“Pagtatayo ng mga Meetinghouse at Iba pang mga Lugar ng Pagsamba,” Pagtatayo ng mga Meetinghouse at Iba pang mga Lugar ng Pagsamba (2021)
“Pagtatayo ng mga Meetinghouse at Iba pang mga Lugar ng Pagsamba,” Pagtatayo ng mga Meetinghouse at Iba pang mga Lugar ng Pagsamba
Pagtatayo ng mga Meetinghouse at Iba pang mga Lugar ng Pagsamba
Mga Gabay na Alituntunin
Habang isinasaalang-alang ang bagong lugar na pagtatayuan ng isang meetinghouse, sinusunod ng mga lider at empleyado ng Simbahan ang mga gabay na alituntuning ito:
-
Self-reliance—Sinisikap nating suportahan ang pangmatagalang pag-unlad ng Simbahan. Ang bawat area ng Simbahan ay dapat magkaroon ng mithiing maging self-reliant sa temporal na aspekto.
-
Accessibility—Tinitiyak natin na ang lahat ay mayroong access sa mga mahahalagang turo, resource, at serbisyo ng ebanghelyo. Ang mas matatatag na area ay dapat tumulong sa mga area na hindi gaanong self-reliant.
-
Matalinong pangangasiwa—Tayo ay matatalinong tagapangasiwa ng mga sagradong resource. Isinasaalang-alang natin kung paano maaapektuhan ng mga desisyon ang pang-araw-araw na buhay ng mga miyembro at ang kinakailangang gastos para makibahagi sa Simbahan.
Sinisikap ng mga lokal na priesthood leader at mga priesthood leader ng area na sundin ang mga alituntuning ipinaliwanag sa dokumentong Principles and Guidelines for Meetinghouse Planning bago magrekomenda ng karagdagang gusali o espasyo.
Pagkakapare-pareho at Pag-aangkop
Lahat ng meetinghouse ay dapat mayroong mga lugar na tumutugon sa mga pangangailangan sa pagsamba at mga programa ng Simbahan. Kabilang dito ang espasyo para sa mga pangkalahatang pagtitipon, pagtuturo, at aktibidad. Ang mga lokal na kalagayan—kabilang na ang laki ng mga unit at mga pamunuan nito—ay maaaring mangailangan ng pag-aangkop kapag nagtatayo ng mga meetinghouse.
Ang mga pasilidad para sa mga pagpupulong ay maaaring bahay ng isang miyembro, isang lokal na paaralan o community center, inuupahang lugar, mga gusali o espasyo na ginawa o binili ng Simbahan, o iba pang lugar. Ang bawat isa sa mga ito ay maaaring maging pangmatagalang pasilidad para sa mga unit na iba-iba ang laki, ayon sa pag-apruba ng Area Presidency. Ang paggamit ng teknolohiya, tulad ng audiovisual equipment, ay maaaring makatulong sa gayong pag-aangkop.
Pagbibigay ng Espasyo Ayon sa Pangangailangan
Sinusubukan ng mga lokal na lider at mga lider ng area na matalinong palawakin ang paggamit sa mga meetinghouse bago humiling ng karagdagang espasyo. Dapat magbigay ng karagdagang espasyo pagkatapos maisaalang-alang ang maximum na attendance o ang bilang ng mga unit na gumagamit ng gusali, pati na rin ang mga pasilidad sa labas ng mga hangganan ng ward o stake na ang oras ng pagbibyahe papunta sa mga ito ay pasok sa itinakdang pamantayan ng Area Presidency. Sa pakikipagtulungan sa mga lokal na lider, ang mga empleyado ng Simbahan sa area ay gagawa ng mga rekomendasyon para magamit nang lubos ang mga resource ng Simbahan, nang hindi isinasaalang-alang ang mga hanggang ng stake.
