Mga Hanbuk at Calling
28. Mga Ordenansa sa Templo para sa mga Patay


“28. Mga Ordenansa sa Templo para sa mga Patay,” Mga Seleksyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).

“28. Mga Ordenansa sa Templo para sa mga Patay,” Mga Seleksyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk

baptismal font

28.

Mga Ordenansa sa Templo para sa mga Patay

28.0

Pambungad

Ginagawang posible ng mga ordenansang isinasagawa sa mga templo na magkasama-sama sa walang-hanggan ang mga pamilya at maranasan ang ganap na kagalakan sa piling ng Diyos.

Para makabalik ang mga anak ng Ama sa Langit sa Kanyang piling, bawat isa sa kanila ay dapat magsisi, maging karapat-dapat na tanggapin ang mga ordenansa ng kaligtasan at kadakilaan, at tuparin ang mga tipang nauugnay sa bawat ordenansa.

Alam ng Ama sa Langit na marami sa Kanyang mga anak ang hindi matatanggap ang mga ordenansang ito sa kanilang mortal na buhay. Naglaan Siya ng isa pang paraan para matanggap nila ang mga ordenansa at makipagtipan sa Kanya. Sa mga templo, ang mga ordenansa ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng proxy. Ang ibig sabihin nito ay isang buhay na tao ang tatanggap ng mga ordenansa para sa isang taong pumanaw na. Sa daigdig ng mga espiritu, maaaring piliin ng mga yumaong tao na tanggapin o tanggihan ang mga ordenansang isinagawa para sa kanila (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 138:19, 32–34, 58–59).

Hinihikayat ang mga miyembro ng Simbahan na tukuyin ang mga yumaong kamag-anak nila na hindi pa nakakatanggap ng mga ordenansa ng kaligtasan at kadakilaan. Pagkatapos ay isinasagawa ng mga miyembro ang mga ordenansa para sa mga kamag-anak na iyon.

Kung hindi pa nakakapaghanda ang mga miyembro ng mga pangalan ng kanilang mga kapamilya para sa gawain sa templo (tingnan sa 28.1.1), sila ay bibigyan sa templo ng mga pangalan ng mga taong yumao na nangangailangan ng mga ordenansa.

28.1

Mga Pangkalahatang Tuntunin sa Pagsasagawa ng mga Proxy na Ordenansa

Maaaring magsagawa ng mga proxy na ordenansa para sa mga taong namatay sa edad na 8 pataas. Maliban kung nakasaad sa 28.3, ang mga proxy na ordenansa ay maaaring isagawa para sa lahat ng taong yumao 30 araw magmula sa araw ng kanilang pagpanaw kung angkop ang alinman sa mga sumusunod:

  • Isinusumite ng isang malapit na kamag-anak ng yumao (hindi diniborsiyo na asawa, adult na anak, magulang, o kapatid) ang pangalan nito para sa mga ordenansa sa templo.

  • Ang pahintulot na isagawa ang mga ordenansa ay natanggap mula sa malapit na kamag-anak ng yumao (hindi diniborsiyo na asawa, adult na anak, magulang, o kapatid).

Kung hindi naaangkop ang alinman sa mga kondisyong nabanggit sa itaas, ang mga proxy na ordenansa sa templo ay maaaring isagawa 110 taon matapos isilang ang taong yumao na.

28.1.1

Paghahanda ng mga Pangalan ng mga Patay na Tao para sa mga Ordenansa sa Templo

Kung maaari, ang impormasyong tumutukoy sa mga yumaong kapamilya ay dapat ipasok sa FamilySearch.org bago isagawa ang mga ordenansa sa templo (tingnan sa 25.4.2).

28.1.1.1

Pagsusumite ng mga Pangalan ng mga Kapamilya

Kapag nagsusumite ng mga pangalan para sa mga proxy na ordenansa sa templo, ang mga miyembro ay karaniwang nagsusumite lamang ng mga pangalan ng mga taong may kaugnayan sa kanila.

