“2: Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng karamdaman sa pag-iisip ng isang tao?” Kalusugang Pangkaisipan: Saan Pa Malalaman ang Tungkol Dito (2019)
“Ano ang Sanhi ng Karamdaman sa Pag-iisip?” Kalusugang Pangkaisipan: Saan Pa Malalaman ang Tungkol Dito
Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng karamdaman sa pag-iisip ng isang tao?
Bagama’t kumplikado at nagdedebate ang mga propesyonal tungkol sa mga sanhi ng karamdaman sa pag-iisip, alam natin na ang karamdaman sa pag-iisip ay hindi bunga ng kasalanan o kahinaan ng pagkatao. Kabilang sa ilang posibleng sanhi ng karamdaman sa pag-iisip ay:
-
Chemical imbalance sa utak
-
Genetic predisposition o posibilidad na magkaroon ng partikular na sakit batay sa genetics ng isang tao
-
Pinsala sa utak na sanhi ng pinsala sa ulo
-
Pabalik-balik o hindi gumagaling na sakit
-
Pang-aabuso, kabilang ang pisikal, berbal o pasalita, o seksuwal
-
Trauma na may kaugnayan sa labanan ng militar
-
Isang malungkot na pangyayari, gaya ng pagpanaw ng mahal sa buhay, pagkalugi, o diborsyo