Kayang bayaran
Ang mga lokal na lider at mga lider ng area ay naghahanap ng mga abot-kaya at pangmatagalang solusyon para sa mga pangangailangan sa meetinghouse. Ang isang bagong gusali o espasyo ay dapat magpakita ng pagpipitagan at dignidad, disente, at naaayon sa disenyo at hitsura ng kapaligiran nito. Dapat din itong gumamit ng mga materyal, kagamitan, at kasangkapan na mula sa lokal na lugar, kung naaangkop. Ang proseso ng pagtatayo at pagpapatakbo ng mga meetinghouse ay dapat makatulong na mapalakas ang self-reliance ng Simbahan sa lugar na iyon.
Pag-iwas sa Pagkakaroon ng Personal na Interes
Hindi dapat impluwensyahan ng mga lokal na lider at miyembro ang mga negosasyon para sa mga ari-arian ng Simbahan. Halimbawa, ang mga lokal na lider ng Simbahan ay hindi pinahihintulutang makipag-usap tungkol sa pagbili o pagrenta ng ari-arian o gumawa ng anumang pangako na gagastos ng pangkalahatang pondo ng Simbahan. Ang mga ekespyon ay kailangang mayroong nakasulat na pag-apruba ng area office o ng Meetinghouse Facilities Department.
Meetinghouse Master Planning
Para mapalakas ang mga miyembro ng Simbahan, ang mga area ay naghahanda ng mga pangmatagalang plano para sa mga meetinghouse. Kabilang sa mga planong ito ang mga desisyong magdagdag o magbawas ng espasyo sa isang meetinghouse. Sinusuportahan ng pangmatagalang meetinghouse master planning ang plano ng area na patatagin ang mga pamilya, miyembro, at unit sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga meetinghouse sa simple at abot-kayang paraan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng matalinong paggamit ng mga resource, habang isinasaalang-alang ang epekto ng mga desisyon ukol sa meetinghouse sa pagpapatatag ng mga miyembro ng Simbahan, at pagbibigay ng espasyo na angkop sa mga lokal na kalagayan.
Sa ilalim ng pamamahala ng Area Presidency, ang Area Seventy, director for temporal affairs, at area staff ay nagbibigay ng mga rekomendasyon ukol sa meetinghouse sa mga priesthood leader, at nakikipagtulungan sa kanila upang malutas ang mga problema, at gumagawa ng isang final meetinghouse proposal na isasama sa master plan. Maaari itong gawin sa isang coordinating council meeting kasama ang mga nakatalagang stake president. Maaaring kailanganing magsumite ng stake presidency sa Area Presidency ng impormasyon na tutulong sa director for temporal affairs sa paghahanda at pag-update ng isang master plan.
Para sa karagdagang impormasyon, dapat rebyuhin ng mga priesthood leader ang buklet na Meetinghouse Master Planning Guidelines.
Pagpopondo para sa mga Pasilidad ng Meetinghouse
Ang espasyo ng mga meetinghouse ay pinopondohan sa pamamagitan ng taunang plano para sa mga pasilidad ng meetinghouse. Isinusumite ng mga Area Presidency ang kanilang taunang plano sa Budget and Appropriations Committee sa pamamagitan ng Presiding Bishopric.
Pagsusuri sa Pangangailangan para sa Bagong Espasyo para sa Pagsamba
Kabilang sa mga bagay na nakakaapekto sa plano para sa pagtatayo ng mga meetinghouse sa hinaharap ang mga katangian ng mga karaniwang unit ng Simbahan sa area; mga nakaraang antas at paraan ng paglago; inaasahang antas ng paglago; nakaplanong paghahati sa mga unit; at ang laki, lokasyon, at lawak ng paggamit sa kasalukuyang gusali.
Mga Opsiyon sa Pagkakaroon ng Karagdagang Espasyo
Isinasaalang-alang ng area office ang ilang opsiyon para matukoy ang pinakaangkop na paraan upang matugunan ang pangangailangan sa mas malaking espasyo para sa pagsamba. Kabilang sa mga opsiyon na ito ang pagbabago sa mga programa ng lokal na unit, pakikihati ng espasyo sa ibang unit ng Simbahan, pag-iiba ng disenyo ng kasalukuyang espasyo, pagdagdag ng espasyo sa kasalukuyang istruktura, pag-upa ng espasyo, pagbili ng isang nakatayo nang gusali, o pagtatayo ng bagong meetinghouse.
