Bishopric
Mga Paradahan ng Sasakyan sa mga Meetinghouse


Mga Paradahan ng Sasakyan sa mga Meetinghouse

Mga Tuntunin para sa mga Paradahan ng Sasakyan sa Estados Unidos at Canada

Ang sumusunod na impormasyon tungkol sa paggamit ng mga paradahan ng sasakyan, mga paradahan ng sasakyan na para sa mga may kapansanan, at mga basurahan ay para sa mga lider sa Estados Unidos at Canada. Maaaring makatulong ito sa mga nasa ibang lugar. Gayunman, isaalang-alang ang mga lokal na regulasyon at pangangailangan, at kumonsulta sa inyong lokal na facilities manager para sa angkop na paggamit ng mga tuntuning ito.

Paggamit ng mga Paradahan ng Sasakyan

Bukod pa sa mga tuntunin na matatagpuan sa 35.4.14 ng Pangkalahatang Handbuk, tandaan na ang pagpapagamit ng mga paradahan ng sasakyan ng Simbahan sa ibang mga organisasyon at indibiduwal ay maaaring ilagay ang Simbahan sa panganib, at magdulot ng karagdagang pananagutan at iba pang mga gastusin sa pagpapanatiling maayos ng pasilidad. Maaari itong magbunga ng mga negatibong epekto sa ari-arian at posibleng pagkawala ng mga property tax exemption. Kahit na ang paggamit sa mga paradahan ng sasakyan para sa mga fundraising activity ng mga kabataan (depende sa uri ng aktibidad) ay maaaring makaapekto sa property at income tax.

Ang anumang eksepsyon sa patakaran ay dapat isangguni sa inyong lokal na facilities manager at aprubado ng director for temporal affairs. Ang mga eksepsyon ay dapat na maging kapaki-pakinabang sa Simbahan (tulad ng pag-iwas sa paggamit na salungat sa Simbahan), makaiwas sa anumang posibleng problemang legal, at makakuha ng kaukulang pag-apruba bago magbigay ng pahintulot sa paggamit.

Bukod pa sa mga paradahan ng sasakyan, ang ilang halimbawa ng paggamit ng mga shared property ay ang pag-access sa mga ari-arian ng Simbahan, gate, easement, boundary issue, at mga kasunduan sa right-of-way.

Itinalagang Paradahan ng Sasakyan para sa mga May Kapansanan

Ang mga lokal na batas ay nagtatakda ng karaniwang bilang ng mga paradahan ng sasakyan para sa mga may kapansanan. Gayunman, maaaring hilingin ng mga bishop o lider ng stake sa facilities manager na dagdagan ang mga ito kung kinakailangan.

Para sa malalaking pagtitipon, tulad ng isang stake conference, tinitiyak ng mga lokal na lider na mayroong sapat na bilang ng mga paradahan ng sasakyan para sa mga may kapansanan (maaari ding magtalaga ng pansamantalang mga paradahan ng sasakyan para sa mga may kapansanan). Nakikipag-ugnayan din ang mga bishop sa iba pang mga ward kung regular silang nagkakasabay sa paggamit ng gusali at sa mga paradahan ng sasakyan nito. Halimbawa, maaaring hindi magkaroon ng sapat na paradahan ng sasakyan para sa mga may kapansanan dahil ginagamit na ang mga ito ng naunang ward.

Tinuturuan at pinapaalalahanan ng mga bishop ang mga miyembro tungkol sa tamang paggamit ng mga paradahan ng sasakyan para sa mga may kapansanan. Halimbawa, ang pagparada sa isang espasyo na walang marka na napakalapit sa paradahan ng sasakyan para sa mga may kapansanan ay magiging dahilan para hindi ito magamit. Kahit ang mga may angkop na placard o permit ay dapat pa ring magbigay ng espasyo para sa mga paradahan ng sasakyan para sa may kapansanan, upang magkaroon ng sapat na espasyo ang mga gumagamit ng sasakyang mayroong mechanical lift at mga nangangailangan ng karagdagang espasyo sa pagsakay at pagbaba ng sasakyan.

Para sa karagdagang impormasyon mula sa Simbahan, bisitahin ang Disabilities website.

Mga Basurahan

Ang mga basurahan ay para lamang sa paggamit ng Simbahan. Maaaring limitahan ang pag-access sa mga ito sa pamamagitan ng mga bakod, lock, o iba pang pamamaraan, kung kinakailangan.