Bishopric
Mga Recreational Camp


Mga Recreational Camp

Pangangasiwa ng mga Recreational Property

Ang mga recreational property o lugar na panlibangan ng Simbahan ay naglalaan ng angkop na lugar para sa mga aktibidad ng Simbahan na ginagawa sa labas. Ang mga ito ay itinatayo ayon sa pamantayan at planong itinakda ng Simbahan. Mayroong dalawang uri ng mga recreational property:

  1. Recreational camp property

  2. Local Unit Recreation Center (LURC)

Ang pangunahing layunin ng mga recreational camp property ay matulungan ang mga kabataang babae na madama ang Espiritu habang masaya silang gumagawa ng ligtas at makabuluhang libangan. Ang mga camp na ito ay maaari ding gamitin ng mga stake, ward, pamilya na miyembro ng Simbahan, at kanilang mga panauhin para sa mga inaprubahang aktibidad. Hindi maaaring gumawa ng reservation sa mga recreation camp ng Simbahan para sa mga organisasyon sa komunidad, mga negosyo, at mga indibiduwal na iba ang relihiyon. Gayunman, maaaring anyayahan ng mga miyembro ng Simbahan na dumalo kasama nila ang kanilang mga kaibigan na iba ang relihiyon.

Maaaring maningil na bayad para sa paggamit ng isang recreational camp upang ipambayad sa maintenance, mga pagkukumpuni, o pagpapaganda ng pasilidad. Dapat gamitin ng lahat ng recreational camp ang online reservation system ng Simbahan sa camping.ChurchofJesusChrist.org. Ang lahat ng bayad ay dapat kolektahin sa pamamagitan ng system gamit ang unit-to-unit transfer para sa reservation ng mga unit, at gamit ang credit card para sa personal na reservation.

Ang LURC ay karaniwang matatagpuan sa loob ng mga hangganan ng isang stake at nilayong gamitin ng mga ward sa stake na iyon o ng kalapit na mga stake. Ang karaniwang halimbawa nito ay isang pavilion area o karagdagang ari-arian para sa mga aktibidad sa labas. Hindi dapat mangolekta ang mga stake ng bayad mula sa mga miyembro ng Simbahan kapag gagamit ng isang LURC.

Maaaring hilingin ng mga stake na bumili o magtayo ng isang bagong LURC o recreational camp kapag may tunay na pangangailangan. Maaaring kontakin ng mga stake president ang facilities manager o ang area office, na siyang maaaring maglakip nito para isaalang-alang sa taunang plano na isusumite sa Area Presidency.

Gayunman, bago magsumite ng gayong kahilingan, ang mga lokal na unit ay hinihikayat na gamitin ang mga pampubliko at pribadong pasilidad na maaari nilang magamit. Kapag ang kasalukuyang mga pasilidad na pag-aari ng Simbahan ay nasa makatarungang layo mula sa mga hanggan ng stake, dapat munang gamitin nang husto ang mga pasilidad na ito bago humiling ng karagdagang mga pasilidad.

Ang sumusunod na nilalaman ay para sa mga recreational camp property.

Mga Bagong Recreational Camp Property

Ang mga paghiling ng pondo ng Simbahan para bumili o magtayo ng recreational camp ay isinusumite sa director for temporal affairs. Ang pangkalahatang pondo ng Simbahan ay hinihiling gamit ang proseso ng taunang pagpaplano para sa mga recreational camp kapag natugunan ang itinakdang mga kwalipikasyon at mga pamantayan. Kontakin ang facilities manager para masimulan ang proseso ng pagsasaalang-alang.

Mga Stake na Walang Nakatalagang Recreational Camp Property

Ang Area Seventy (na inatasan ng Area Presidency) ay nagtatalaga ng mga stake sa isang camp na pag-aari ng Simbahan sa area batay sa mga pangangailangan ng stake at sa layo at paggamit ng gayong mga pasilidad. Dapat ding pag-isipang gamitin ang pampubliko o pribadong mga kampo.

Ang mga stake na walang nakatalagang recreational camp ay maaaring gumawa ng mga reservation sa alinmang recreational camp gamit ang online reservation system at sa pagsunod sa Priority Schedule para sa mga reservation na nakalagay sa website.

Pagpopondo ng mga Pagpapaganda sa Kasalukuyang mga Recreational Camp Property

Isang facilities manager ang itinatalaga sa bawat camp at may direktang responsibilidad sa lahat ng pasilidad nito. Ang pagpopondo para sa camp ay bahagi ng taunang plano at kinabibilangan ng pagpopondo para sa pagpapalit ng mga kagamitan, pagpapaganda, pagpapatakbo ng pasilidad, at pagpapanatiling maayos nito. Ang mga gastusin para sa mga aktibidad at materyales sa camp ay binabayaran ng camp mula sa bayad ng mga gumagamit (tingnan sa Pananalapi ng Stake para sa mga Camp).

Mga Pangangasiwa at Pagpapanatiling Maayos

Ang mga camp ay iniinspeksyon nang hindi kukulangin sa dalawang beses sa isang taon para malaman ang kailangang pagsasaayos at matukoy ang mga panganib sa kaligtasan. Ang mga camp at mapupunong lugar ay dapat ding inspeksyunin matapos ang masamang panahon, tulad ng malakas na paghangin, pag-ulan, o pagbagsak ng niyebe.

