Mga Hanbuk at Calling
34. Pananalapi at mga Audit


“34. Pananalapi at mga Audit,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).

“34. Pananalapi at mga Audit,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk

batang may hawak na sobre

34.

Pananalapi at mga Audit

34.0

Pambungad

Ang mga ikapu at mga handog ang tumutulong sa Simbahan na maisulong ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Panginoon (tingnan sa 1.2). Ang mga pondong ito ay sagrado. Kinakatawan ng mga ito ang mga sakripisyo at pananampalataya ng mga miyembro ng Simbahan (tingnan sa Marcos 12:41–44).

34.2

Pamunuan sa Ward Hinggil sa Pananalapi

34.2.1

Bishopric

Ang bishop ay may sumusunod na mga responsibilidad para sa pananalapi ng ward. Iniaatas niya ang ilan sa mga gawaing ito sa kanyang mga counselor at mga clerk.

Ang bishop ay:

  • Tinuturuan at hinihikayat ang mga miyembro na magbayad ng buong ikapu at maging bukas-palad sa pagbibigay ng mga handog (tingnan sa 34.3).

  • Tinitiyak na ang mga pondo ng ward ay nagagamit at nasusulit nang wasto (tingnan sa 34.5).

  • Nirerebyu ang mga financial statement bawat buwan at tinitiyak na ang anumang mga isyu ay kaagad na nalulutas.

  • Tinitiyak na natututuhan ng mga lider ng mga organisasyon at mga clerk ang kanilang responsibilidad para sa mga sagradong pondo ng Simbahan.

  • Inihahanda at pinamamahalaan ang taunang budget ng ward (tingnan sa 34.6).

  • Nakikipagpulong sa mga miyembro ng ward taun-taon para tanggapin ang kanilang tithing declaration.

34.2.2

Mga Ward Clerk

Inaatasan ng bishop ang ward clerk o isang assistant ward clerk na tumulong sa pag-iingat ng mga talaan sa pananalapi ng ward. Maingat na sinusunod ng mga clerk ang kasalukuyang mga patakaran upang maingatan ang pondo ng Simbahan at matiyak na tama ang mga impormasyong nasa mga talaan ng Simbahan.

Ang clerk ay may sumusunod na mga responsibilidad:

  • Itala at ideposito ang anumang pondong natanggap kasama ang isang miyembro ng bishopric.

  • Rebyuhin ang financial statement bawat buwan at tiyakin na nalulutas kaagad ang anumang mga isyu.

  • Tulungan ang bishopric na ihanda ang taunang budget ng ward (tingnan sa 34.6.1 at 34.6.2).

  • Tiyakin na ang mga miyembro ay may access sa kanilang mga statement of contributions at tumulong kung kailangan.

Ang mga clerk ay dapat may hawak ng Melchizedek Priesthood at mayroong current temple recommend.

34.3

Mga Kontribusyon

34.3.1

Ikapu

Ang ikapu ay ang pagbibigay sa Simbahan ng Diyos ng ikasampung bahagi ng kita ng isang tao (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 119:3–4; Ang kahulugan ng salitang tinubo ay kita). Lahat ng miyembrong kumikita ay dapat magbayad ng ikapu.

34.3.1.2

Tithing Declaration

Sa mga huling ilang buwan ng bawat taon, ang bishop ay nakikipagpulong sa bawat miyembro para tanggapin ang kanilang tithing declaration.

Lahat ng miyembro ay inaanyayaang makipagkita sa bishop upang:

  • Ipahayag sa bishop ang kanilang status bilang mga nagbabayad ng ikapu.

  • Siguraduhing tumpak ang mga talaan ng kanilang mga kontribusyon.

Kung maaari, dapat magkakasamang dumalo sa tithing declaration ang lahat ng miyembro ng pamilya, pati na ang mga bata.

34.3.2

Mga Handog-Ayuno

Hinihikayat ng mga lider ng Simbahan ang mga miyembro na ipamuhay ang batas ng ayuno. Kabilang dito ang pagbibigay ng bukas-palad na handog-ayuno (tingnan sa 22.2.2).

Ang mga tuntunin para sa paggamit ng mga pondo ng handog-ayuno ay ibinigay sa 22.5.2.

34.3.3

Mga Missionary Fund

Ang mga kontribusyon sa ward missionary fund ay pangunahing ginagamit para matugunan ang mga contribution commitment ng mga full-time missionary mula sa ward.

Ang mga kontribusyon sa General Missionary Fund ay ginagamit ng Simbahan sa pangkalahatang gawaing misyonero nito.

34.3.7

Ang mga Kontribusyon ay Hindi Maaaring Isauli

Kapag ang mga ikapu at iba pang handog ay ibinigay sa Simbahan, pagmamay-ari na ang mga ito ng Panginoon. Ang mga ito ay inilalaan sa Kanya.

