Kalusugan ng Pag-iisip
6: Tanggapin ang sagradong empatiya ng Tagapagligtas.


“6: Tanggapin ang sagradong empatiya ng Tagapagligtas.” Kalusugang Pangkaisipan: Mga Pangkalahatang Alituntunin (2019)

“Ang Sagradong Empatiya ng Tagapagligtas,” Kalusugang Pangkaisipan: Mga Pangkalahatang Alituntunin

O My Father [O Ama Ko], ni Simon Dewey

Tanggapin ang sagradong empatiya ng Tagapagligtas.

Ang empatiya ay kakayahang mahiwatigan ang damdamin ng iba at maunawaan kung ano ang maaaring iniisip o nararamdaman nila. Ang empatiya ay hindi lamang basta pagkadama ng kalungkutan para sa isang taong nalulungkot kundi pagsisikap na maunawaan ang mismong nadarama nila. Dahil si Jesucristo ay nagpakababa-baba sa lahat ng bagay, nauunawaan at nalalaman Niya kung paano tayo tutulungan sa ating mga pagsubok (tingnan sa Alma 7:11–12; Doktrina at mga Tipan 88:6).

Kapag nagiging mahirap ang buhay, maaaring iniisip natin na pinabayaan na tayo ng Diyos. Makadarama tayo ng kapayapaan at kapanatagan sa katotohanan na nagmamalasakit sa atin ang Diyos Ama at ang ating Tagapagligtas na si Jesucristo, at alam kung paano tayo tutulungan na makayanan ang ating mga pagsubok. Ang pananalig kay Jesucristo ay hindi nangangahulugan na wala nang mga pagsubok sa buhay na ito, kundi naniniwala tayo na ang Panginoon ay magbibigay sa atin ng lakas na harapin ang mga pagsubok sa ating buhay.

Itinuro ni Elder Quentin L. Cook: “Ang buhay na ito ay hindi laging madali, ni hindi ito nilayong magkagayon; panahon ito ng pagsubok at pagpapatunay. … Kung minsan maiisip nating sabihing, ‘Sana alam ninyong nahirapan ako,’ makatitiyak tayo na nariyan [si Jesucristo] at ligtas tayo sa Kanyang mapagmahal na mga bisig” (“Sana Alam Ninyong Nahirapan Kami,” Ensign o Liahona, Nob. 2008, 103, 105).