Mga Hanbuk at Calling
37. Espesyal na mga Stake, Ward, at Branch


“37. Espesyal na mga Stake, Ward, at Branch,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).

“37. Espesyal na mga Stake, Ward, at Branch,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk

mga taong kumakain sa labas

37.

Espesyal na mga Stake, Ward, at Branch

37.0

Pambungad

Ang isang stake president ay maaaring magmungkahi na lumikha ng espesyal na mga stake, ward, at branch para tulungan ang mga miyembro, ayon sa nakasaad sa kabanatang ito.

37.1

Mga Language Ward at Branch (Mga Ward at Branch na Gumagamit ng Ibang Wika)

Ang isang stake president ay maaaring magmungkahi na lumikha ng isang language ward o branch para sa mga miyembro ng stake na (1) hindi nagsasalita ng lokal na katutubong wika o (2) gumagamit ng sign language.

37.7

Mga Group sa mga Stake, Mission, at Area

Ang mga group ay maliliit na awtorisadong pagtitipon ng mga miyembro na pinamamahalaan ng isang bishop, branch president, o mission president. Maaaring magrekomenda ang stake o mission president na lumikha ng isang group sa sumusunod na mga kalagayan:

  • Ang mga potensyal nitong miyembro ay nahihirapang maglakbay para dumalo sa isang ward o branch.

  • May iilang miyembro na ang sinasalitang wika ay iba sa wika ng mga nasa ward o branch.

  • Ang mga miyembro na nasa militar ay pinakamahusay na matutulungan kapag kabilang sa isang group.

Ang isang group ay dapat mayroong hindi bababa sa dalawang miyembro. Ang isa ay dapat na karapat-dapat na priest sa Aaronic Priesthood o karapat-dapat na mayhawak ng Melchizedek Priesthood.

Sa mga stake, inaatasan ng stake president ang isang bishop o branch president na iorganisa at pangasiwaan ang group. Sa mga mission, inaatasan ng mission president ang isang branch president na iorganisa at pangasiwaan ito.

Ang stake president, mission president, bishop, o branch president ay tumatawag ng isang group leader at kanya itong sine-set apart. Ang group leader ang nag-oorganisa at nangangasiwa sa mga group meeting, na kinabibilangan ng pangangasiwa ng sakramento.

Ang group leader ay walang hawak na mga susi ng priesthood, at hindi siya awtorisadong:

  • Tumanggap ng ikapu at mga handog.

  • Payuhan ang mga miyembro tungkol sa mga mabibigat na kasalanan.

  • Magbigay ng pormal o di-pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro.

  • Magsagawa ng iba pang mga tungkulin na nangangailangan ng mga susi ng priesthood.

Karaniwang ginagamit ng mga group ang Basic Unit Program.

Ang mga membership record ng mga miyembro ng group ay iniingatan sa ward o branch na nangangasiwa sa group.

Hindi nagbibigay ang headquarters ng Simbahan ng unit number sa mga group.