temple recommend para sa mga miyembrong hindi pa nakatanggap ng endowment. Ang mga recommend na ito ay para sa mga miyembrong hindi pa nakatanggap ng endowment na ibubuklod sa kanilang mga magulang o magsasagawa ng mga proxy na binyag at kumpirmasyon. Ibinibigay ang mga ito sa pamamagitan ng Leader and Clerk Resources (LCR). Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 26.4.
-
Temple recommend para sa mga ordenansa para sa buhay. Ang mga recommend na ito ay para sa mga miyembrong tatanggap ng sarili nilang endowment o ibubuklod sa asawa. Ang recommend para sa mga ordenansa para sa buhay ay nakalakip sa regular na temple recommend para sa mga miyembrong nakatanggap na ng endowment (inilalarawan sa ibaba).
-
Temple recommend para sa mga miyembrong nakatanggap na ng endowment. Ang mga recommend na ito ay para sa mga miyembro na nakatanggap na ng endowment. Ang mga ito ay ibinibigay sa pamamagitan ng LCR. Pinahihintulutan nito ang isang miyembro na makibahagi sa lahat ng mga ordenansa sa templo para sa mga yumao na. Ginagamit din ito kapag ang isang miyembrong nakatanggap na ng endowment ay ibubuklod sa buhay o yumao na mga magulang o anak. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 26.3.
26.2
Pag-iingat sa mga Temple Recommend
26.2.1
Pag-iingat ng mga Priesthood Leader sa mga Temple Recommend
Ang mga priesthood leader na awtorisadong hawakan ang mga aklat ng temple recommend ay dapat maingat na pangalagaan ang mga ito.
Tinitiyak din ng mga priesthood leader na ang mga di-awtorisadong indibiduwal ay walang access sa impormasyon tungkol sa temple recommend sa LCR.
26.2.2
Nawala o Ninakaw na mga Recommend
Sinasabihan ng mga bishop ang mga miyembro na abisuhan siya sa lalong madaling panahon kapag ang kanilang recommend ay nawala o ninakaw. Ginagamit niya o ng isang inatasang counselor ang LCR para kanselahin ang recommend sa lalong madaling panahon. Kung hindi magagamit ang LCR, kokontakin ng bishop ang opisina ng templo para kanselahin ang recommend.
26.2.3
Mga May Hawak na Recommend na Hindi Namumuhay Ayon sa mga Pamantayan ng Pagkamarapat
Kung natukoy ng bishop na ang isang miyembrong may current temple recommend ay hindi ipinamumuhay ang mga pamantayan ng pagkamarapat (tingnan sa 26.3), hihingin niya sa miyembro ang recommend nito. Ginagamit niya ang LCR para kanselahin ang recommend. Kung hindi magagamit ang LCR, kokontakin ng bishop ang opisina ng templo para kanselahin ang recommend.
26.3
Mga Pangkalahatang Tuntunin sa Pagbibigay ng mga Temple Recommend
Dapat lamang magbigay ng recommend ang mga lider kung maayos na nasagot ng miyembro ang mga tanong para sa temple recommend.
Sa mga stake, isang miyembro ng stake presidency o isang stake clerk ang nag-aactivate ng temple recommend sa LCR matapos itong ibigay. Sa mga district, isang miyembro ng mission presidency o isang mission clerk ang nag-aactivate ng recommend. Ang mga recommend para sa mga proxy na binyag at kumpirmasyon ay awtomatikong naa-activate kapag nai-print na ito ng isang miyembro ng bishopric o ng branch president.
26.3.1
Mga Interbyu para sa Temple Recommend para sa mga Miyembro na nasa mga Ward at Branch
Sa isang ward, ang bishop o isang naatasang counselor ang magsasagawa ng mga interbyu para sa temple recommend at nagbibigay ng mga recommend sa mga taong karapat-dapat. Sa isang branch, ang branch president lamang ang nagsasagawa ng mga interbyu para sa temple recommend at nagbibigay ng mga temple recommend.
Sa isang ward, personal na iniinterbyu ng bishop ang mga miyembro na:
-
Tatanggap ng kanilang sariling endowment (tingnan sa 27.1 at 27.2).
-
Ibubuklod sa kanilang asawa (tingnan sa 27.3).
