Kalusugan ng Pag-iisip
2: Paano ko matutulungan ang mga tao, kasama na ang mga taong nakakaranas ng problema sa kalusugan ng pag-iisip, na maramdamang tanggap sila at kabilang sa simbahan?


“2: Paano ko matutulungan ang mga tao, kasama na ang mga taong nakakaranas ng problema sa kalusugan ng pag-iisip, na maramdamang tanggap sila at kabilang sa simbahan?” Kalusugang Pangkaisipan: Para sa Isang Tao: Mga Lider (2019)

“Paano Ko Matutulungan ang mga Tao na Madamang Kabilang Sila?” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong Para sa Isang Tao: Mga Lider

Si Jesus na yakap-yakap ang isang babae

Paano ko matutulungan ang mga tao, kasama na ang mga taong nakakaranas ng problema sa kalusugan ng pag-iisip, na maramdamang tanggap sila at kabilang sa simbahan?

Kailangang maramdaman ng mga tao na minamahal at tanggap sila sa simbahan. May magagawa ang bawat isa na matulungan ang ibang tao na madamang tanggap sila, pero huwag mag-alala kung tila walang nangyayari sa mga pagsisikap mo. Ang pagsisikap mong makatulong ay hindi laging magiging perpekto, pero kapag sinikap mo na iangkop ang mga iniisip, sinasabi, at ikinikilos mo para maramdaman ng iba na kabilang sila, iyan ay isang mahalagang hakbang. Mahalin ang iba, at tulungan silang madama ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng iyong tunay na pagmamalasakit sa kanila.