Kalusugan ng Pag-iisip
3: Paano ako makakatulong bilang lider sa aking ward o stake?


“3: Paano ako makakatulong bilang lider sa aking ward o stake?” Kalusugang Pangkaisipan: Para sa Isang Tao: Mga Lider (2019)

“Paano Ako Makakatulong Bilang Lider?” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong Para sa Isang Tao: Mga Lider

Larawan
kababaihan na nag-uusap sa pasilyo

Paano ako makakatulong bilang lider sa aking ward o stake?

Hindi ka inaasahan o hinihikayat na suriin o gamutin ang mga miyembro na may mga problema sa kalusugan ng pag-iisip. Maaari kang makinig, magpakita ng pakikiramay at habag, hikayatin sila na magpagamot kung kinakailangan, at tulungan silang makahanap ng resources. Matutulungan mo rin ang mga miyembro na madama na tinatanggap at kabilang sila, makahanap ng mga makabuluhang paraan na makapag-ambag, at mapalalim ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo.

Makakakita ka ng gabay sa bahaging Counseling Resources ng ChurchofJesusChrist.org sa pagtulong mo sa mga miyembro sa mga bagay na ito.

Print