Kalusugan ng Pag-iisip
4: Paano ko mas mauunawaan kung ano ang dapat kong iwasang sabihin o gawin?


“4: Paano ko mas mauunawaan kung ano ang dapat kong iwasang sabihin o gawin?” Kalusugang Pangkaisipan: Para sa Isang Tao: Mga Lider (2019)

“Paano Ako Mas Makauunawa?” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong Para sa Isang Tao: Mga Lider

dalawang lalaking nag-uusap sa balkon

Paano ko mas mauunawaan kung ano ang dapat kong iwasang sabihin o gawin?

Magpahayag ng pagdamay (at patuloy na gawin ito). Magdasal na magabayan sa dapat sabihin. Ang pag-alo sa isang tao ay nakakatakot kung minsan, ngunit kadalasang mas mabuti na ang tumulong at may sabihin kaysa wala. Mahalaga para sa mga taong may problema sa kalusugan ng pag-iisip na malamang nagmamalasakit ka at gusto mo silang suportahan.

Maging sensitibo. Ang pagsasabi ng ilang bagay maganda man ang intensyon ay maaaring hindi ituring na pagdamay ng mga taong may problema sa kalusugan ng pag-iisip. Ang mga sumusunod na halimbawa ay baka mas makasakit pa sa halip na makatulong:

  • “Bahagi ito ng plano ng Diyos.”

  • “Mabuti na lang …” (“Mabuti na lang hindi mas malala ang kalagayan mo,” “Mabuti na lang kahit paano may pamilya ka pa,” “Kahit paano may mga kaibigan ka pang sumusuporta sa iyo.”)

  • “Naranasan ko rin iyan.”

  • “Dagdagan mo pa ang paglilingkod.”

  • “Bubuti rin ang mga bagay-bagay sa paglipas ng panahon.”

  • “Ang dapat mong gawin …” o “Ang gagawin mo …”

  • “Pumunta ka lang sa templo at ipagdasal mo iyan.”

  • “Makakatulong kung babaguhin mo lang ang pananaw mo.”

  • “Magpokus ka lang sa positibo.”

  • “Nasasaiyo na kung gusto mong lumigaya.”