28.1.2

Sino ang Maaaring Makibahagi sa mga Ordenansa para sa mga Patay

Lahat ng miyembrong mayroong current temple recommend ay maaaring makibahagi sa mga binyag at kumpirmasyon para sa mga patay. Ang mga miyembrong nakatanggap na ng endowment at may current temple recommend ay maaaring makibahagi sa lahat ng ordenansa para sa mga patay. Tingnan sa 26.3.

28.1.4

Pag-iskedyul

Maaaring kailangang magpa-iskedyul ng mga miyembro para makapagsagawa ng mga ordenansa para sa patay. Tingnan ang temples.ChurchofJesusChrist.org para sa contact information ng bawat templo at para sa mga kinakailangan para sa pag-iskedyul.

28.2

Pagsasagawa ng mga Ordenansa para sa mga Patay na Tao

Kapag nagsasagawa ng mga proxy na ordenansa, ang isang miyembro ay maaari lamang maging proxy para sa isang patay na tao na ang birth sex o kasarian nito noong ito ay isinilang o ay kapareho ng sa miyembro.

28.2.1

Mga Binyag at Kumpirmasyon para sa mga Patay

Ang sinumang miyembro na may current temple recommend ay maaaring anyayahang maglingkod sa isa o higit pang mga gawain sa bautismuhan. Maaaring kabilang sa ilan sa mga gawain ang:

  • Pagkilos bilang proxy para sa mga pagbibinyag.

  • Pagkilos bilang saksi para sa mga proxy na binyag.

  • Pagkilos bilang proxy para sa mga kumpirmasyon.

  • Pagtulong sa mga patron.

Ang mga mayhawak ng Melchizedek Priesthood at mga priest sa Aaronic Priesthood ay maaaring anyayahang magsagawa ng mga pagbibinyag para sa mga patay. Maaari ding anyayahan ang mga mayhawak ng Melchizedek Priesthood na pangasiwaan ang mga kumpirmasyon para sa mga patay.

Tanging mga kalalakihang nakatanggap na ng endowment lamang ang maaaring anyayahang:

  • Maglingkod bilang recorder sa bautismuhan.

  • Maglingkod bilang recorder ng mga kumpirmasyon.

28.2.2

Endowment (Kabilang ang Initiatory)

Kapag nagsasagawa ng mga proxy na endowment para sa mga patay, ang initiatory na bahagi ng endowment ay hiwalay na isinasagawa at itinatala (tingnan sa 27.2). Ang sinumang miyembrong tumanggap na ng endowment na mayroong current temple recommend ay maaaring maging proxy para matanggap ang mga ordenansang ito.

28.2.3

Pagbubuklod sa Asawa at Pagbubuklod ng mga Anak sa mga Magulang

Sa templo, ang mga taong patay na ay maaaring mabuklod sa mga taong ikinasal sa kanila noong sila ay nabubuhay pa. Maaari ding ibuklod sa mga patay na tao ang kanilang mga nabubuhay o namatay na mga anak. Ang isang miyembrong nakatanggap na ng endowment na mayroong current temple recommend ay maaaring magsilbing proxy para sa mga ordenansa ng pagbubuklod.

28.3

Mga Espesyal na Sitwasyon

Ipinaliliwanag ng bahaging ito ang mga sitwasyon kung saan ang ilan sa mga tuntunin sa 28.1 ay maaaring hindi naaangkop.

28.3.1

Mga Batang Namatay Bago Isinilang (Mga Stillborn at Nalaglag na Bata)

Hindi na kailangang isagawa ang mga ordenansa sa templo para sa mga batang namatay bago isilang. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 38.7.3.

28.3.2

Mga Batang Namatay Bago Sumapit sa Edad na Walong Taong Gulang

Ang maliliit na bata ay tinubos na sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo at “ligtas sa kahariang selestiyal ng langit” (Doktrina at mga Tipan 137:10). Dahil dito, walang isinasagawang binyag o endowment para sa isang batang namatay bago naging 8 taong gulang. Gayunman, ang pagbubuklod sa mga magulang ay maaaring isagawa para sa mga batang hindi isinilang sa tipan o hindi pa natanggap ang ordenansang iyon noong nabubuhay pa sila (tingnan sa 18.1).