“1: Hindi ako mental health professional, pero gusto kong tumulong. Ano ang magagawa ko?” Kalusugang Pangkaisipan: Para sa Isang Tao: Mga Lider (2019)
“Gusto Kong Tumulong:” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong Para sa Isang Tao: Mga Lider
Hindi ako mental health professional, pero gusto kong tumulong. Ano ang magagawa ko?
Habang kausap mo ang isang tao na may problema sa kalusugan ng pag-iisip, ang pinakamahalagang bagay na magagawa mo ay makinig at magpakita ng pagdamay. Ang mga sumusunod na pahayag ay maaaring makatulong sa iyo na makapagpadama ng pagdamay:
-
“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, pero gusto kong malaman mo na nagmamalasakit ako sa iyo.”
-
“Hindi mo kailangang magsalita kung ayaw mo. Gusto ko lang malaman mo na nagmamalasakit ako.”
-
“OK lang na paiba-iba ang nararamdaman mo bawat araw. Wala namang isang tamang paraan sa dapat maramdaman. Gayunpaman, ang tulutang maramdaman mo kung ano ang nasasaloob mo ay kadalasang pinakamabuting gawin.”
-
“Nalulungkot talaga ako na kailangan mong pagdaanan ito.”
-
“Ayos lang kung hindi mo alam ang lahat ng sagot, o hindi mo alam kung ano ang eksaktong nangyayari. Mag-usap lang tayo.”
Kapag kinakausap mo ang isang tao na may problema sa kalusugan ng pag-iisip, maaari mong itanong ang mga katulad ng nasa ibaba para matulungan ka na maunawaan ang kanyang mga alalahanin, pangangailangan, at kalagayan. Kung nahihirapan siya sa nadaramang emosyon at nangangailangan ng tulong ng isang propesyonal, kontakin ang Family Services.
-
Kumusta ang pakiramdam mo?
-
Kapag masaya ka, ano ang nakakatulong para maramdaman mo ito?
-
Ano ang mga pinagkukunan mo ng emosyonal na suporta?
-
Ano ang suportang maibibigay ko at ng mga miyembro ng ward sa iyo?