Kalusugan ng Pag-iisip
3: Tanggapin na maaaring mangyari nang paunti-unti ang paggaling.


“3: Tanggapin na maaaring mangyari nang paunti-unti ang paggaling.” Kalusugang Pangkaisipan: Mga Pangkalahatang Alituntunin (2019)

“Paggaling nang Paunti-unti,” Kalusugang Pangkaisipan: Mga Pangkalahatang Alituntunin

Healing the Blind Man [Pagpapagaling sa Lalaking Bulag], ni Carl Heinrich Bloch

Tanggapin na maaaring mangyari nang paunti-unti ang paggaling.

Nang pinagagaling ni Jesus ang isang lalaking bulag, unang namasdan ng bulag na lalaki ang mga tao na “tulad sa mga punong kahoy, na nagsisilakad.” “Ipinatong na muli [ni Jesus] sa kaniyang mga mata ang mga kamay niya,” at siya ay “gumaling, at nakita niyang maliwanag ang lahat ng mga bagay” (Marcos 8:24–25). Nang pagalingin ni Jesus ang isang babaeng inaagasan ng dugo (tingnan sa Marcos 5:25–34), ito ay pagkaraan ng 12 taon. Maipapaalala sa atin ng mga kuwentong ito na ang paggaling—sa pisikal, emosyonal, o mental—ay maaaring mangyari nang paunti-unti at hindi agaran. Ang ilang paggaling ay hindi mangyayari hanggang sa Pagkabuhay na Mag-uli.