Ipinaaalam ng mga stake president at bishop sa mga nagbibigay ng mga ikapu at iba pang handog na ang mga kontribusyong ito ay hindi maaaring i-refund o isauli.

34.4

Pagiging Kumpidensyal ng Ikapu at ng Iba Pang mga Handog

Ang halaga ng ikapu at iba pang mga handog na ibinibigay ng isang donor ay kumpidensyal. Tanging ang bishop at yaong mga awtorisadong hawakan o makita ang mga kontribusyong ito ang dapat magkaroon ng access sa impormasyong ito.

34.5

Pangangasiwa sa mga Pondo ng Simbahan

Tinitiyak ng stake president at bishop na ang lahat ng pondo ng Simbahan ay napangangasiwaan nang wasto. Ang mga bishopric at clerk ay hinihikayat na rebyuhin ang video na “Mga Sagradong Pondo, Mga Sagradong Responsibilidad” kahit isang beses sa isang taon.

22:59

34.5.1

Companionship Principle

Ang companionship principle o ang alituntunin ng pagkakaroon ng kasama ay nangangailangan na mayroong dalawang tao—isang miyembro ng bishopric at isang clerk, o dalawang miyembro ng bishopric—na aktibong makikibahagi kapag nagtatala o naglalabas ng pondo ng Simbahan.

Dapat ingatan ng mga lider ang kanilang mga password at huwag itong ibahagi sa iba (tingnan sa 33.9.1.1).

34.5.2

Pagtanggap sa Ikapu at Iba Pang mga Handog

Binigyan ng Panginoon ang mga bishop ng sagradong pagtitiwalang tanggapin at bilangin ang mga ikapu at iba pang mga handog ng mga Banal (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 42:30–33; 119). Ang bishop at kanyang mga counselor lamang ang maaaring tumanggap ng mga ikapu at iba pang mga handog. Sa kahit anong sitwasyon, ang kanilang mga asawa, iba pang mga miyembro ng kanilang mga pamilya, clerk, o iba pang mga miyembro ng ward ay hindi dapat tumanggap ng mga kontribusyong ito.

34.5.3

Pagsiyasat at Pagtatala sa Ikapu at sa Iba Pang mga Handog

Ang mga kontribusyon ay dapat siyasatin at itala sa araw ng Linggo na natanggap ang mga ito. Isang miyembro ng bishopric at isang clerk, o dalawang miyembro ng bishopric ang magkasamang nagbubukas ng bawat sobre. Tinitiyak nila na ang pondong nasa loob ng sobre ay kapareho ng halagang nakasulat sa Tithing and Other Offerings form. Itinatala nila nang wasto ang bawat donasyon. Kung magkaiba ang pondo at ang halagang nakasulat, kokontakin nila ang donor sa lalong madaling panahon para malutas ang pagkakaiba.

34.5.4

Pagdeposito sa Ikapu at sa Iba Pang mga Handog

Dapat ihanda ang deposito matapos matiyak na ang halagang nakatala ay tugma sa mga pondong natanggap.

Kapag mayroong 24-hour bank depository, ang isang miyembro ng bishopric kasama ang isa pang mayhawak ng Melchizedek Priesthood ang magdedeposito ng pondo sa bangko sa mismong araw na binuksan at siniyasat ang mga pondo.

Kung walang 24-hour bank depository at sarado ang bangko sa araw ng Linggo, inaatasan ng bishop ang isang mayhawak ng Melchizedek Priesthood na ideposito ang pondo sa bangko sa susunod na araw na bukas ito. Dapat niyang:

  • Tiyakin na ang mga pondo ay mananatiling ligtas hanggang sa maideposito ang mga ito.

  • Kunin ang isang deposit receipt na nagpapakita sa petsa at sa halaga ng idineposito.

34.5.5

Pangangalaga sa mga Pondo ng Simbahan

Ang mga miyembro na responsable sa mga pondo ng Simbahan ay hindi dapat iwan ang mga ito sa meetinghouse nang magdamag o pabayaan ang mga ito nang kahit gaano man katagal, tulad ng kapag may mga miting at aktibidad.

34.5.7

Pamamahala sa mga Pagbabayad sa Stake at Ward

Hindi maaaring magkaroon ng gastusin o bayarin ang stake o ward nang walang awtorisasyon ng namumunong opisyal.

Dapat aprubahan ng dalawang awtorisadong lider ang bawat pagbabayad. Ang isa sa kanila ay dapat miyembro ng stake presidency o bishopric. Bagama’t ang mga counselor ay maaaring bigyan ng awtorisasyon na aprubahan ang mga pagbabayad, dapat rebyuhin ng stake president o bishop ang bawat pagbabayad. Hindi dapat aprubahan ng mga lider ang pagbabayad na para sa kanilang sarili.