Sa Estados Unidos at Canada, ang mga resource para sa inspeksyon at pagpapanatiling maayos ng mga camp ay makukuha sa pamamagitan ng pagpapadala ng kahilingan sa facilities manager na nakikipagtulungan sa Natural Resources Services ng Meetinghouse Facilities Department.

Ang mga recreational camp sa inuupahang lote ay inaayos at pinangangalagaan sa simpleng paraan maliban kung may pangmatagalang kasunduan na sa pag-upa na magbibigay-katarungan para gumastos.

Pagbebenta o Pagpapaupa ng mga Recreational Camp

Ang mga stake presidency na gustong ibenta o ipaupa ang recreational camp ay dapat kontakin ang facilities manager o ang area office. Ang mga stake ay hindi awtorisadong makipagnegosasyon sa anumang munisipalidad o ahente para sa pagbili, pagbenta, pagpapaupa, o katulad na transaksyon ng recreational camp property.

Pangangasiwa

Ang Area Seventy (na inatasan ng Area Presidency) ay nagtatalaga ng agent stake president para pamunuan ang pangangasiwa sa isang camp. Ang agent stake president ay dapat nakatira sa loob ng hangganan ng unit na kinaroroonan ng camp.

Tax-Exempt Status

Dapat panatilihin ang tax-exempt status ng mga recreational camp property. Ang camp ay hindi dapat gamitin sa layuning komersyal o pulitikal o para kumita nang higit sa kailangan para sa pangangasiwa, pagpapanatiling maayos, o mga pagpapakumpuni. Kung hindi nagbigay ng tax-exempt status ang lokal na pamahalaang nakasasakop sa lugar na kinaroroonan ng recreational camp, ang buwis ay babayaran ng headquarters ng Simbahan.

Pananalapi ng Stake para sa mga Camp

Sa Estados Unidos at Canada, ang agent stake ang nangangasiwa sa pananalapi ng camp gamit ang hiwalay na Church-unit banking system (CUBS) account na ginawa sa pamamagitan ng Treasury Services sa headquarters ng Simbahan. Ang mga agent stake ay hindi direktang nagbubukas ng checking o deposit account sa mga bangko. Ang CUBS account ang ginagamit upang bayaran ang mga kailangang aktibidad at materyales sa camp. Ang lahat ng bayad ng mga gumagamit ay dapat ideposito sa CUBS account. Sa mga area sa labas ng Estados Unidos at Canada, kokontakin ng agent stake president ang area finance personnel para malaman kung paano gumawa ng account.

Ang agent stake auditor ang nagsasagawa ng audit sa mga operasyon ng camp gamit ang kasalukuyang Recreation Camp Audit form na makukuha sa Area Audit Resource Library.

Maingat na nirerebyu at inaaprubahan ng agent stake president ang lahat ng kinita at ginastos. Kung ang isang recreational camp property ay nagkakaroon ng kita mula sa mga likas na yaman, ipinapaalam ito ng agent stake sa facilities manager na nakikipagtulungan sa Natural Resources Services sa Meetinghouse Facilities Department (sa Estados Unidos at Canada) o sa area office (sa labas ng Estados Unidos at Canada). Lahat ng kinitang iyon ay idedeposito sa pangkalahatang pondo ng Simbahan.

Ang mga miyembro ng Simbahan ay maaaring tumulong na mabawasan ang mga gastusin sa pagpapanatiling maayos, pagpapakumpuni, o pagpapaganda ng camp sa pamamagitan ng pag-aambag ng trabaho, materyales, o pagpapahiram ng mga kagamitan para lamang sa maliliit na gawain. Ang lahat ng papapalit ng mga kagamitan at pagpapaganda ng pasilidad ay isinasagawa ng facilities manager gamit ang mga aprubadong contractor at pondo ng taunang plano. Ang mga lider ng Simbahan ay hindi gumagamit ng mga espesyal na fundraising event para mabayaran ang mga gastusin na nauugnay sa pagpapaganda (Tingnan sa Pagpopondo ng mga Pagpapaganda sa Kasalukuyang mga Recreational Camp Property).

Suplay ng Maiinom na Tubig

Ang mga drinking water system sa lahat ng ari-arian ng Simbahan na kumukuha ng suplay mula sa pribadong balon o bukal (maliban sa water system ng munisipyo o komunidad) ay itinatayo, pinaaandar, at iniingatan ayon sa mga patakaran ng batas at itinakdang mga pamantayan ng Simbahan. Ang facilities manager ang responsable sa pagtiyak na ang tubig ay sinusuri para sa mga pamantayan sa kalidad ng tubig bilang pagsunod sa mga regulasyon at mga umiiral na pamamaraan.

Mga Kagamitan at Sasakyan

Ang Meetinghouse Facilities Department at ang Simbahan ay karaniwang hindi nagbibigay o nagpapanatili ng mga kagamitan o sasakyan para sa mga recreational camp. Kapag kailangan ng espesyal na kagamitan, nirerentahan ito ng stake gamit ang pondo ng stake, ipinahihiram ng mga miyembro ng stake, o binibili gamit ang local unit budget allowance at mga bayad ng mga gumagamit.

Mga Tagapangalaga

Kung kailangan ang full-time na tagapangalaga, ang mga stake president ay maaaring tumawag ng mga Church-service missionary para sa tungkuling iyon. Ang mga Church-service missionary na ito ay sine-set apart ng kanilang bishop.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagtawag sa mga Church-service missionary, tingnan ang Pangkalahatang Handbuk, 24.7.