Kalusugan ng Pag-iisip
1: Paano ko mapangangalagaan ang kalusugan ng aking isipan?


“1: Paano ko mapangangalagaan ang kalusugan ng aking isipan?” Kalusugang Pangkaisipan: Saan Pa Malalaman ang Tungkol Dito (2019)

“Kalusugan ng Aking Isipan,” Kalusugang Pangkaisipan: Saan Pa Malalaman ang Tungkol Dito

babae na nag-iisip

Paano ko mapangangalagaan ang kalusugan ng aking isipan?

Nabiyayaan ka ng mga natatanging kakayahan at kalakasan na magagamit mo para matulungan ka na mapangalagaan ang kalusugan ng iyong isipan. Subukan ang ilan sa mga ideya na nakalista sa ibaba o mag-isip ng iba pang bagay na maaari mong gawin nang regular na makakatulong sa iyo para mapanibago mo ang iyong sigla at lakas.

  • Maging panatag. Maglaan ng oras at lugar para payapain ang iyong isipan. Magpasalamat, magmuni-muni, o gumamit ng iba pang relaxation technique o paraan sa pagpapahinga. Tulutang matuon ang iyong isipan sa Diyos habang binibigyan mo ng panahong makapagpahinga ang iyong isipan at katawan.

  • Makipag-ugnayan. Ang pakikipag-ugnayan sa pamilya, mga kaibigan, at iba pa sa inyong komunidad ay makadaragdag sa iyong kaligayahan at kalusugan ng katawan at maaaring makabawas sa madalas na pagkakaroon ng mga problema sa kalusugang pangkaisipan. Tandaan, ang uri ng ugnayang mayroon ka ang mahalaga rito, hindi ang bilang.

  • Magkaroon ng kagalakan sa bawat araw. Maghangad ng kasiyahan sa maliliit at simpleng mga bagay sa pamamagitan ng pagpansin sa kagandahan ng isang bulaklak, sa lasa ng isang paboritong pagkain, sa ganda ng paghuni ng isang ibon, o sa kasiglahan ng alagang hayop.

  • Pangalagaan ang iyong katawan. Kumain ng masustansyang pagkain, matulog nang sapat bawat gabi, at regular na mag-ehersisyo hangga’t kaya mo.