Donasyon na Real Property (Lupa at mga Gusali)
Mapili ang Simbahan sa pagtanggap ng mga donasyon na real property o mga lupa at gusali. Kung nais ng isang tao na magbigay ng real property sa Simbahan bilang donasyon, kokontakin ng mga lokal na priesthood leader ang area office. Para sa mga nasa Estados Unidos o Canada, tumawag sa Real Estate Services Division sa Meetinghouse Facilities Department sa 1-801-240-5685 o 1-800-453-3860.
Ang mga lokal na lider ay hindi tumatanggap o nagbibigay ng resibo para sa mga donasyon na real property. Ang mga donasyon o pamanang real property ay dapat ibigay nang walang itinakdang kondisyon hinggil sa paggamit o pamamahala sa mga ito.
Mga Pamantayang Plano sa Arkitektura ng Meetinghouse
Ang mga area empleyado ng Simbahan sa area ay naghanda ng mga pamantayang plano sa arkitektura ng meetinghouse na akma sa mga lokal na kalagayan at pangangailangan. Kapag magtatayo ng isang bagong meetinghouse, isang angkop na pamantayang plano ang pipiliin. Ang planong iyan ay nagbabalangkas ng mga patakaran para sa mga silid, mga katangian, at mga kagamitan na isasama sa mga lugar na ito ng pagsamba.
Pagbuo ng Proyekto para sa Pagtatayo ng Meetinghouse
Kapag natugunan ang lahat ng panuntunan sa pagtatayo ng isang bagong meetinghouse at ang mungkahing proyekto sa pagtatayo ay napagtibay, naisama sa taunang plano, napondohan, at naiskedyul, sisimulan na ang pagbuo ng proyekto.
Sa angkop na panahon habang binubuo ang proyekto, ang project manager, sa pagsangguni sa facilities manager, ay nakikipagpulong sa stake presidency para repasuhin at pumili mula sa mga estilong makikita sa mga standard plan o pamantayang plano. Maaari ding pag-usapan kung magdaraos o hindi ng groundbreaking service. Regular na binibigyan ng impormasyon ng facilities manager ang stake presidency sa kabuuan ng pagbubuo ng proyekto.
Pagtatayo ng Proyekto
Kapag nakumpleto na ang pagpaplano para sa proyekto, magbibigay ang area office ng kontrata para sa pagtatayo ng gusali. Sa tulong ng facilities manager, nakikipagpulong ang project manager sa mga lider ng stake at contractor bago simulan ang pagtatayo ng gusali. Nirerebyu ng mga nasa miting ang kani-kanilang mga tungkulin, tinatapos ang mga opsiyon sa estilo at mga kasangkapan ayon sa pamantayang plano ng area, at nirerebyu ang iskedyul ng proyekto.
Delivery ng Meetinghouse
Kapag natapos na ang proyekto, pormal nang ipapasa ng project manager ang pangangasiwa sa gusali o ang idinagdag na pasilidad sa facilities manager. Ang facilities manager ang nagpaplano at namamahala sa malawakang paglilinis at pagpapanatiling maayos at ginagawa ang iba pang mga gawaing kailangan para maihanda sa paggamit ang gusali.
Ang facilities manager ang magbibigay ng orientation meeting at maglilibot sa mga lokal na lider. Magbibigay siya ng paunang mga tagubilin tungkol sa iba’t ibang system ng gusali sa mga stake at ward building representative. Binibigyan niya ng mga susi ang mga lokal na lider at nirerebyu ang mga iskedyul at partisipasyon ng mga miyembro sa paglilinis.
Pag-upa ng Espasyo na Gagamitin Bilang Meetinghouse
Para sa pag-upa ng bagong espasyo na gagamitin bilang meetinghouse, ang mga lokal na lider ay sumasangguni sa area meetinghouse facilities planning manager para malaman ang mga bagay na dapat matugunan. Ang bayad sa upa ay nagmumula sa operational budget ng facilities management group.