Kailangan ang nakasulat na pag-apruba ng stake president bago maaaring gamitin ng bishop ang mga handog-ayuno o aprubahan ang bishops’ order para sa kanyang sarili o kanyang pamilya. Kailangan ang nakasulat na pag-apruba ng isang miyembro ng Area Presidency bago maaaring gamitin ng bishop ang mga handog-ayuno o aprubahan ang bishops’ order para sa stake president o para sa pamilya nito. Tingnan ang 22.5.1.2 para sa mga tuntunin.

Ang isang miyembrong humihiling ng reimbursement ay nagbibigay ng pisikal o electronic na kopya ng anumang resibo o invoice. Dapat ibigay din niya ang layunin, halaga, at petsa ng gastusin.

Kung ang pondo ay in-advance (paunang ibinigay), ang miyembro ay nagsusumite ng isang payment request form, kung saan itatala ang layunin, halaga, at petsa. Pagkatapos mabayaran ang gastusin, ang miyembro ay (1) magbibigay ng mga resibo o invoice para sa nagastos na pondo at (2) ibinabalik ang anumang hindi nagamit na pondo. Ang ibinalik na pondo ay dapat muling ideposito.

34.5.9

Pag-iingat ng mga Talaan sa Pananalapi

Bawat stake at ward ay dapat mag-ingat ng updated at tumpak na mga talaan sa pananalapi.

Para sa impormasyon tungkol sa paggamit at pagtatago ng mga talaan at mga report, dapat sumangguni ang mga clerk sa mga tagubilin mula sa headquarters ng Simbahan o sa area office. Ang mga talaan sa pananalapi ay dapat ingatan sa loob ng hindi kukulangin sa tatlong taon nang hindi kabilang ang kasalukuyang taon.

34.6

Budget at mga Gastusin

Ang budget allowance program ay naglalaan ng pangkalahatang pondo ng Simbahan para pambayad sa mga gastusin sa mga aktibidad at programa ng mga stake at ward.

Karamihan sa mga aktibidad ay dapat simple at maliit lang ang gastos o walang gastos.

34.6.1

Mga Budget ng Stake at Ward

Ang bawat stake at ward ay naghahanda at gumagamit ng taunang budget. Ang stake president ang namamahala sa budget ng stake, at ang bishop ang namamahala sa budget ng ward.

Ang mga tuntunin ay nakalista sa ibaba:

  • Rebyuhin ang mga halagang ginastos sa nakaraang taon para matiyak na naisasaalang-alang ang paulit-ulit na mga gastusin.

  • Hilingin sa mga organisasyon na tantiyahin ang kailangan nilang budget nang detalyado.

  • Gumawa ng budget gamit ang inaprubahang mga pamamaraan.

34.6.2

Budget Allowance

34.6.2.1

Pagbibigay ng Budget

Ang pondo ng budget ay ibinibigay bawat quarter batay sa attendance sa sumusunod na mga kategorya:

  • Sacrament meeting

  • Young men

  • Young women

  • Mga bata sa Primary edad 7–10

  • Mga young single adult

Mahalaga na ang attendance ay nairereport nang tumpak at sa tamang oras (tingnan sa 33.5.1.1).

34.6.2.2

Tamang Paggamit ng Budget

Tinitiyak ng mga stake president at bishop na ang budget allowance fund ay ginagamit sa matalinong paraan.

Ang mga budget fund ng stake at ward ay dapat gamitin sa pagbayad para sa lahat ng aktibidad, programa, manwal, at kagamitan.

34.6.2.3

Sobrang Budget

Ang hindi kailangang budget allowance funds ay hindi dapat gastusin. Ang sobrang pondo ng ward ay dapat ibalik sa stake.

34.7

Mga Audit

34.7.1

Stake Audit Committee

Ang stake president ay nagtatalaga ng isang stake audit committee. Tinitiyak ng komiteng ito na ang pananalapi ng stake at ward ay napangangasiwaan ayon sa patakaran ng Simbahan.

34.7.3

Ang Financial Audit

Ginagawan ng audit ng mga stake auditor ang mga talaan sa pananalapi ng mga stake, ward, at FamilySearch center nang dalawang beses kada taon.

Ang namumunong opisyal ng unit at ang clerk na nakatalaga sa pananalapi ay dapat naroon upang sagutin ang mga tanong sa audit.

34.7.5

Pagkawala, Pagnakaw, Paglustay, o Maling Paggamit sa mga Pondo ng Simbahan

Ang stake president o ang chairman ng stake audit committee ay dapat kaagad na abisuhan kapag:

  • May nawala o ninakaw na pondo ng Simbahan.

  • Dinispalko o nilustay ng isang lider ang mga pondo ng Simbahan.