Sa napakahalagang mga pagkakataon na wala ang bishop, maaari niyang iawtorisa ang isa sa kanyang mga counselor na isagawa ang mga interbyu na ito.
Bago magbigay ng recommend sa mga sitwasyon na nakalista sa itaas, nirerebyu muna ng bishop ang membership record ng miyembro para matiyak na wala itong tala tungkol sa mga restriksyon sa pagkamiyembro sa Simbahan. Para sa mga miyembrong tatanggap ng sarili nilang endowment o ibubuklod sa asawa, tinitiyak din niya na:
-
Nakatala sa membership record ng miyembro ang kanyang binyag at kumpirmasyon.
-
Natanggap na ng lalaking miyembro ang Melchizedek Priesthood.
Matapos interbyuhin ng isang miyembro ng bishopric o ng branch president, isang miyembro ng stake presidency ang nag-iinterbyu sa mga miyembrong nakatira sa stake. Isang miyembro ng mission presidency ang magsasagawa ng pangalawang interbyu para sa mga miyembrong nakatira sa isang district. Ang isang district president ay hindi nagsasagawa ng interbyu para sa temple recommend maliban kung awtorisado ng Unang Panguluhan.
26.3.2
Mga Interbyu para sa Temple Recommend para sa mga Miyembro na nasa Malalayong Lugar
Ang ilang miyembro ay nakatira sa mga lugar na mangangailangan ng napakalaking gastos sa paglalakbay o napakahirap na paglalakbay para makipagkita sa isang miyembro ng stake o mission presidency. Sa ganitong mga sitwasyon, maaaring interbyuhin ng temple president ang tao at lagdaan ang recommend. Bago isagawa ang interbyu, sasangguni muna siya sa stake o mission president. Dapat ay nainterbyu na ng bishop, awtorisadong counselor, o branch president ang miyembro at nalagdaan na ang recommend nito.
26.3.3
Pagsasagawa ng Interbyu para sa Temple Recommend
Hindi dapat dagdagan o bawasan ng mga lider ang mga kinakailangan.
Ang mga interbyu para sa temple recommend ay hindi dapat madaliin. Dapat pribado ang mga ito. Gayunman, ang taong iniinterbyu ay maaaring anyayahan ang isang asawa, magulang, o isa pang adult para samahan siya.
26.4
Pagbibigay ng mga Temple Recommend sa mga Miyembrong Hindi Pa Nakatanggap ng Endowment
26.4.1
Mga Pangkalahatang Tuntunin
Ang mga temple recommend ay ibinibigay sa mga miyembrong hindi pa nakatanggap ng endowment na gaya ng sumusunod:
-
Para sa mga miyembrong edad 11 pataas na magsasagawa ng pagbibinyag at kumpirmasyon para sa mga patay. (Ang mga kabataang babae at mga naorden na kabataang lalaki ay maaaring makatanggap ng temple recommend simula sa Enero ng taon kung kailan sila magiging 12 taong gulang.)
-
Para sa mga miyembrong edad 8 hanggang 20 na ibubuklod sa kanilang mga magulang. Hindi na kailangan ng recommend ng mga batang wala pang 8 taong gulang para maibuklod sa kanilang mga magulang (tingnan 26.4.4).
-
Para sa mga miyembrong edad 8 hanggang 20 na manonood ng pagbubuklod ng kanilang mga kapatid o kinakapatid (stepsibling o half sibling) sa kanilang mga magulang.
Ang mga miyembrong nakatanggap na ng endowment ay hindi binibigyan ng mga recommend na ipinaliwanag sa bahaging ito.
Ang isang lalaking miyembro ng Simbahan na nasa hustong edad na para matanggap ang priesthood ay dapat i-orden sa isang katungkulan sa priesthood bago siya maaaring makatanggap ng temple recommend.
26.4.2
Mga Temple Recommend para sa mga Bagong Binyag na Miyembro
Iniinterbyu ng bishop ang mga bagong miyembro na angkop ang edad para makatanggap ng temple recommend na para lamang sa mga proxy na binyag at kumpirmasyon. Ginagawa niya ang interbyu na ito pagkatapos na pagkatapos ng kumpirmasyon ng miyembro, na karaniwan ay sa loob ng isang linggo (tingnan sa 26.4.1). Para sa mga lalaki, ang interbyu na ito ay maaaring isagawa bilang bahagi ng interbyu para sa pagtanggap ng Aaronic Priesthood.
