Kalusugan ng Pag-iisip
5: Magtuon sa pagsisikap na maging katulad ng Tagapagligtas sa halip na tapusin lang ang mga gawain.


“5: Magtuon sa pagsisikap na maging katulad ng Tagapagligtas sa halip na tapusin lang ang mga gawain.” Kalusugang Pangkaisipan: Mga Pangkalahatang Alituntunin (2019)

“Pagiging Katulad ng Tagapagligtas,” Kalusugang Pangkaisipan: Mga Pangkalahatang Alituntunin

bata na hinahaplos ang kamay ng estatwa na Christus

Magtuon sa pagsisikap na maging katulad ng Tagapagligtas sa halip na tapusin lang ang mga gawain.

Sa mga sandaling nahihirapan, ang pagtapos ng kahit maliliit na gawain ay maaaring mahirap gawin. Sa mga sandaling ito, maaari tayong magtuon sa kung ano ang magiging tayo sa hinaharap, hindi lang sa mga gawain na tinatapos natin. Itinuro ni Jesucristo: “Kung gayon, maging anong uri ng mga tao ba nararapat kayo? Katotohanang sinasabi ko sa inyo, maging katulad ko” (3 Nephi 27:27). Kapag nahihirapan tayo sa mga problema sa kalusugan ng isipan, maaaring mahirap gawin ang lahat ng gusto nating gawin, ngunit maaari nating alalahanin na tayo ay nagiging higit na katulad ng Tagapagligtas kapag sinisikap nating magpakabuti sa bawat araw. Mahalagang alalahanin na ang paglalakbay natin sa pagiging disipulo ay isang proseso at ang pag-unlad natin ay nangyayari habambuhay.

Mahalaga ring alalahanin na walang nakatakdang panahon sa buhay na ito para sa paggaling at pagiging katulad ng Tagapagligtas. Ang pagtitiyaga at pagsisikap ay parehong mahalagang aspeto ng prosesong ito. Ipinaliwanag ni Pangulong Dallin H. Oaks: “Ang ebanghelyo ni Jesucristo ay ang plano kung saan maaari nating maabot ang dapat nating maging kahinatnan bilang mga anak ng Diyos. Ang walang bahid-dungis at perpektong kalagayang ito ang magiging bunga ng patuloy na paggawa ng mga tipan, ordenansa, at pagkilos, mga tamang pagpili, at patuloy na pagsisisi” (“The Challenge to Become,” Ensign, Nob. 2000, 33).