Para sa renewal ng pag-upa sa espasyong ginamit bilang meetinghouse, sumasangguni ang mga lokal na lider sa facilities manager, na siya namang mag-aasikaso sa kahilingan. Maaaring pansamantalang umupa ng isang pasilidad kapag hindi na kasya sa kasalukyang mga meetinghouse ang mga ward habang may ginagawang renovation sa isang meetinghouse.
Ang area office ang nakikipag-usap tungkol sa lahat ng mga kondisyon sa kasunduan sa pag-upa.
Pag-upa ng Espasyo na Pansamantalang Gagamitin
Maaaring umupa ng pasilidad na pansamantalang gagamitin, na babayaran ng Simbahan, kapag hindi mapagkakasya sa mga pasilidad ng Simbahan ang aktibidad sa stake, tulad ng mga stake at regional conference, fireside, indoor sports, o mga aktibidad na nagtatampok sa iba’t ibang kultura. Ang mga alternatibong solusyon, tulad ng pagdaraos ng maraming sesyon o paggamit ng teknolohiya (tulad ng pagbroadcast) ay dapat munang isaalang-alang bago umupa ng pasilidad na pansamantalang gagamitin.
Kung kailangan ng pasilidad na pansamantalang gagamitin, dapat sumangguni ang mga lokal na lider sa facilities manager na siyang mag-aasikaso ng kailangang kontrata o kasunduan. Isusumite naman ng facilities manager ang kasunduan at ang “Request for Temporary Leased Facility” form sa area office. Ang mga kahilingan ay dapat isumite nang maaga. Kapag nasunod ang prosesong ito, babayaran ang upa mula sa pangkalahatang pondo ng Simbahan.
Ang mga pasilidad para sa mga outdoor sports activity ay inuupahan gamit ang pondo ng lokal na unit.
Mga Serbisyo sa Groundbreaking
Matapos maaprubahan ang isang bagong proyektong gusali, maaaring payagan ng Area Presidency ang pagdaraos ng isang groundbreaking service bilang paghahanda para sa pagtatayo ng gusali. Ang serbisyong ito ay hindi dapat idaos sa araw ng Linggo. Ang stake president na may kinalaman dito ay sasangguni sa Area Presidency para sa mga tagubilin.
Paglalaan ng mga Gusali
Ang huling pag-apruba para sa paglalaan ay ibinibigay ng Area Presidency sa pakikipag-ugnayan sa director for temporal affairs. Ang Area Presidency ay nakikipagtulungan sa stake o mission president at itinatakda kung sino ang gagawa ng paglalaan ng gusali.
Ang programa para sa isang serbisyo ng paglalaan ay dapat akma sa layunin ng kaganapan. Hindi ito dapat mahaba o may kasamang malakihang mga musikal na pagtatanghal. Dapat bigyan ng sapat na oras ang inatasang lider upang makapagsalita at ilaan ang gusali.
Kasunod ng panalangin ng paglalaan, dapat may angkop na himno o piniling musika at maikling panalangin upang tapusin ang serbisyo.
Ang mga panalangin ng paglalaan ng mga gusali ay maaaring irekord sa pahintulot ng namumunong awtoridad.
Ang mga inuupahang meetinghouse ay maaaring ilaan kung ang lahat ng sumusunod na mga kondisyon ay natugunan:
-
Lahat ng inuupahang espasyo, maliban sa mga bahaging kahati ang ibang tao (tulad ng mga pasukan, pasilyo, at mga banyo o CR), ay ekslusibong ginagamit ng Simbahan.
-
Ito ay uupahan nang higit sa isang taon.
-
Inaprubahan ng Area Presidency ang paglalaan ng inuupahang meetinghouse.
Kung natugunan ang mga kondisyong ito at inilaan ang meetinghouse, kailangang banggitin sa panalangin ng paglalaan na ang meetinghouse ay inilalaan “para sa panahong inuupahan ito.”