26.4.3
Mga Temple Recommend na para Lamang sa mga Proxy na Binyag at Kumpirmasyon
Ang mga temple recommend na ibinigay para sa mga proxy na binyag at kumpirmasyon ay maaari lamang gamitin para sa layuning iyon.
26.4.4
Mga Temple Recommend para sa Pagbubuklod ng Nabubuhay na mga Anak sa mga Magulang
Ang mga miyembrong edad 21 pataas ay maaaring maibuklod sa kanilang mga magulang o mapanood ang pagbubuklod kung sila ay (1) nakatanggap na ng endowment at (2) mayroong current temple recommend.
26.5
Pagbibigay ng mga Temple Recommend sa mga Espesyal na Sitwasyon
26.5.1
Mga Miyembrong Tatanggap ng Sarili Nilang Endowment
Ang mga karapat-dapat na miyembro na nais tanggapin ang kanilang sariling endowment ay maaari itong gawin kapag natugunan nila ang lahat ng sumusunod na mga kondisyon:
-
Sila ay hindi bababa sa 18 taong gulang.
-
Nakapagtapos na o hindi na sila dumadalo ng high school, secondary school, o ng katumbas nito.
-
Nakalipas na ang isang buong taon mula noong sila ay nakumpirma.
-
Mayroon silang hangaring tanggapin at tuparin ang mga tipan sa templo sa buong buhay nila.
Bukod pa rito, dapat hawak ng isang lalaki ang Melchizedek Priesthood bago niya tanggapin ang sarili niyang endowment. Para sa impormasyon tungkol sa mga miyembrong naghahandang tumanggap ng sarili nilang endowment, tingnan ang 25.2.8. Para sa impormasyon kung sino ang maaaring tumanggap ng endowment, tingnan ang 27.2.1.
26.5.3
Mga Bata Pang Missionary na Uuwi mula sa Paglilingkod na Malayo sa Tahanan
Ang mission president ay pipili ng isang petsang isusulat sa recommend at gagamitin sa pag-activate nito para mawalan ng bisa ang recommend tatlong buwan matapos makauwi ang missionary.
Iinterbyuhin ng bishop ang mga returned missionary para magbigay ng bagong temple recommend bago matapos ang tatlong buwang expiration period.
26.5.4
Mga Miyembrong Wala Pang Isang Taong Tuluy-tuloy na Naninirahan sa Isang Ward
Kokontakin ng bishop o ng inatasang counselor ang dating bishop bago isagawa ang interbyu para sa temple recommend.
26.5.7
Mga Miyembrong Nagsasabing Sila ay Transgender
Dapat sumangguni ang stake president sa Area Presidency upang matugunan ang partikular na mga sitwasyon nang may pag-iingat at pagmamahal na tulad ng kay Cristo (tingnan sa 38.6.23).
26.5.8
Mga Miyembrong Nakagawa ng Mabigat na Kasalanan
Ang isang miyembrong nakagawa ng mabigat na kasalanan ay hindi maaaring makatanggap ng temple recommend hangga’t hindi siya nagsisisi (tingnan sa 32.6).
26.5.9
Mga Miyembrong Muling Tinanggap Matapos Bawian ng Pagkamiyembro o Nagbitiw sa Pagkamiyembro sa Simbahan
26.5.9.1
Mga Miyembro na Hindi pa Nakatanggap ng Endowment
Ang mga miyembrong ito ay hindi maaaring bigyan ng mga recommend para sa pagtanggap ng sarili nilang endowment hangga’t wala pang buong isang taon matapos silang muling tanggapin sa Simbahan sa pamamagitan ng binyag at kumpirmasyon.
26.5.9.2
Mga Miyembro na Dati nang Tumanggap ng Endowment
Ang mga miyembro na dati nang nakatanggap ng endowment ay hindi maaaring makatanggap ng anumang uri ng temple recommend hangga’t hindi naipapanumbalik ang kanilang mga pagpapala sa templo sa pamamagitan ng ordenansa ng pagpapanumbalik ng mga pagpapala.